Nag sigawan at nag-iyakan ang mga kababaihan ng makita nilang ganito ang sinapit ng isang lalake sa kabilang hawla.
Narinig ito ng mga tao sa baryong iyon at lumapit ang limang kalalakihan na akala mo'y mga batang hindi nakakain ng Isang buwan. Nanlilisik ang mga mata ng mga ito ng aking mapagtanto na hindi sila ordinaryong tao. Malalaki rin ang mga pangangatawan ng mga ito.
Binuksan nila ang hawla at akoy kinilabutan ng ilabas nila ang lalake at dilaan ang dugo nitong dumadaloy sa leeg mula sa pag kakahiwa nito kanina gamit ang lanseta. Napalunok ako at pumikit, Hindi ko alam kung ano ang uri nila pero alam kong hindi sila tao. Walang taong gagawa nito.
Binuhat nila ang lalake at ipinasok sa isang bahay kubo, wala ka na ring makikitang dugong dumadaloy pagkay nilinis na ito ng kanilang mga dila.
Pang hain, iyan ang naririnig ko paulit-ulit tuwing pipikit ako. Iyan ang huling habilin ng lalake kanina bago ito malagutan ng hininga.
Dalawang araw na rin ang nakalipas ng mapunta kami rito. Nanghihina na rin ako. Ngunit kailangan kong lumaban.
Nasaan nga ba ako? Nawa'y kutuban ang Inay sa aking hindi pag kawala ng dalawang araw. Nawa'y may dumating na tulong kahit sa ganitong kaliblib na lugar.
Sa sampu naming nasa hawla, Pito na lang kaming natitira. Unti- unti nila kaming inuubos. Unti-unti kinukuha mula para mapunan ang gutom na kalamnan.
BINABASA MO ANG
Famishment
RandomAno ang gagwin mo kung ang daang tinatahak ng transportasyon na sinakyan mo ay hindi pala ang ruta sa pupuntahan niyo?