Charter 15 - Friendship Binds Us

37 0 0
                                    

LEXIIE POV -

"Shit Euney stop crying! Don't be a baby! That cat fight won't kill you! Kahit natalo ka pa 'di ka dapat umiyak!" Galit pero nag-aalalang sabi ni Arzie kay Euney.

Nandito kami ngayon sa bahay namin. Dito kami dumeretro matapos paalisin ni Arzie ang CN galit na galit siya sa mga ito dahil pinabayaan nila si Euney. Hindi naman makapalag 'yung tatlong lalaki dahil parang dragon si Arzie kanina nang pinapagalitan ang mga ito.

"Well I'm not crying because of that stupid cat fight! I'm crying because of Matt, he didn't even bother to help me. Kahit man lang sana awatin 'yung girlfriend niya hindi niya magawa! Gano'n na lang ba ko kawalang kuwenta sa kanya?" umiiyak na sabi nito. Bigla nakadama ako ng awa para sa kanya. Ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman niya. Bigla naman akong nahiya sa sarili ko.

Bakit ba ko nagalit sa kanya? At ngayon pa? Ngayon pang kailangan niya ng mga kaibigan. Dahil na sasaktan siya. Nasasaktan siya ng dahil kay Matt.

Pero heto ako iniintindi ko ang selos. Dahil gusto niya din ang taong gusto ko hindi ko man lang naisip ang pinagdadaanan nito ngayon.

I know Euney for a year. At tanging boys lang ang nagiging libangan nito pag malungkot - well don't get me wrong pero kasi titig lang niya sa isang cute gaganda na ang mood niya. Sabi nga namin isa siyang 'crusholic'!

Inalala ko na lang sana 'yung childish act niya na 'yun!

Baka isa lang si Kurt sa libangan niya para makalimot kay Matt. Tulad ni Kyle para sa kanya - inspiration ito.

"He doesn't deserve a tear Euney. 'Di ba ikaw ang nagsabi sakin. Masama ang mag-aksaya ng luha sa hindi naman karapatdapat?" kalmadong wika ni Dynie habang hinahagod nito ang likod ni Euney.

"Ang sakit kasi Dynie eh. Mahal ko siya, siya lang ang minahal ko ng ganito. Ang sakit isipin na wala na talaga siyang pakialam. Kahit man lang sana awa Dynie. Pero wala eh wala siyang ginawa" patuloy pa din ito sa pag-iyak. Binitawan siya ni Arzie at lumapit ito sa kinatatayuan ko, she's marching back and forth habang patuloy lang sa pag-aalo si Dynie sa kay Euney.

"Wala siyang kuwentang tao! Tigilan mo na 'yan!" naiinis na wika ni Arzie. Alam kong galit na galit ito ngayon. Ramdam ko. Si Arzie ang tumatayong panganay samin kahit hindi ito ang pinakamatanda.

Siya ang laging nagtatanggol saamin kapag napaiyak kami ng mga boyfriend namin. Siya ang nagsisilbing lakas namin. At siya ang umaaway sa mga nanakit saamin. Ayaw na ayaw niya ng ganito. Ayaw na ayaw niyang may umiiyak samin. Ayaw na ayaw niyang may naaagrabyado saamin. Siya na ang pinakamatapang samin.

"Pasensya na, hindi ko lang kasi talaga mapigilan" humihikbing wika nito. Si Euney na ang may pinaka matibay ang loob samin. Bihira lang ito magpakita ng emosyon. Madalas niyang sinasarili ang problema. Hindi siya nagpapakitang umiiyak siya. Isang emosyon lang ang pinapakita nito parati - ang pagiging masaya.

Kahit na malungkot ito pinipilit niyang maging masaya. Pinipilit niyang pakita sa lahat na malakas siya.

That's why seeing her like this really breaks my heart. I know deep within my soul. She's hurting! Hurting so bad.

"Aaminin ko umasa ako eh. Umasa talaga ako, umasa akong maayos pa kami kahit na may girlfriend pa 'to. Kaya nga hindi ako umiyak ng isang linggo dahil umaasa ako. Kaya naman ng makita ko siyang walang paki-alam nasaktan talaga ko. It really breaks my heart" she continue crying. Lalo namang hindi mapakali si Arzie. Pero hindi din ito nakatiis nilapitan niya na ulit si Euney at niyakap pa ito.

"Fine! Cry all you want. Tutal this is your first time. But I'm telling you after this, I won't let you cry for him again!" kalmadong wika ni Arzie at tuluyan na ngang umiyak lalo si Euney.

Catch Us, We're Falling For You Guys ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon