Chapter 3

16 3 0
                                        

"E bobo pala talaga 'yang ex mo na yan e! Tagal ko nang nagtitimpi d'yan ha? Hindi na nga tayo natuloy magpicnic, para lang makita kitang umiiyak dito? Nasaan ba 'yang hayop na yan?" I held Amber's wrist nang tumayo ito sa kinauupuan nya.

I told her what happened between me and Austin. Nakakatakot magalit ang babaeng 'to, parang pag nakita nya si Austin ngayon ay hindi siya magdadalawang isip tanggalan ng body part.

Nandito kami ngayon sa Dusk Till Dawn, bar na hindi ganoon kalayo sa Harbor View. Pinuntahan kasi ako ni Amber dito. Tumawag sya sakin kanina dahil hindi raw ako nagreply sa text nya.

Nagkita kami sa convenience store bago kami dumiretso rito, inabot na nga kami ng gabi kakaiyak ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkita kami sa convenience store bago kami dumiretso rito, inabot na nga kami ng gabi kakaiyak ko.

"Gusto ko na lang ng peace of mind, ayaw ko na uli ma-involve sa kanya." Yumuko ako sa lamesa habang nakahawak pa rin ang isang kamay kay Amber. Nararamdaman ko na ring umiikot ang paningin ko dahil hindi naman ganoon kataas ang tolerance ko sa alcohol.

Naupo uli si Amber at nilagok ang baso niyang may lamang alak, "Tangina nya." Galit na saad nito.

"Sorry, hindi na naman tayo natuloy." Sambit ko habang ang tingin ay nasa tower of rhumcoke, alak na in-oder namin. Halos nakakalahati na pala namin itong tower, himala na lang at hindi pa ako nag p-pass out.

Amber looked at me in disbelief, "Seryoso ka dyan? 'Yan pa talaga naisip mo e kinupal ka na nga ng magaling mong ex." Sabi nya habang hinihimas ang likod ko.

"Di ko na nga naisip yan. Okay lang Sachi, may next time pa naman. Sarili mo ang intindihin mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na naman.

I feel bad, pakiramdam ko ay tinalikuran ko siya para makipag-date na napunta lang din naman sa wala.

Ang swerte ko at kaibigan ko siya, how could I ask for more? 

"Isang oras niya akong pinaghintay kanina pero wala s'yang narinig sakin. Mas inalala ko pa nga sya kasi sabi niya may emergency daw na nangyari. I always prioritize him...to the point na nakakalimutan ko na yung sarili ko." Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Amber.

"Lahat...Lahat ng suot ko, pinag-ipunan ko para presentable ako sa paningin nya at hindi niya na ako ma-compare sa girlfriend ng mga tropa nya. Nagjoke nga rin sya dati na ang baduy ko raw manamit." Napalunok na lang ako, sinabihan niya rin kasi ako dati na gayahin ko raw manamit yung girlfriend ng tropa niya para hindi siya napapahiya.

"Pati 'yung putanginang sapatos na binigay ko sa kanya, ang tagal kong pinag-ipunan kasi sabi niya gusto nya raw ng ganon." Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Tangina tinipid ko nga yung sarili ko e. Di ko nabili yung bag na gusto ko... Pero okay lang...Okay lang kung makikita ko naman s'yang masaya diba?" Pinuno ko ng alak ang basong hawak ko at ininom ito.

"Kahit—kahit wala syang binigay sakin, okay lang. Inintindi ko pa rin. P-pero tangina naman..." 

"Gusto ko rin naman ng effort. Gusto ko rin ng flowers Amber, wala akong pakialam kung saan nya binili, kung gaano karami. Ang importante maalala nya lang ako...Kahit papaano." Halos hindi na ako makahinga sa mga hagulgol ko kay Amber.

Drenched in EchoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon