Kabanata 3

4 1 0
                                    

Chapter 3

Thianna Samantha Edevane

I'm at the cafeteria right now, eating with myself. Friendly naman akong tao but I choose who I want to be friend with.

Mas masaya pa sa public school kesa sa private. Hayy. I miss my best friend Asha. We've been friends since we're preschool. Sa public school lang ako nag aral hanggang sa maka graduate ako ng senior high school.

We're rich, but that doesn't mean that I should be on a luxury schools or what. Pinagbigyan ako ng parents ko sa gusto ko but in one condition.

They will let me study on public school but when I reach college, I'll study here in private, specifically on this school. I don't know why they chose this school instead of other universities.

I'm a year older than Asha so I treat her as my younger sister since I'm only child. Kung pwede ko lang siya bisitahin ngayon, nagawa ko na.

But they threatened me, once I show up myself in front of my best friend, they will make her suffer. And I don't want that. She's already suffering and I don't want to add anymore.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako. Tatambay na lang ulit ako sa garden ng school since I have 3 hours vacant. Wala kasi yung fourth prof namin kaya mahaba haba ang vacant namin.

When I reach the garden, naupo agad ako sa bench na inupuan ko kanina. Nilabas ko ang Wattpad book ko sa bag para magbasa.

Taming the Waves is one of my favorite story of inksteady. Ilang ulit ko na siyang nababasa but I can't still stop my tears on falling down. Sobrang sakit na yung taong inaasahan mong magiging sandalan mo...ay siya ding isa sa magiging dahilan ng paghihirap mo, but at the same time he's still your cure.

I hope hanggang story lang yon and hindi mangyari sakin. Well, hindi naman ako mabilis mainlove kaya for sure, magiging safe ako sa pain ng love.

Lumipas ang kalahating oras na hindi ko namamalayan dahil sa pagbabasa ko. Nasa part na ako ng paghihirap ni Chin kaya ang luha ko ay tumutulo na naman.

"Crying because of a story, huh? Is it that painful?" napapunas naman ako ng luha at sinarado ang libro nang marinig ko ang boses ni Sleebea.

Nilingon ko ito at nandun na naman siya sa pwesto niya kanina. Nakahiga at nakaunan ang ulo sa mga braso habang nakatingin sa langit.

"Pake mo?" masungit na saad ko. Napatingin naman ito sakin at napataas ang kilay.

"You're such a crying baby. I should call you hmm...cryby, short for crying baby." nakangising saad nito.

Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"I'm not a fucking crying baby. Kung mababasa mo lang yung story, for sure iiyak ka din." naiinis na sabi ko dito.

Umiling iling naman ito.

"Nah. I don't cry for that such things." umismid ako dito at inirapan siya.

"Whatever." mahinang saad ko at pinagpatuloy na ulit ang pagbabasa.

Hindi ko na namalayan na malapit na pala mag time kung hindi pa ako hihilahin nitong lalaking to patayo.

"Ano ba?!" inis na saad ko dito. Ikaw ba naman biglang hilahin. Nalaglag pa sa damuhan yung libro ko.

"It's almost time, woman." bored na sambit nito.

"Pwede mo namang sabihin na lang sakin!!" inirapan ko ito at inayos na ang mga gamit ko.

Nang maayos ko ito ay agad ko itong tinalikuran at nauna nang maglakad.

"Hey!!" rinig kong tawag nito sakin.

"Damn!! Why didn't you wait for me?!" inis na saad nito sakin nang maabutan ako nito. Tumingin naman ako dito at umirap.

"Required ba?" masungit na saad ko.

"Tss. Sungit." tumahimik na lang ito sa tabi ko. Pinagtitinginan kami...or should i say, ang kasama ko, ng mga studyanteng nakakasalubong namin.

May itsura din naman itong kasama ko. Bumagay sakanya ang suot niyang salamin na mas lalong nakakadagdag ng appeal niya.

Actually, secret lang natin to ah?

I have a little bit, just a little, crush on him.

Mahilig kasi ako sa lalaking nakasalamin. But not all of them. I just find it attractive.

Nang makarating kami sa room, nakita ko na naman ang lalaking bwisit na to. Inirapan ko ito bago ako lumampas sa pwesto nito.

By the way, katabi pala nitong nakaupo si Sleebea.

Kaya pala sinabi sakin nung isa kong kaklaseng lalaki na wag ako umupo doon, dahil yun daw yung pwesto nila, lalo na NIYA.

I forgot to tell you pala na one week akong late sa mismong first day ng college since nasa public school ako and late naging bakasyon namin doon so nahirapan akong kumuha ng requirements.

Ayaw kasi nila akong ipriority eh.

Kahit binayaran na sila ng parents ko, ayaw pa din nila. But anyways, it's fine. At least di sila katulad ng ibang school na mabilis sa pera.

Last subject na namin ito and inaantok na talaga ako. It's history ba naman. I hate this subject. Bakit ba lagi na lang binabalikan ang nakaraan?

Papikit na ang mga mata ko nang biglang magdismiss ang prof namin.

"Finally." mahinang saad ko sabay unat ng kamay.

Napahikab ako.

Tinext ko na ang driver namin na sunduin na ako. Akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang presensiya ng isang tao.

Inangat ko ang tingin ko dito. I saw that perverted jerk, smirking at me.

"Kailangan mo?" bored na tanong ko dito.

"You." automatic na tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.

Tumayo na ako at tinulak ito pero hindi man lang ito gumalaw.

Laking tao kasi.

"Pwede ba? Kung wala kang magawa sa buhay ko, wag mo akong idamay sa trip mo." ako na lang ang nag adjust at sa tabi na lang ako nito dumaan pero agad nitong hinawakan ang braso ko para pigilan sa pag alis.

Nakita ko pa ang iba kong kaklase na tumitingin pa samin pero sinuway ito ni Sleebea at pinalabas. Ang ending, naiwan kaming dalawa dito sa loob ng room.

"I said...I want you. Is that difficult to understand?" malamig ang boses na saad nito.

Marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko pero mas lalo lang itong humigpit.

"Aray naman!! Nasasaktan ako, ano ba?!" tumingin ito sakin at nakita ko ang paglambot ng mata nito na agad ding napalitan ng malamig at walang buhay.

Binitawan ako nito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makaalis. Bago ko pa mahawakan ang doorknob, may sinabi pa ito na siyang kinabilis ng tibok ng puso ko.

"You're only mine, anima mia."








CODE SERIES 2:RHYMEE CLAUDE SAFFIRO (THE ASSASSIN'S FIRST LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon