Chapter 2

16 3 0
                                        

"Edi anong oras pala uwi mo? Ikaw Sachi ha, masyado mo na akong pinapaasa. Last week pa natin plano 'to... Hindi naman ganoon kahaba yung sem break natin." Bakas sa boses ni Amber ang pagtatampo.

Tapos na ang first sem namin at semestral break na ngayon. Nagv-voice call kami para ipaalam sa kanya na ililipat ko muna ng oras yung hang-out namin.

"Sorry na Amber, hahabol ako promise! Ngayong araw lang kasi free si Austin. Midterms week na kasi nila next week. Alam mo naman na minsan lang kami magkita, mga 2 pm promise mam-meet kita." Pag-eexplain ko sa kaniya habang isinusuot ang pink heels na binili ko kahapon.

Ilang araw ko rin pinag-ipunan ang heels na 'to.

"Alam mo nakakahalata na ko sa boyfriend mong yan. Ikaw na lang ba palaging mag-aadjust, Sach? Hindi ka man lang nya pinuntahan nung nagkasakit ka." There was a short period of silence before I responded.

"Sorry..." Malungkot na sambit ko.

Naiintindihan ko naman kung magtatampo sya, kasalanan ko rin naman. Last week pa nauudlot ang plano naming picnic dahil nilagnat ako.

"N-no Sachi. Hindi ako galit sayo ha. Naiinis ako dyan kay Austin. I'll bet, ikaw na naman nag-insist na magkita kayo. Parang hindi naman kasi sya nag-eeffort. It doesn't look like he's trying." 

Natahimik ako sa mga sinabi nya. Tama sya. Ako na naman nga ang nag-insist na magkita kami ngayon para sa early celebration ng seventh month namin.

Next week pa talaga sana kaso sabi nya midterms week nya raw, okay lang naman sakin dahil mas gusto ko ring i-prioritize nya ang pagr-review. Pero ewan ko ba, hindi naman sya ganito dati

 Seven months ko na syang boyfriend pero parang namamalimos na lang ako ng oras nya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Halos buong outfit ko ay bago. I'm wearing a pink off-shoulder dress matching my pink heels. Pinaghandaan ko kasi talaga 'to. Ilang araw ko ring pinigil ang sarili kong gumastos for me to look presentable kapag nagkita na kami ni Austin.

"Sana man lang sunduin ka n'yang magaling mong boyfriend dyan sa inyo? 'Wag lang talagang papakita sakin yan at baka masapok ko na lang sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sana man lang sunduin ka n'yang magaling mong boyfriend dyan sa inyo? 'Wag lang talagang papakita sakin yan at baka masapok ko na lang sya." Inis na sabi nito.

"Ah, hindi nya ko masusundo e, may kailangan pa kasi syang daanan. Don't worry, ako naman na nagsabi na 'wag na akong sunduin, and nag-offer din naman siya." Kahit hindi ko nakikita si Amber ay naiimagine ko nang umuusok ang ilong niya.

"Tanginang 'yan. Di ka man lang pinilit. Anong silbi ng kotse nya? Sachi, minsan talaga hindi ko na alam kung anong dapat gawin sayo para matauhan ka na. Nas-stress ako sa love life mo sis!" 

Sa tono ng boses ni Amber, halatang mas galit pa siya sakin. Napasulyap ako sa orasan sa ibabaw ng cabinet, 7:30 am.

"Sige na Amber, aalis na ko. 8:30 am napag-usapan namin ni Austin e, mag c-commute pa 'ko. Tawagan na lang kita uli mamaya. 'Wag na magtampo ha? Sure ako na matutuloy alis natin don't worry!" Sigurado naman akong hindi kami magtatagal ni Austin. Sabi niya rin kasi kailangan niya uli umalis ng tanghali para um-attend sa meeting ng org nila.

Drenched in EchoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon