"Where's Ash, Mommy? Is she really okay?"My heart's beating very fast.
The moment I answered the call and Mommy told me that Ash passed out and almost hit the floor, all I wanna do now is to be with my wife.
Unfortunately, we have a magazine shoot today na hindi ko pwedeng iwan na lang.
Sa likod ng bawat ngiting ibinibigay ko sa bawat layout, sobrang pagaalala ang nararamdaman ko. I want to see her. I need to see her now.
Right after the shoot, dali dali akong bumalik sa DR ko to check kung nakabalik na ang driver ko. Kanina kasi, ipinakuha ko na yung isang sasakyan ko para makaderetso na ko ng Charbel. Pero, si Mei lang ang dinatnan ko.
"Ang tagal naman ni Manong. Kanina pa yun."
"Kalma lang, PJ. Baka na-traffic yun."
"Hindi ako pwedeng kumalma. I want to make sure na okay si Ash."
"Naiintindihan kita. Pero wala naman tayong magagawa. Alangan namang magtaxi ka."
Hindi ko na pinansin si Mei. Baka kung ano lang masabi ko. Ang alam ko lang. Kailangan ako ng asawa ko ngayon.
"Asan yung susi ng van?"
"Van?", takang tanong ni Mei. "Don't tell me, aalis ka na yun ang gamit?"
"Just give me the key."
"Hindi. Hintayin mo na yung----"
"Akin na sabi e!!"
Hindi ko na napigilan sarili kong sigawan si Mei. Hindi ko lang kaya ma maghintay pa. Na-guilty naman ako nang mapansin kong paiyak na inabot ni Mei ang susi ng van sakin.
"Sorry for shouting. Alam mo na gagawin mo."
Pagkasabi non at nakita kong tumango si Mei. Dumeretso na ko ng parking lot saka sumakay ng van at nagdrive.
"Feeling better?", tanong ni Mommy sakin pagkaalis ng family doctor namin.
"Yes, My. Okay na."
Umupo si Mommy sa tabi ng kama ko saka hinaplos ang pisngi ko.
"Pinagalala mo kami, Sarah Asher. Muntik na."
"Mommy naman. Sorry na."
"Hindi mo sinasabi na nakakaramdam ka na pala ng mga hilo. Mabuti't nasa likod mo si Daddy mo nang mawalan ka ng malay kanina."
"Akala ko lang simpleng pagod lang. Over na po pala. Sorry, My. Hindi na mauulit.", lambing ko kay Mommy.
"Dapat lang, yung asawa mo, alalang alala yun. Kausap ko sa fone kanina. Kaso, hindi agad makapunta dito kasi nasa kalagitnaan ng shoot. Pero, pinagbilin ka."
"Dapat hindi mo na lang po tinawagan, My. Kilala niyo naman po pagka-OA non. Hehe."
"Kailangan niyang malaman."
"Oo na po."
Tinitigan muna ako ni Mommy saka hinalikan ako sa noo.
"Akala ko lola na ko e."
"Akala ko rin po Mommy na ko. Hehe. Pero, kasi wala pa rin naman sa plano namin. I mean, si Peej, gusto na. Kaso iniisip ko yung sitwasyon namin. Mas magiging komplikado, yung relasyon nga namin hindi pa namin maamin. Yun pa kayang soon to be parents na kami."
BINABASA MO ANG
Privately In Love with You
FanfictionAn AshLo Fanfic Story SG's known to be a private person whenbit comes to her family and lovelife. Sanay na rin ang tao na hindi siya madalas magbahagi ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya, except, kung ito ay tungkol sa kanyang karera. Hindi...