I woke up inside an unfamiliar place, nanlalabo ang paningin at ramdam ko pa rin ang tama ng alak. Judging the interior of the room, halatang may kaya at organized ang nakatira.
Good taste.
"Shit, nasaan ba ko?" Napatingin ako sa salamin na katabi ng kama. Pinagmasdan ko ang sarili ko.
Magulo ang buhok, puno ng suka ang damit at kalat ang mascara sa mata sa kakaiyak.
Naalis ang tingin ko sa salamin dahil may narinig akong kumatok sa pinto ng kwarto.
"Change." Binuksan niya ang pinto at ipinatong sa kama ang mga damit na hawak nya.
Napayuko ako at hindi maiwasang umiyak na naman, "Kaya siguro ako pinagpalit ni Austin sa ex niya kasi ganito ako."
"I'm a fucking mess." Sambit ko habang kinukuha ang damit na ipinatong nya sa kama.
"No matter how hard I tried to make him feel loved, talo pa rin sa ex..." Hindi ko na mapigil ang mga pinagsasabi ko dahil sa tama ng alak. Aki walked towards the door and twisted the knob.
Tama yan, para hindi nya na marinig ang mga drama ko sa buhay.
"Because I'm a fucking mess." Sabi ko habang nakayuko at umiiyak pa rin.
"And he's a fucking jerk." sabi ni Aki. Natigil ang paghikbi ko at iniangat ko ang ulo ko.
Nasa harap ko na 'yung Aki ngayon. Bakit ba bumalik pa sya? And why so concerned? Hindi naman kami magkakilala.
"Change and get some sleep, you can lock the door paglabas ko." Napaawang ang labi ko when he gave me a gentle head pat.
He left the room, leaving me stunned.
Nagising ako sa amoy ng butter. Ang bango, amoy pancake.
"Gago." napamura ako nang idilat ko ang mga mata ko at napansing wala ako sa bahay. Pilit kong inaalala yung mga nangyari kagabi at paano ako napadpad dito.
Napatingin ako sa suot ko. Why the fuck am I wearing an oversized shirt and undies? Dress ang suot ko kagabi?! And Where the fuck is my cycling shorts?! Bakit undies lang ang suot ko?!
Tumayo ako agad para hanapin yung cycling shorts ko na nakita ko rin agad sa tabi ko. Kinuha ko 'yung bag kong nakapatong sa tabi ng kama para hanapin yung phone ko. Tinignan ko ang oras, 9 am na?!
"Tangina 48 missed calls." Napasapo ako sa ulo ko dahil bumungad sakin ang mga messages at missed calls ni Amber. Hinahanap niya ako.
Tinawagan ko siya agad. Shit baka hindi 'to nakatulog kakahanap sakin, "Pucha Sachi nasaan ka na?"
"Natulog ka ba? Okay lang ako, pauwi na rin" sabi ko.
"Leche ka, wag na tayong iinom kahit kailan. Nakatulog lang ako kahapon sa lamesa tas paggising ko wala ka na. Nawala pagka-lasing ko sayo girl! Hinahanap kita sa mga staff ng bar, tapos may lalaking lumapit sakin na Ethan daw name. Sabi inuwi ka raw ng kaibigan niya." Panenermon sakin ni Amber.
"Sasampalin ko na sana kaso ibinigay naman niya information about sa kanila niyang lalaking nag-uwi sayo. Binigyan nya rin naman ako ng assurance na pwede ko sila ipapulis pag di ka nauwi before lunch. Nasa akin nga ID nung Ethan e. Kaya yes, nakatulog naman ako."
Bwisit na 'to, pinaubaya lang talaga ako sa stranger.
"Sorry." Di ko na alam kung ano pang sasabihin ko kay Amber. Hindi ko rin kasi maalala kung ano'ng nangyari kagabi.
"Wag na ulitin ha?! Drink responsibly tayo rito Sach. Alam kong pogi 'yang nag-uwi sayo pero sumbong mo sakin pag may ginawa yan."
Napahawak ako sa ulo ko, sumasakit "Alam mo, bwisit ka rin talaga. Bakit mo naman ako pinabayaan iuwi nito? Di nga natin kilala 'to. Pag ako na-kidnap, sige ka, konsensya mo rin."

BINABASA MO ANG
Drenched in Echoes
RomanceIn their college days, Sachi and Aki's love was as tumultuous as the storms that swept through their lives. Bound by youthful passion, yet torn apart by misunderstandings. For five long years, their lives diverged, each carrying the lingering ache o...