Napatigil ako ng may marinig akong putok ng baril sa labas at ganoon na lamang ang galit nitong ungol ng itigil ko ang pag himas sa sensitibo nitong parte. Dali-dali at palihim kong ipinasok ang susi sa aking bulsa.
Inayos niya muna ang kanyang pambabang suot at hinila ako palabas ng banyo. Nagulat na lang kami dahil bulagta na sa sahig ang mga nag babantay sa hawla at nag kakagulo ang mga ito gayundin ang akin mga kasama sa hawla.
Hinigpitan nito ang hawak sa akin at hinila ako papunta sa kulungan ng bigla itong matumba.
Putangina! Yung ulo, yung ulo nito sumabog at ang ibay tumalsik pa sa mukha ko.
Agad kong tinaas ang kamay ko ng may narinig akong kumasa ng baril, napalunok ako. Alam kong nakatutok ito sa akin dahil namamasid ko sa gilid ng akong mata.
"Isa ako sa bihag na nag banyo lamang" pag lilinaw ko at pumikit, amoy na amoy ko pa rin ang dugo at laman na tumalsik sa aking mukha. Tangina kailan baatatapos 'to. Gusto ko ng maligo at nawa'y kumagat ang aking pag mamakaawa dahil hindi nga ako naging ahin sa kanilang hapunan e mamatay naman akong sabog ang ulo dahil sa mga armadong 'to.
"Tumigil na kayo! Susuko na kami. Ibibigay namin sa inyo ang mga bihag huwag niyo lang kaming ubusin!"
Nag salita ang matanda galing sa isang bahay. Iyong yung barong kung saan pinapasok ang mga bihag na hinahain nila sa kanilang hapunan.
Napalingon ako sa kanilang gawi at hindi gumalaw. Hindi ko sigurado kung pag galaw kong baka wala na rin akong ulo.
Ngumisi sa matanda ang Matipunong lalake na naka suot pang sundalo at may hawak na armas naka alalay naman ang mga kasamahan nito sa kanyang likod habang nakatutok ang mga baril ng mga ito sa mga residente ng baryo.
BINABASA MO ANG
Famishment
RandomAno ang gagwin mo kung ang daang tinatahak ng transportasyon na sinakyan mo ay hindi pala ang ruta sa pupuntahan niyo?