ARZIE POV -
"huwaaaa-- why! Oh why?!" nakakairitang daing nung childish dito.
"Maybe he can't take you anymore. Thats why!" pagtataray ko baka sakaling tumigil.
"huwaaa" but I was wrong lalo lang niyang nilakasan! Over nakatingin na samin ang lahat, ako na ang nahihiya para sa kanya...
"Hoy puwede ba tumigil ka nga ang O.A. mo na huh!" sabat ni Lexiie.
"You're all so mean! I'm having a drama here! Tapos ganyan kayo magsalita! What kind of friends are you! Meanie!" pag-iinarte pa niya.. Napaka isip bata talaga hindi ko tuloy alam kung siryoso ba tong batang to eh-
"Hey! Mirror mirror" nataranta siyang mag-ayos nang sarili ng makita niya si cX niya. Hindi niya alam na kanina pa siya niyan nakikitang mukhang tanga..
"OMG girls.. Did he saw me in that scene?! Gosh! This is oh so embarrassing!" sabi nung emo kanina na ngayon ay umaarteng parang walang nangyare. Psycho!
"Ohmy! emergency one-four and seven.." isa pa tong addict sa 'wolves' na 'yan. Ang basketball team ng Oak Bridge.
We call them 'wolves' kasi sila ang first five ng WhiteWolf..
Apat lang silang laging magkakasama tinuturing na din silang campus hearthrob. Pero dalawa lang ang nandito.
The term 'emergency number-something' is a term they use when they saw 'wolves'
The number one-four refers to Aaron and the number seven was for Kyle..
Daming alam noh? Well dati kasama ako sa mga kalandiang 'yun but not anymore. Because I already have my number eleven.
Halley Danille Contreras we call her Dynie.. Kung si Euney malakas ang topak may sixty percent siya ng one hundred ni Euney..
Anak mayaman 'yang si Dynie. May ari sila ng isang Air line. Six silang magkakapatid siya ang bunso. Pero siya ang pinaka matanda samin, nine days ang tanda niya kay Euney.
Parehas sila ni Euney na pagnakikita ang crush eh nagbabago ang mood!
Kung hindi ba naman sang damakmak na mga emo eh! Kanina pa kaya nanja'n ang dalawang 'yan!
Pano kasi nakatulala siya, kaya hindi niya napansin si Aaron kanina..
Siya na ata ang babaeng nakilala kong pinakatagal magmove on!
Kaya 'yan tulala, nakita niya kasi ang Ex-boyfriend niyang may kasama...
Si Denver Villamor ang boyfriend niya noong first year one year din ang tinagal nila, but they broke up 8 months ago. Why?
Their both parents are against on their relationship. Magkaiba kasi sila ng paniniwala. Contreras family are Christian while Villamor are Iglesiya.
Mahal nila ang isa't isa nang maghiwalay sila alam naming tatlo 'yun dahil nakausap namin si Denver after they broke up.
Napilitan lang siya. Oo nga pala si Denver ang nakipagbreak sinuko niya si Dynie para sa pamilya.
Sobrang na-depress si Dynie ng panahong 'yun kaya naman pinuntahan namin si Denver nun para awayin!
But he just cried in front of us. Kaya wala kaming nagawang tatlo kung hindi pakinggan lang siya.
"Mahal ko si Halley kaya ko ginawa 'yun... Mabuti pang habang maaga pa lang ay iwasan na naming mapalalim ang pagmamahal na 'yun mahirap ipilit ang bagay na hindi puwede. Masasaktan at masasaktan pa din kami sa huli.. The earlier the better. Para mababaw pa ang magagawang sugat.. Iniiwas ko lang siya sa sobrang sakit na mararamdaman niya in near future" 'yun ang mga katagang binitawan niya saamin..
Naiintindihan namin siya pero malungkot kami para kay Dynie! Kahit kailan hindi siya sumuko at bumitaw sa pag-iibigan nila. Ipinaglaban niya kung anong meron sila! Pero kung sino pa ang lalaki 'yun pa ang bumitiw!
Nakiusap si Denver na huwag namin sabihin kay Dynie ang mga sinabi niya ayaw niyang magkaroon ng pag-asa sa kanila si Dynie. He want her to move on.
Pero kabaliktaran ng mga gusto ni Denver ang mga nangyayari kay Dynie.
Bukod tanging si Aaron lang ang nakakapagpahyper sa kanya. Kaya nga tinawag namin siyang crush hyper!
Naging crush niya sa Aaron nung grade five, dahil pinahiram siya ng pantasa. Grabe ang kereng lang!
Loyal siya jan! Nag-iisang crush niya lang yan kahit sa artista wala siyang nagiging crush! Aaron lang talaga.
Oo nga't na gaguwapuhan siya sa iba pero hanggang do'n lang 'yun!
Yung tipong sagad na 'yung kilig naming tatlo pag dumadaan si Jeremy Ree siya sapat lang ang tili!
Pero pag-naglalaro ng basketball si Aaron wagas kung tilian niya 'yun!
Aaron Paul Cristobal. Mas kilalang Aaron..
Kilala sa pagiging mayabang at suplado!
Suplado siya whether to a boy or girl. A man of few words ika nga. As in bihira siyang magsalita-
Snob sa lahat ng bagay kaya nasasabihang mayabang.
Never had a girlfriend! Very studious!
Basketball and academics lang ang pinagkakaablahan..
Pero sabi ni Andrew. Ayaw niya lang daw talaga sa makukulit.
Tahimik kasi 'yan laging may nakasalpak na earphone sa tainga..
Ngayon nga may nakasabit na headphone sa leeg niya.
Iyan ang porma ni Aaron na gustong gusto ni Dynie. Ultra mega kilig siya kapag nakaganyan si Aaron..
Ang daming nagkakandarapa ja'n. Everyday may regalong natatanggap bibigyan niya nga ko minsan ng chocolate galing sa manliligaw niya.
Nakakasama ko 'yan minsan dahil kay Andrew dahil magka-team sila.
Isa na si Dynie sa admirer niya. Hindi din lingid sa kaalaman ni Aaron na may gusto sa kanya si Dynie.
Alam na ng lahat 'yun. Hanggang tingin lang siya kay Aaron...
---
CHARACTER MENTIONED: Jeremy Ree, originally from My Chatmate is My Housemate. Artista po siya kaya kinikilig sa kanya sila Arzie.
BINABASA MO ANG
Catch Us, We're Falling For You Guys ☺
Teen FictionFour girls seaching for their true love. A love that they want to feel with specific persons. Will all their feelings can be seen by their crushes? Or their effort will be useless?