Chapter 4
Naglakad na’ko pauwi. Medyo madilim nadin kahit alas singko pa ng hapon. Makulimlim na ang langit dahil mukhang uulan. Kailangan ko atang mag madali kung ayaw kong maabutan ng ulan dito sa daan.
Papasok nako sa subdivision nang batiin ko si manong guard pero mukhang tumatanda na siya dahil hindi na niya ako narinig. Dineadma ako 'e. Grabe, hahaha!
Pangiti-ngiti pa’ko nang malapit nako sa bahay niya. Mukhang nakauwi na siya. Anong oras narin kasi.
Pero kaagad napawi ang ngiti ko nang may makita akong sasakyan na naka park sa tapat ng bahay nila. Sampong metro ang layo ko, sa kanila. Napakunot ang noo ko.
"Kanino naman kaya ’to?" May bisita siya? Wala naman kasi akong matandaan na may sasakyan siyang ganiyan.
Napaayos ako ng tayo nang biglang bumukas ang gate. Lumabas siya, may kasama siya pero diko makita kung sino, medyo natabunan niya kasi.
May bisita nga siya. Ba't di niya sinabi sa’kin?
'Pano naman sasabihin 'e hindi ka nga kinakausap.' Kontra ng isip ko.
Oo nga naman.
Nang makita ko kung sino ang kasama niya ay bigla kong nabitawan ang hawak kong plastic. Ganon nalang kabilis ang pag kabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumikip ito.
Bakit siya nandito?
Paano?
Kailan pa?
Ilan sa mga tanong na sunod-sunod kong naisip na hindi ko alam ang sagot.
'Bakit nandito si Shaniah?' his ex.
Pinagdadasal ko na sana mali ang iniisip ko pero na kompirma kung tama dahil sa sumunod na nangyari.
Niyakap niya muna ito bago pinasakay sa sasakyan. Nakita ko pang kumaway si Niah na ikinatango niya, bago ito tuluyang pinaandar ang sasakyan paalis. Kaagad akong tumalikod nang papalapit na ang sasakyang sinasakyan ni Niah sa pwesto ko. Nang tuluyan niya kong malagpasan ay sya namang pagtulo nang luha ko.
Diko maiwasang mag-isip nang masama, lalong lalo nang makita kung buntis si Niah.
Napatawa ako nang pagak. Grabe, ilang araw akong nagtiis. Pilit kung pinapaniwala ang sarili ko, na alam ko naman sa sarili kong mali. Na alam ko namang niloloko ko lang ang sarili ko. Wala na akong maisip na paraan. Malapit na nga akong masiraan ng bait kakaisip kung paano at bakit. Bakit kami nagkakaganito? Bakit kami humantong sa ganito? At kung paano ko aayusin to kung ayaw niya namang ipaayos. Sa tuwing nagsasalita at nagtatanong ako ay wala akong makuhang sagot. Tanging nakabibinging katahimikan lang ang tanging tugon niya. Tinanong ko pa nga ang sarili ko kung,
Bakit ba di niya masabi sa’kin?
Gusto ko siyang tulungan pero paano? Paano ko siya matutulungan kung pati siya mismo ayaw niyang tulungan ang sarili.
Paano ko aayusin ang sira kung siya rin ang unti-unting sumisira sa buhay niya?
Sa tuwing tinatanong ko kung ano ang problema ay tatahimik lang siya.
Kaya ba siya naglalasing dahil dito? Dahil may iba na pala siya? Nakokonsensya ba sya dahil sa panglolokong ginawa niya sa’kin?
Napasandal nalang ako sa sasakyan ng makaramdam ng panghihina. Ang sakit. Sobrang sakit.
"Kailan pa siya naglilihim sa’kin?" I sobbed.
Kaya ba ganon nalang ang pakikitungo niya sa’kin?
Kaya ba hindi na niya ako kayang pansinin o kausapin?
Kaya ba hindi na niya man lang ako matapunan ng tingin kahit saglit dahil sa kaniya.
Dahil kay Niah. Dahil magkaka-pamilya na pala siya sa iba.
Dahil buntis si Niah.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Kasalukuyan siyang mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama niya, ingat na ingat ang bawat galaw ko para hindi makagawa ng ingay na makapag-pagising sa kaniya.
