Chapter II - Daan sa Kawalan

3 2 0
                                    


"Inay mauna na po ako." Ako'y nagmano at nag paalam pagkat kailangan ko na rin abangan ang bus na dumadaan sa harapan ng aming Bahay papuntang Unibersidad na aking pinapasukan.

"nako Hija, Pag palain ka ng Diyos at mag-ingat." Sagot naman ni inay at ako'y kanyang hinagkan at hinalikan sa noo. Naku talaga 'tong si Inay, hindi talaga mawawala ang lambing kahit lagi akong binubulyawan sa aking pag rereklamo.

Mag a alas kwatro na ng umaga at kaunting minuto na lang ay makakasakay na ako ng Bus. Iginala ko ang aking mata at madilim pa rin sa paligid, mabuti na lamang ay malapit lang sa kalsada ang aming bahay hindi na ako nahihirapan mag lakad. Sa limang taon ko nang ginagawa ito tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ay hindi pa rin sanay ang talukap ng mata ko. Mabigat pa rin at inaantok tuwing ganitong araw.

Habang nag hihintay nga ako'y huminti na ang pang unang biyahe ng bus sa aking harapan at kahit na napaka aga pa lamang ay marami na rin ang nakasakay rito. Pag pasok ko'y nakita ko ang mga estudyante at trabahanteng maagang nakikipag buno sa reyalidad ng Lunes. Ngunit nakakapanibago ay walang Konduktor na nangongoleta ngayong araw kaya umupo ako sa pwestong unahan - pangatlong upuan , upang mabilis iabot ang bayad.

Wari'y gustong umidlip ng aking mata pagkat malayo pa ang biyahe nito at nakaka sigurado akong pag dating ng alas sais ay naroon na kami sa Unibersidad. Lumingon muna ako at nag masid-masid sa bintana ng may maaninag akong kumpol ng tao. Napakunot ang noo ko pagkat ito'y bago. Madalas ay tulog pa ang mga tao sa nadadaanan naming mga baranggay sa ganitong oras. Mayroong ilan upang mag walis ngunit iba ang kumpol ng mga taong iyon wari bang parang may pag pupulong.

Gusto kong pumikit ngunit hindi mawaglit sa aking isipan ang mga tao kanina. Nag masid-masid pa ako ng kaunti at para bang iba ang direksyon na dinadaanan ni manong. Sinilip ko ang mga pasahero na tulad ko at mahimbing ring natutulog kaya wala akong mapag tanungan kung saan ba ang lugar na ito.

Napakabilis pa rin ng pag mamaneho ni Manong , Madilim pa rin sa labas dahil Alas kwatro y media pa lamang ngunit parang ang layo na ng natahak namin. Masukal ito at puro puno na, Wala na ring bahay tulad ng araw-araw naming dinadaanan.

FamishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon