"Iaalay namin sa inyo ang mga bihag huwag niyo lamang kaming ubusin."
Saad ng matanda, Gago pala 'tong mga ito akala mo laruan kaming pinapamigay. Ngunit mas mabuti na rin kaysa sa mga halimaw na taga baryong ito.Napatingin sa akin ang kausap ng matanda. Ang matipunong armado na bumaril sa kaninang umalalay sa akin patungong banyo. Ano ba kasing naisip ko bakit kailangan ko pang halikan yung halimaw na yun para makuha yung susi ng hawla. Napalunok na lang ako ng hindi niya winaglit ang tingin sa akin na para ba akong papatayin pag gumalaw ako.
"Pakawalan ang mga bihag at pakainin" utos nito sa mga tao nitong nakaabang sa kanyang likod na naka prepara pa rin ang mga armas.
"Boss, kailangan ng susi" saad ng lalakeng lumapit sa hawla nagulat akong tutukan ng matipunong armadong lalake ang matandang kausap nito kanina.
"Nasaan ang susi?" Inis nitong saad.
"Hi-hindi ko alam, Anthony! Nasa isa sa mga guwardiya ng hawla" Pag sagot nito na para bang takot na takot sa tinawag nitong Anthony.
Babarilin na sana nito ang matanda ng bigla akong mag salita.
"Nasa sa akin" lumunok muna ako bago ituloy ang sasabihin ko "kinuha ko kanina sa lalakeng pinaputukan mo" agad kong kinuha ang susi sa bulsa ko.
Ngumisi ito at nag lakad papunta sa pwesto ko. Gusto kong tumakbo ngunit masyado ng dumikit ang paa ko sa takot. Lumapit ito at bumulong.
"Paano mo nakuha ang susi na iyan kung isa ka lamang ding bihag."
Napalundag ako sa sobrang lapit nito nakakahiya man pero wala akong maisip na ilulusor rito.
"Sa paraang alam ko..." Pag titiyak ko rito.
Ngumisi ito at ilang segundo at tumawa ng napakalakas.
"Gagawin mo rin ba ang paraan na 'yan sa akin?" Tanong nito. Putangina ano ba 'tong pinasok ko. Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko ng manatili dito. Nag aalala na sa akin si Inay.
BINABASA MO ANG
Famishment
RandomAno ang gagwin mo kung ang daang tinatahak ng transportasyon na sinakyan mo ay hindi pala ang ruta sa pupuntahan niyo?