Daan sa Kawalan 2.0

1 2 0
                                    


Dali akong tumayo at kumapit sa upuan upang tanungin si Manong saan ang kanyang ruta.

"Manong , saan po ba ang daan na ito. Wari ko'y nawawala po tayo." Tanong ko at mahigpiot pa rin ang kapit sa barandilya ng upuan upang hindi ako matumba habang nakatayo dahil mabilis rin ang patakbo nito.

"hindi ineng, tama ito. Umupo ka na lang upang hindi ka matumba... Malapit na rin tayo. " Sagot nito at ngumiti.

"Hindi po ito ang daan pa Sta. Fe, wala na rin ho tayong nadadaanan na bahay sa may labas" Minasid ko ang mga pasahero at ang iba'y nagising sa boses ko. dali-dali din silang tumingin sa bintana ng bus at nag masid kung saan bang lugar ito ng biglang sumuray nawalan ako nang balanse at napaupo dahil biglang lumiko ang drayber.

Doon ko nabatid na iba talaga ang rutang ito pagkat walang paliko-likong daan papuntang Siyudad. Ang indikasyon ng daan na ito ay pataas ng bundok, Gusto ko pang mag tanong sa drayber ngunit sobrang biling nitong magpatakbo at kung tatayo ako'y magiging snhi lang ng aking pag ka disgrasya kaya't sinilip ko na lamang ang ibang pasahero. Hindi inalintana ang ibang ruta , wala ring nag lakas loob para mag tanong kung nasaan na ba kami. Wala umusal ng kahit ano.

Hanggang sa biglang huminto ang bus at May sumakay na dalawang kababaihan at isang lalake. Iba ang kutob ko sa mga oras na 'to para bang may iba. Naupo sila sa parteng likuran.

napatingin ako sa isang babaeng sumakay kanina. Ngunit hindi ko inaasahan na ngingiti ito, Ngiting parang dinadala ako sa kawalan hanggang sa nag sabay ang aming mga mata at doon ko napagtantong unti-unti akong kinukuha ng kawalan.

FamishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon