"GISING!" Nagulantang kami ng may kumalabog sa aming hawla. Pang limang araw na rin pala simula ng kami'y mapunta rito. Pito pa rin ang bilang naming mga babae ngunit wala ng kalalakihang naka kulong sa kabila. Nalalapit na rin kaming isunod, hindi ko na rin kayang bumangon sapagkat tubig lamang at saging ang ibinibigay sa amin para kainin.
"Kumain kayo! Hindi pwedeng matay kayo sa gutom bago ang kabilugan ng buwan. Mahirap mag hanap ng bultuhang pagkain ngayon nakamasid ang mga awtoridad sa nayon!"
Dagdag nito at binigay ang 3 bultong saging at tubig sa amin.
Gusto ko ng umuwi at hagkan si Inay. Gusto ko na rin sumuko at bumigay na lamang ngutin hindi nasa punto pa rin ako na hindi ako tinuruan nila Inay at Itay na maging mahina ano pang uri ng tao ang kaharap ko. Ngunit paano kung hindi tao? Diyos ko tulungan mo ako. Gusto ko pang ibigay kay Inay at Itay ang diplomang hinihingi nila sa akin.
Kailangan kong mag palakas, tiisin ang sitwasyon na ito. Hindi ako dapat pang hinaan ng loob. Kailangan kong mag-isip ng paraan.
Dali-dali akong kumuha ng pag saging at tubig upang mapunan ang kumukulo kong kalamnan. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang.
Ahh, Xyra! Ma-isip ka. Sinasabunutan ko ang akin sarili upang ilabas ang aking inis pagkat wala akong maisip na paraan kundi maging ipain lamang ang aking sarili para buksan nila ang hawla.
Hindi kami pwedeng manatili dito, mauubos kami. Kailangan naming makatakas bago sumapit ang sinasabi nilang kabilugan ng buwan.
BINABASA MO ANG
Famishment
RandomAno ang gagwin mo kung ang daang tinatahak ng transportasyon na sinakyan mo ay hindi pala ang ruta sa pupuntahan niyo?