Peej's POVIts been almost two weeks since we lost our baby. Si Ash is actually not doing well. She's still in pain and agony. Sino nga ba namang Ina ang hindi. Kahit ako, I'm still hurting for our lost. That's our child, for pete's sake! But I need to be strong for her. For my wife.
Her concert repeat was cancelled. Her other commitments too. Sobra na kong nagaalala sa kanya. Last tuesday nga pinilit ko pa siyang pumunta sa prior commitment niya. Its a corporate show na last year pa ata niya natanguan. Halos lahat ng taong pwedeng magconvince sa kanya, dinala ko na dito. Mabuti nga at napapayag nila Juday. Tapos madalas nagkukulong lang sa kwarto namin at parating walang ganang kumain.
I even call Mommy and her close friends na puntahan or libangin si Ash. Para kahit paano makalimutan niya kahit sandali ang mga nangyari. Gaya ngayon, nakaupo lang siya sa kama namin. Paminsan-minsang nagpapahid ng luha.
Lumapit ako sa kanya saka umupo sa harap niya.
"Love, Ash, let's eat. Isang linggo ka nang hindi kumakain ng maayos. Nagaalala na kami nila Mommy sayo."
Tiningnan lang niya ko saka tumungo.
"Hey. I hate seeing you like this. Please come back to me. Yung mga ngiti mo. Please, Ash."
Still, no response.
I hold her hands saka hinalikan.
"I know what you're feeling. Masakit, Oo. I'm the father. You're the mother. Pero Ash, you can't be like this all the time. Hindi pwedeng dito ka na lang, iiyak, magmumukmok, kukulungin sarili mo. We still have life to continue."
Binawi niya ang kamay ko saka ako tinitigan.
"Bakit hindi mo na lang sabihin sakin na galit ka sakin. Na naiinis ka sakin. Di ba? Yun yung totoo mong nararamdaman? Galit ka sakin kasi nakunan ako. Na dapat yung pangarap mong magkaanak, nawala nang dahil sa kapapabayaan ko!"
"Ash, hindi. Stop that non-sense!"
Pilit kong kinukuha yung kamay niya pero inilalayo niya sakin.
"Ano!? Wag mong sabihing okay lang sayo lahat? Ano. Gusto mo na ba akong hiwalayan!? Sabihin mo lang!"
"Ash, ano ba! Itigil mo nga yan! Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ko yun gagawin--"
"Sa ngayon! Alam ko galit ka. Ayaw mo lang ipakita. Ayaw mo lang aminin! Pero alam ko, galit ka sakin. Galit ka sakin kasi yung gusto mong anak, nawala na. Nang dahil sakin."
Pinupunasan ko yung mga luha sa mukha niya kahit wala siyang ginawa kundi iiwas sakin.
"Please, Love. Tama na. I'm not blaming you. Pero kasi dapat ituloy natin yung buhay natin. I know, mahirap, pero kailangan nating magmove on."
"Paano ko gagawin yun kung hangang ngayon, hindi ko mapatawad ang sarili ko sa pagkawala ng anak natin? Paano ako magmomove on kung alam kong kasalanan ko kung bakit ako nakunan, kung bakit nawala satin yung anak natin? Ha, paano, PJ? Kasi ako, hirap na hirap na ko. Araw araw. Gabi gabi. Iniisip ko na kung sana inalagaan ko sarili ko. Na kung sana hindi ko binalewala lahat, sana andito pa rin yung baby natin sa tiyan ko."
Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. Malungkot at masakit yung nangyari samin ni Ash. Pero mas masakit yung makita ko siyang ganito.
Hinawakan ko yung kamay niya.
"Kaya please, PJ. Iwan mo na ko. Wala naman akong kwenta e. Maghanap ka na lang ng iba."
"Paano mo nasasabi yan? Hindi kita iiwan. Mahal kita."
BINABASA MO ANG
Privately In Love with You
FanfictionAn AshLo Fanfic Story SG's known to be a private person whenbit comes to her family and lovelife. Sanay na rin ang tao na hindi siya madalas magbahagi ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya, except, kung ito ay tungkol sa kanyang karera. Hindi...