Umupo ako sa tabi niya at Dahan-dahang hinaplos ang mukha niya. Hindi ko alam pero na mi-miss ko siya ng sobra kahit lagi ko naman siyang nakikita. Ang lapit-lapit niya sa’kin pero bakit tila pakiramdam ko hindi ko siya maabot dahil ang layo na niya. Malungkot akong napangiti.
"Dwight," mahinang tawag ko sa kaniya.
Ang lalaking pangarap ko lang noon na diko aakalaing mapapasakin. Pero mukhang mapaglaro ang tadhana, kaagad ka din niyang binawi sa’kin.
Diko aakalaing hahantong tayo sa ganito. Diko aakalaing magtatapos na tayo sa ganito.
Masakit, oo. Pero alam kung wala na akong magagawa. Desisyon niyang piliin yun, at wala nakong magagawa para baguhin yun lalong lalo na, na magkakapamilya na siya sa iba. Hindi ko maiwasang mapaluha, ang pangarap na sabay naming gustong abutin, ay sa iba pala matutupad.
Napatingin ako sa bedside table niya. Kaagad akong napangiti ng makita ang litrato naming dalawa. Nasa tabing dagat kami, nakayakap siya sa akin mula sa likod habang nakaharap kami sa sunset. Ang isang litrato naman ay nakaakbay siya sa akin habang ako nakayakap sa gilid niya. Ang saya namin ng mga panahon na iyan. Yan ang oras na sinagot ko siya. Napadako ang tingin ko sa huling frame, naka casual wear kami pareho. Nakaupo kami sa hood ng sasakyan niya habang pareho kaming nakangiti. Yan yung panahon na nag celebrate kami ng 7th anniversary namin.
Ilang oras din akong nag-isip kanina, bago pumasok dito. Pinagtimbang ang lahat ng bagay kung saan ba ang mas mabigat. At na realize kung, talo ako. Sa labang ito, ako ang talo. Kahit pa sabihing mas matagal na naging kami, di parin mawala ang katotohanang siya ang nauna sa’kin. Ang naunang minahal, at ang magiging ina nang magiging anak nila. At kung titingnan, kahit di na tanungin, halata namang siya ang pinili. Malinaw na sa akin ang lahat, kaya ako nalang ang lalayo. Mahal ko si Dwight pero kahit ano pang sabihin ko wala na din naman. Wala tayong laban sa dalawang taong nagmamahalan. Wala na din naman akong dahilan para ipaglaban ang pagmamahal ko, ayaw ko nang gulo at halata namang wala na din akong pag-asang manalo. At saka may ibang buhay nang involve sa pangyayari kaya tama na.
Kung nagtatanong o nagtataka kayo kung bakit ang bilis kung sumuko, isa lang ang masasabi ko. Ano pang dahilan para isalba ang relasyon namin kung ako nalang ang nag-iisang lumalaban. Ano pa ang silbi kung isa nalang ang nagmamahal. Kung ipagpatuloy pa namin to, siguradong pareho lang kaming masasaktan pagdating sa huli at yun ang iniiwasan kong mangyari.
At isa pa kung mahal niya talaga ako, hindi na siya mag hahanap pa ng iba. Pero hindi 'e malinaw pa sa sikat ng araw na ayaw na niya. Na suko na siya. Galit ako, oo. Sino ba naman kasi ang matutuwa na ganon-ganon nalang yun, pero hanggang doon lang yun, wala parin naman akong magagawa. Kahit awayin o sugurin ko pa sila pareho, wala paring magbabago kaya tama na. Itigil nalang ang dapat itigil.
Alam kung mahihirapan ako, hindi madali. Walang madali lalong lalo na kung mahal na mahal mo ang isang tao, pero kakayanin ko. Alam kung makakaya ko din lahat ng 'to.
Hinalikan ko ang noo niya sa huling pagkakataon sabay sabing "Mahal na mahal kita Dwight, hangad ko ang kaligayahan mo."
Kung ano man ang desisyon niya, rerespituhin ko. Bago ako umalis palabas, tiningnan ko muna sya sa huling pagkakataon. Ang taong naging malaking parte ng buhay ko, ay mananatiling ala-ala na lamang.
Paalam mahal ko.