PROLOGUE

39 2 0
                                    

"Sachi, ano na? Matagal pa ba yan?" Nagulat ako nang tawagin ako ni mama. Ibinalik ko ang litratong nakuha ko sa kahon at isinama ito sa mga gamit na nakasalansan.

 Naglilipat kasi sila ng bahay, may sarili akong apartment na nakahiwalay sa bahay nila mama pero tumulong na lang din ako para mas mabilis at hindi na sila gaanong mahirapan.

"Sach, pakisama nga ito sa kahon na hawak mo kanina." Sambit ni tita Audrey habang iniaabot sakin ang litrato ko noong kolehiyo kasama ang mga kaibigan.

Limang taon na pala ang lumipas. Naalala ko dati, ang problema ko lang ay kung paano maipapasa ang bawat exam na ibibigay sa amin ng prof. Pinagmasdan kong mabuti ang litratong hawak ko.  Picture naming magkakaibigan nung graduation.

Parang kinurot ang dibdib ko. 

May kulang. 

Ang sabi nila, kolehiyo raw ang pinakamahirap. Mahirap nga, pero walang nakapagsabi sa akin na mas mahirap pala ang laro ng buhay. It was like a shot of a gun na hindi mo pwedeng ilagan.

I wasn't prepared.

"Hala! Okay ka lang ba?" Natauhan na lang ako nang marinig kong nagsalita uli si tita Drey. "Bakit umiiyak ang baby na yan? Sumbong mo kay tita, 'di natin sila bati." Natawa kami pareho habang pinupunasan ko ang luha ko. Ewan ko ba, napaka-OA ko rin talaga nitong mga nakaraang araw.

"Tagal na rin pala ano? Limang taon na rin lumipas nung naka-graduate ka. Napakagandang bata! Ka-fresh, uy!" Sabi ni tita matapos hablutin ang litratong hawak ko. "Mana-mana lang yan, ta!" Natatawang sambit ko. 

"Eh bakit nga umiiyak, hmm? Miss mo?" Nakangising tanong sa akin ni tita. 

"Syempre naman, ta! Busy na kasi kaming lahat sa work. Tapos si Amber nasa New York na 'diba? Si Ethan naman, naka-focus na sa business nya." Ngumuso ako, miss ko na sila.

Nakita kong tumaas ang kilay ni tita Drey na parang may iniisip, "Eh si Aki? Naalala ko dati, sya ang favorite ko 'diba? Diyos ko, napakabait na bata! Bakit nga ulit kayo naghiwalay? Hindi mo ata nasabi sakin. Basta tumawag ka na lang nang umiiyak noong nasa Hongkong ako." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pangalang iyon. 

Aki. Ang tagal kong hindi narinig ang pangalan nya.

 "E-ewan ko po. Hindi ko alam. Wala na akong balita sa kanya. Sige ta, balik po ako mamaya hindi pa kasi ako nag-aalmusal. Punta muna po ako sa Cozy's, may ipapabili po ba kayo?" Utal na sabi ko kay tita.

Si tita naman, nakalimutan ba nya talaga kung bakit kami naghiwalay? Sa bagay, hindi nga pala ako masyadong nakapag-kwento sa kanya nung mga panahong 'yon. Nasa Hongkong nga pala s'ya para magtrabaho. Pupunta pa tuloy ako sa café para makaiwas sa topic n'ya kahit kumain naman na talaga ako bago pumunta rito.

"Medyo busog pa naman ako pero pasabay na lang din ng dalawang blueberry cheesecake para sa amin ng mama mo. Miss ko na pastries ng Cozy's." Tumango na lang ako at nagmadaling lumakad palabas ng pinto.

"One signature hot chocolate, venti sized, for here. Then two blueberry cheesecakes po for take out." Inabot ko ang bayad sa barista. "Name po?" Nakangiting tanong nya sakin. "Sachi po." 

Agad akong humanap ng vacant table. Pinili kong maupo sa table na malapit sa bintana para na rin makapag-sight seeing. Ang ganda rin kasi ng view dito, aakalain mong nasa park ka ng Korea. 

K-drama ang atake! 

Pinagmasdan ko lang ang mga dahon sa punong sumasayaw sa hampas ng hangin. Inilabas ko ang phone ko para kuhanan ng picture ang view. Ang peaceful, deserve ko naman siguro to matapos kong mangarag sa trabaho.

Drenched in EchoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon