EUNEY POV -
"Ayusin mo naman ang paghawak mo sa strings Eunice!" impatient na sabi ni Vincent.
Kanina pa ako tinuturuan ni Vincent dito at masasabi kong naiinis na siya sakin, tinatawag niya na kasi ako sa pangalan ko. Inis na inis na siya dahil ang lamya ko daw humawak ng string at pinanggigilan ko daw ang pag-strum!
"Grabe ka namang sumigaw!" ganting sigaw ko sa kanya at nasapo na lang niya an kanyang noo.
"Ang sakit sakit naman kasi sa daliri nito! Feeling ko magkakakalyo ako after this!" reklamo ko pa.
Ayaw ko naman talaga mag-aral nito in the first place! Kaya wala siyang karapatan na sigawan ako! Sila lang ang mapilit kaya dapat magtiyaga sila!
Ayoko talagang mag-aral ng gitara dahil marami nga kong nakakausap na nag-aaral ng ganito at kinakalyo daw sila! Ayaw ko ng ganun! Duh! Ganda ganda ng kamay ko tapos kakalyohan ko lang ang daliri ko?
Gusto ko lang ng lalaking magaling mag-gitara, but I never imagine my self holding a guitar!
"Alam mo ang arte mo! 'Yung iba nga nagbabayad pa para lang matuto mag gitara tapos ikaw libre na nag-iinarte ka pa!" katwiran naman ni Vincent.
"Sabi ko naman kasi sa inyo. Drums ang gusto kong pag-aralan!" sagot ko pa
"Well you can't play drums cakes. Mawawalan ng trabaho si Troy. And besides mahirap kumanta habang nagdadrums" mahinahong sagot ni Charlie. Si Charlie ang tumatayong manager ng banda. Wala kasing alam na tugtugin 'yang nilalang na 'yan!
"Ah basta nakakainis!" nakapout na sabi ko.
"Hey!" napalingon kaming lahat sa nagsalita. It's him! Mathew.
"Oh akala ko ba hindi ka puwede dahil susunduin mo si Dhea?" tanong sa kanya ni Troy.
"Magkikita na lang kami dito sa school" sagot naman nito.
"Tinatamad na ko!" reklamo ko. Nabad trip kasi ako nung makita ko ang pagmumukha ni Matt! Tapos pinag-uusapan pa nila 'yung walang kuwentang Andrea na 'yun?
"Umayos ka nga Eunice!" tila napipikon na sabi ni Vincent.
Kahit ayaw ko pinilit kong ayusin ang ginagawa ko. Magkasunod na niya kong tinawag na Eunice. That only means his pissed off already.
Nakakatakot pa naman ang siryosong Vincent! Yeah his a naughty and a playful person. Pero once na magseryoso na siya, hihilingin mo na lang na sana asarin ka na lang niya kaysa ang pagalitan!
Sinimulan kong gawin ang tinuro nilang basic at nagawa ko 'yun ng maayos. Hindi naman siya ganun kasakit pero bakat talaga 'yung string sa daliri ko at 'yun, 'yung pinag-iinarti ko.
"Tamo kaya mo naman pala nag-inarti ka pa kanina! Kailangan lang pala makita mo si Matthew para umayos 'yang ginagawa mo!" pang-aasar nito! Nagtatatlong isip na tuloy ako kung gusto ko bang magalit na lang siya o mang-asar?
Hindi na lang ako sumagot para naman manahimik siya. Pagpinatulan ko 'yan lalo lang 'yan mang-aasar.
Ilang minuto din kaming nagsession nang biglang dumaan si Lexiie kasama niya si Kyle at Dylan..
Panandalian akong natulala. Naalala ko ang mga sinabi ni Dynie sakin kahapon.
Hindi pa din ako makapaniwala na iniisip ni Lexiie na may gusto ako kay Kurt.
Ngayon ko nga lang napatunayan, halata ngang iniiwasan niya ko. Kanina gusto kong magpaliwanag sa kanya. Pero mukhang mainit ang ulo niya.
I know her. Kapag bad mood siya mahirap siyang kausap kaya minabuti ko na lang na huwag sabayan ang inis nito. Hihintayin ko na lang mag-Friday at doon ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat.
BINABASA MO ANG
Catch Us, We're Falling For You Guys ☺
Genç KurguFour girls seaching for their true love. A love that they want to feel with specific persons. Will all their feelings can be seen by their crushes? Or their effort will be useless?