LEXIIE POV -
Magaan na ang pakiramdam ko matapos ng nangyari sa amin kahapon. Okey na kami ni Euney, nagkaintindihan na kami. Kinalimutan na din namin ang araw na 'yun.
Natuloy din ang slumber party namin kahapon. Kaya 'di na kami mag-su-slumber party sa Friday.
Sabay sabay na kaming pumasok ngayon. Sa bahay na namin nilabhan ang mga gagamitin nilang uniform kaya naman hindi na nila kinailangang umuwi pa.
"Euney! I'm warning you! 'Wag ka nang lalapit sa Matthew na 'yan kung kayong dalawa lang! Baka patulan ko na 'yung babaeng 'yun pagsinaktan ka niya ulit" banta ni Arzie kay Euney. May panibago kami sa hate list at 'yun si Andrea.
"Yeah! Yeah! I knew it mom" sarcastic na sagot ni Euney. 'Mom' - ang tawag niya kay Arzie kapag inaatake ito ng pagka over protective na nilalang.
Pumasok lang kami sa special class namin. Wala naman ganong nangyari, usual things lang din. And after ng thirty minutes of break nagpasukan din kami agad sa asigned section namin sa regular class.
"Hey how are you? Have you heard the news?" tanong ni Kyle sakin matapos kong makaupo.
"What news?" takang tanong ko.
"About Kurt. Akala ko pa naman fan girl ka? Bakit 'di ka updated?" natatawang wika nito. Minsan talaga naiirita ako sa taong 'to. Minsan mabait. Pero madalas MAKULIT!
Pero kahit ganun 'di ko pa din maiwasan na 'di siya pansinin. Masaya kasi itong kasama. At sa kanya lang ako nakakapagsabi ng tungkol kay Kurt.
Ewan ko nga din eh. I mean dapat mahiya akong sabihin sa kanya 'yung mga ganung bagay kasi best friend niya 'to. Pero may ugali kasi itong madaling pakisamahan.
Hindi ko na lang pinansin 'yung sinabi niya kanina dahil ayaw kong mabad trip. Good vibes lang dapat! Dahil wala nang conflict sa E-friends.
Napatingin ako sa cellphone ko. Since napag-usapan na din namin si Kurt. Naalala ko na hindi ko pala ito nakatext kagabi. Nag-good evening pa naman ito sakin.
Sumilip ako sa katapat naming room hinanap ko sa likod si Kurt. Pero wala ito sa tabi ni Euney, si Troy ang katabi nito. Absent ba siya? Pero imposible.
Natapos ang dalawang subject, nagbreak din kami agad. Lumabas ako habang nakabuntot si Kyle sakin.
"Puwede bang 'wag mo nga kong sundan!" naiiritang sabi ko kay Kyle.
"Huh? Hindi kita sinusundan lalabas din ako dadaan ako sa pinto" cool na sabi nito at tinuro pa 'yung pinto. Medyo napahiya naman ako do'n kaya inirapan ko na lang siya.
"Puwede ka naman dumaan sa kabilang pinto!" sagot ko na lang.
"Eh dito mas malapit. Ano bang problema mo?" mahinahong wika nito.
"Nakaka bad vibes ka kasi" sabi ko sabay irap. Nag-asaran lang kami ni Kyle hanggang sa makalabas ng pinto. Nagsasagutan kami nang biglang makasalubong namin si Kurt.
"Hey K" bati ni Kyle dito. Ngumiti lang ito ng pilit. Natulala lang ako nang makita kong may nakapulupot sa mga braso ni Kurt.
A typical flirt girl? Wew... hindi naman sa panghuhusga halata naman. Ang iksi ng suot na palda nito. Half knee ang sukat ng palda namin pero sa kanya litaw na ang maitim na tuhod nito! Bukas pa ang unahang butones ng blouse nito at makulay ang pagmumukha.
"Hi Kyle. Ako nga pala si Mickey" malanding pakilala nito kay Kyle. Hala ka kanina lang kung makapulupot siya kay Kurt wagas tapos ngayon kung lumandi siya kay Kyle wagas pa din!
BINABASA MO ANG
Catch Us, We're Falling For You Guys ☺
Dla nastolatkówFour girls seaching for their true love. A love that they want to feel with specific persons. Will all their feelings can be seen by their crushes? Or their effort will be useless?