Chapter 11 - Arzie And Andrew

50 0 0
                                    

ARZIE POV -

It's saturday today! At may date kami ni Andrew. Wala naman kasing lakad ang E-friends ngayon. Buti na din 'to kasi magkakaoras ako kay Andrew ko.

Lately kasi may umeexsena sa love life ko! Si Ricca Perez. Ex-girlfriend siya ni Andrew. Grabe siya until now 'di pa din siya sumusuko! Four months na nga kami ni Drew at five months na silang break pero dikit pa din ng dikit sa kanya!

At nung first day of school pinag-awayan namin 'yan!

*flashback

 
Iniwan ko sila Euney kasama 'yung tatlong kulokoy na nang bubwisit sakin.

Badtrip pa naman ako kanina pa! 'Di ko lang pinapahalata kela Euney. Pero kanina pa kasi 'di nagrereply si Andrew!

Nagdisisyon na lang akong magpunta ng gym. Since wala naman akong pupuntahan. Pagdating ko do'n nanlaki 'yung mga mata ko sa nakita ko!

Magkasama si Andrew at Ricca!

"Y-yen" gulat na sabi nito nang makita ako.

"Kaya pala hindi mo magawang magreply kasi kasama mo 'yang babaeng 'yan!" mataray na sabi ko at sabay talikod sa kanila.

"Yen its not what you think" sabi ni Andrew nang maabutan ako.

"I'm not thinking of anything don't be too defensive!" sabi ko at hindi pa din ako tumitingin sa kanya.

"Look I'm sorry kung 'di kita nareplyan. Bigla na lang kasi niyang kinuha ang phone ko nang tatawagan kita" paliwanag nito.

"Nakakasawang makinig sa mga paliwanag mo! Why can't you just stay away from that girl!" Sigaw ko sa kanya 'di pa din kami nakakaalis ng gym at wala akong paki kung marinig ako ng hinayupak na babaeng 'yun ang mga sinasabi ko!

"I'm doing my part Yen but she doesn't listen!" he explain back.

"Well yeah that's the point Andrew! Hindi na nga siya nakikinig eh! Pati pa ba naman ikaw?" and with that nag-walk out na ko sa gym!

Sinundan niya lang ako. Hindi ako umiimik habang siya tawag ng tawag sakin. Pero nung makarating kami ng junior building hinawakan niya ko at nagpaliwanag sakin...

Pero nauwi lang kami sa sigawan.. Hindi ko din napansin na nandito pala sila Euney kasama ang wolves.

 
Tinawag lang ako ni Dylan kaya 'di natuloy ang bangayan namin...

 
*end of flashback

And there. 'Yan ang madalas naming scene!

Ang childish lang ba? Of course not! May karapatan akong magalit noh! Dahil bago ang araw ng pasukan napag-awayan na namin 'yung babaeng 'yun!

 
Pano kasi nalaman kong nakikipagkita siya sa babaeng 'yun nung bakasyon. At tuwing Friday pa! May schedule pa talaga sila ah!

'Di ba nakakainis 'yun? Kaya pala tuwing Friday tinatangihan niya ang pag-aaya ko dahil busy-busihan siya sa araw na 'yun.

At sobrang nakakainis pa ang katwiran niya sakin tuwing mag-aaway kami.
 

"Yen alam mo namang kahit pano eh kaibigan ko din si Ricca. Takot siyang mag-isa alam mo din naman ang sitwasyon niya 'di ba. Sabi niya sakin magpapakamatay siya pag 'di ko siya sinamahan. Kailangan niya daw ako kahit bilang kaibigan lang"

Catch Us, We're Falling For You Guys ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon