It's been four days na simula nang magkasakit si Ash. And masaya ako na nabawasan kahit papano yung mga commitments niya. At least, makakatulong yon para makabawi siya ng lakas. Mabuti na nga lang tapos na movie niya with Gerald. And as expected, malaking hit ang reunion movie nila. Dapat lang, kasi yun ang dahilan kung bakit tuluyang kinulang ng pahinga si Ash. Kaya napayagan ring hindi na umattend ng premiere night. Andaming bulong bulongan. Pero pumayag na rin ang management nila. In fact, naglabas sila ng statement na kailangan ng asawa ko ng pahinga.Kung pwede nga lang, wag na siyang magtrabaho ng sobra. I mean, alam ko naman kung gano kahalaga at kung gano niya kamahal ang trabaho niya kaya hindi ko rin kayang patigilin na lang siya nang basta basta.
Pero kung ako ang tatanungin. I can provide for our family. Pupwede na nga rin kaming magkaanak. And Im sure, I will be a good provider.
On the otherhand, we're thankful and blessed pa rin talaga na til now, marami pa rin akong projects.
Well, syempre, hindi na rin ako bumabata. Kumbaga, may asawa na nga ako di ba. At syempre, marami na ring mga bata at may potentials talaga na mga artist under my management. Its about time to give way. Kaya naiisip ko na rin na when the time comes na okay na yung samin ni Ash sa public, handa na ko to quit showbiz.
I went to our room after ko magluto ng breakfast at kumain. I looked at my wife who's still sleeping in our bed.
Umupo ako sa tabi niya saka inalis yung strands ng hair niya na nakatakip sa mukha niya. Yung titigan lang siya at mahawakan, sobra na yung happiness na nararamdaman ko. Lalo na nung tinanggap niya ko at pinapasok sa buhay niya at ngayon bilang asawa.
Honestly, simula nung napapayag ko si Ash na tumira with me, though hindi pa kami talaga kasal that time, noon pa lang, alam ko, handa na ko sa buhay na ganon. Uuwi ka pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, magluluto ako para sa aming dalawa ni Ash. Or uuwi ako, maabutan ko siyang nagluluto at naghihintay sa pagdating ko. Yung kayakap ko siya, katabi ko sa pagtulog. Yung mukha niya makikita ko, bago matulog. Yung siya ang una kong makikita the moment na buksan ko mga mata ko for another day. Wala na akong mahihiling pa. And I am very happy to be given the chance to spent it with Ash. Alam ko na. This is the life that I really want.
I kissed her on the lips bago ako umalis for a commercial shoot. Alam ko, magigising na rin siya para sa commitment niya for today, pero alam kong pagod siya, so why not allow her to sleep more.
Kinuha ko yung notebook niya sa drawer ng bedside table namin at pumunit ng isang page. I know, lagot na naman ako sa kanya kapag nakita niya to.
I wrote her a short morning letter saka iniwan sa bedside table katabi yung bouquet ng pink tulips. And thanks to Mei na siya ang bahala sa pagorder at pagdadala dito.
I kissed her again on the forehead saka bumaba sa sala kung san naghihintay si Mei.
"Let's go."
I woke up this morning na magaan ang pakiramdam. Well, syempre, malaki ang naitulong ng tatlong araw kong pahinga. Pero yun nga, hindi naman pwedeng ganito lagi. May mga naiwan rin akong trabaho. Pati na rin sI PJ. Kaya today, back to work na naman. At isa ito sa napakaraming dahilan para ipagpasalamat sa itaas.
After kong magdasal, kukunin ko sana yung fone ko sa bedside table ko nang makita ko yung mga bulaklak at note.
Alam ni PJ kung pano simulan ang araw ko nang mas masaya.
BINABASA MO ANG
Privately In Love with You
FanfictionAn AshLo Fanfic Story SG's known to be a private person whenbit comes to her family and lovelife. Sanay na rin ang tao na hindi siya madalas magbahagi ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya, except, kung ito ay tungkol sa kanyang karera. Hindi...