Chapter 8 - His Answer

54 0 0
                                    

LEXIIE POV -

Woooh!!!! Grabe pagod ko ngayong araw. Pero mas nakakapagod bukas! Six to five-thirty ba naman ang pasok eh! 

"Mom. I'm done eating pasok na po ako sa kuwarto" sabi ko matapos kong ubusin ang kinakain ko.

Excited na kong mabasa 'yung sagot ni Kurt sa slambook! Kaya minadali kong kumain para masimulan ko na ang pagbabasa.

Dali dali akong umakyat papunta sa kuwarto ko. Sumalpak agad ako sa kama at binasa ang mga sagot ni Kurt!

Hindi nga ko nagkamali na papirmahin siya dito! Ang dami ko nang malalaman sa kanya sa simpleng about me lang panalo na ko. FROM his names, birthday, favorite and even his cellphone and phone number! OhMy..... I LOVE EUNEY FOR HELPING ME WITH MY PLAN!

I scan on the first page...

Name: Kurt Russel Suarez ... Shemay pangalan pa lang kinikilig na ko.

'Agad ko namang tinignan ang birthday niya. 'April 16' naku!! I have to give him a present on that day. Agad ko din naman nilagay sa reminder 'yung birthday niya sa cellphone ko.

After saving his birthday I also save his cell number. 'Yun naman talaga ang main reason sa pag-sign niya dito eh!

So I save it under the name of "Fintch"

'Yun ang petname ko sa kanya. One time noong on line ako sa facebook he pm me para lang mag tanong ng magandang codename para sa on line game na nilalaro niya. At 'yun ang binigay ko, and I'm glad that he use it. Kaya 'yun na ang tinawag ko sa kanya.

Pero after that chichat di na niya ko pni-m ulit so sad! Pero ok lang naman sakin 'yun.

I look on his favorite para naman malaman ko kung ano ang magandang iregalo ko sa kanya...

Favorite color niya is black! I don't like black but at least favorite niya din ang white! And for me white is partner of pink! Which is my favorite color!

Its so malinis kasing tignan 'di ba? Kaya partner sila. Actually dapat pink and blue. Kaya lang epal si Euney ginamit nilang tawagan ang blue and violet kaya naman ayaw ko na ng blue and pink match. White and pink na ko.

Favorite niya din 'yung perfume sa bench. Madali lang makabili no'n. Binasa ko pa ang iba niyang favorite. Alam ko na kung ano ang puwedeng pangregalo sa kanya. 

Matapos kong basahin 'yung first page na-excite akong basahin ang share your secret na page! Sana naman hindi puro secret ang sagot niya! At gusto ko din malaman ang point of view niya sa pag-ibig eh.

-- Love can show the other you inside....

What does he mean by that? May iba pa siyang pagkatao? Ano 'to? Pakitang tao gano'n?

WEEEEHHH!!!! Ano ba talaga 'yun?

Well kung tutusin nga ang laki nga ng pinagbago niya ngayon compare noong first year palang kami.

You know dati snub siya wala siyang nilalapitan liiban na lang kay Kyle 'di ko nga alam kung bakit sila naging mag-bestfriend eh. Duh! Isang chickboy at snubero. Makulit at tahimik. Parang 'di sila bagay magkasama.

Pero ngayon nga nakikisama na siya sa iba 'yun nga naging lima silang magkakaibgan pero ngayon apat na lang. Every year improving siya. Kasi ngayon pati kami kinakausap niya na. Lumalaki na ang circle of friends niya.

'Yun nga kaya ang dahilan niya kung bakit siya naging friendly? Dahil sa PAG-IBIG?

Pero sino? Kanino? Bakit hanggang ngayon wala pa din siyang girlfriend? O kahit nilalagawan man lang?

Catch Us, We're Falling For You Guys ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon