Kabanata 9

4 0 0
                                    

Chapter 9

Thianna Samantha Edevane

Napasimangot ako nang hindi tumama ang dart sa lata na nakatayo sa isang spring. Basta yung tumatalbog pag nagagalaw.

"Gosh!! It's so hard." inis na saad ko.

Nasa isang peryahan nga pala kami ni Rhy dahil nag aya ito na magdate daw kami. Hindi ko din inaasahan na mag aaya ito.

I suggested on him na sa isang peryahan na lang kami dahil gusto ko ulit makapunta sa ganito. Last na punta ko kasi dito ay noong high school pa lang kami ni Asha.

Maybe, we're grade 8 or 9 that time.

"Let me." he said then grab the dart on my hand.

Namangha ako nang tumama ang dart sa mismong gitna ng lata tumama ang dart. Ni hindi man lang gumalaw ang lata.

"Wow." namamanghang saad ko.

Nakita ko naman na natulala ang nagbabantay. Nakanganga din ito habang nakatingin kay Rhy.

"What do you want again, anima mia?" tanong nito.

Agad ko namang tinuro ang malaking ulo ni cinammonroll.

"That one!! I want that cinammonroll, pretty please?" I said while giving him puppy eyes and pouting my lips.

He gulped and looked away.

"Okay." mahinang saad nito sabay sunod sunod na pinatama ang dart sa mga lata. Wala man lang nasayang na kahit isa at lahat ay sa gitna ng lata tumama.

"Give her that thing." malamig na saad ni Rhy sa nagbabantay.

Wala sa sariling kinuha at inabot nito ang ulo ni cinammonroll kaya agad agad ko itong hinablot sa kamay niya at mahigpit itong niyakap.

So fluffy!!

"How I wish to be that fucking thing you're hugging. Damn, jealous of a fucking stuff toy?" rinig kong atungal ni Rhy habang madilim na nakatingin sa yakap ko.

Nagtataka ko naman itong tiningnan.

"Bakit?" he glanced at me and shook his head.

"Let's go." malamig na saad nito sabay talikod sakin at naglakad na paalis. Hindi man lang ako nito inantay kaya napairap na lang at sumunod sakaniya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Bumagal ang lakas nito hanggang sa makasabay ko na siya. Napakagat ako sa labi ko dahil sa simpleng gesture niya.

"Where do you wanna go, anima mia?" tanong nito pabalik.

Diretso lang itong nakatingin sa harap habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng suot nitong pants.

"Uwi na tayo?" marami na din naman kaming nagawa dito at hatinggabi na din.

Buti na lang at wala kaming pasok bukas dahil Sabado.

"Okay." tipid na saad nito.

Agad ako nitong hinigit paalis at hindi ko alam kung ako lang ba pero napansin ko pagiging balisa ni Rhy. Humihigpit din ang hawak nito sakin kaya pasimple akong napapangiwi sa sakit.

"May proble..."hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla ako nitong higitin sa loob ng haunted house...wait what?

I almost screamed but Rhy put his hand on my mouth to prevent me screaming. Lakad takbo na din ang ginagawa namin at hindi na inaalintana ang mga taong nababangga namin.

"Shit." rinig kong mura nito.

Nakaakbay lang sakin si Rhy habang takip takip pa din ang bibig ko.

Bago pa kami makalabas ng haunted house ay may bumungad samin na isang lalaking nakamaskarang itim na may hawak hawak na kutsilyo...dagger?

CODE SERIES 2:RHYMEE CLAUDE SAFFIRO (THE ASSASSIN'S FIRST LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon