Kulungin si KOYA. ^_^

276 2 0
                                    

Jam's POV

"Ahh... bat ang liwanag. Nasa langit na ba ako??? ahmmp!!! Haha!!! Amp! Negumi? Bhest!!! Cha! Tania... haha... at sino naman tong unggoy na to???"

"Pambihira ka naman Jam! sinalo na nga kita ng mahimatay ka kanina, tapos sasabihan mo ko ng unggoy!!??" bigla akong natawa. Haha... si Michael pala.

"s-sorry... ano bang nangyari.?" Umupo ako sa pagkakahiga.

"Naku bhest!!! After nyong maghalikan ni Angelo bigla ka na lang naistatwa jan... di lang istatwa ah! Yung nakastand straight talaga. Yung parang patay. Tapos diret-diresto kang nabuwal"

"haha!!! Ay nakow sister!!! Kakatawa kaya peg mo!!! Achieve na achieve!!!" sabi ni Tania sabay appear keh Charlotte.

=________= eeeehhhh!!! Kakahiya yung nangyari...

"Sige, bhest... pagaling ka ah! Ang taas kasi ng lagnat mo kanina... kaya siguro nahimatay ka..."

"Pero ayos din yung naisip mo kanina Tania ah! Buti na lang naisipan mong lagyan ng pampatulog yung iniinom ni Angelo kanina nung pumunta sila ni Ace, sa canteen. Tsaka buti sa tubig mo naisip hindi sa pagkain. Hindi naman pala kakain yung mokong na yun eh..."

"Syempre ako pa!"

"HAla! Hindi kumain si Angelo???"

"Oo bez Jam. yosi lang tanghalian nun..."

"HA?? Eh masama yun eh..."

"Oo nga... pagsabihan mo na lang sa susunod..."

Tapos ayown! Nagpaalam na sila. Haissttt!!!

"Alyana! Gising ka na pala!!! Kakaalis lang ng mga classmates mo eh..." sabi ni kuya Zeke sabay pasok sa kwarto. May dala syang pampunas at yelo.

"Ahh... nakita ko ... nakausap ko pa nga eh"

"Jam, alam kong nakita mo ko kanina kasama si Jewel..."

"Oh? Anong pangalan ng girlfriend mo???" tinakpan ni kuya Zeke yung bibig ko.

"Wag kang maingay! Kundi susumbong kita kay kuya Nick na nakipagkiss ka kanina!!!"

"O-oo na! sige na!!! basta! Walang sumbungan ah!!!"

"Anong walang sumbungan???" napatingin kami ni kuya Zeke sa mga nagsalita. Sabay eh... hmp. Syempre kambal toh. Ahaii... sila Kua Nat at kuya Tan.

Napatingin naman kami ni kuya Zeke sa isa't-isa...

"Ano?! Bat di kayo makapagsalita...?? May girlfriend at boyfriend na kayo ano???!!!" sabay nilang sabi.

"Wala ahhh!!!" sabi naman namin ni Kuya Zeke.

"ohwww... Denial stage tong mga kapatid natin Nathan!!!" sabi ni kuya Tan.

"Oo nga Thaniel!!!" geeshh!!! Yan po pala yung true name nila. Palayaw lang nila yung tan at nat.

Tapos ayown. May narinig kaming tunog ng kotse. Napatingin kaming apat sa bintana.

"SI KUYA Nick ANDYAN NAAAAAAAAAAAA!!!!!!" sabi naming apat.

"Alam na!!!!!!!!!!!!" sabay na sabi nila kuya Nat at Tan.

Papunta na sila sa labas ng biglang hilahin ni kuya Zeke yung dalawa. Haha... Malakas din to eh. tapos ayun... naalala kong may posas nga pala ako dun sa cabinet. Kinuha ko at kinabit sa kanilang dalawa. Si kuya Zeke naman tinakpan ng scotch tape mga bibig nila. Pero bago yun. Nakasigaw muna sila...

"Kuya Nick!!! Tulong!!! Kidnapping!!!!"

Tapos ayun. Kinulong namin dun sa CR ko. haha... jan kami nagkakasundo ni Ezekiel... haha!!!

Maya-maya may kumatok. Binuksan namin ni Kuya Zeke.

"Kuya Nick!" pagkarinig ko nun. Bigla akong humiga dun sa kama ko. tapos takip ng kumot.

"Ano yung narinig kong ingay... anong kidnapping?"

"Haa??? Wala naman kuya Nick... ah..."

"Eh Zeke! Bat nandito ka?"

"Wala lang... binantayan ko tong si Alyana eh... meh sakit eh..." tumingin naman sakin si kuya Nick. Ahaha...

"Oh... sige. Akala ko may nakidnap na sa inyo... teka? Nandun sa baba sila nejie at Nash... eh nasan yung isa pang kambal???"

"Ahh... ehh... nagpaalam samin kuya! May binili lang sila sa National Books Store..." sabi nanaman ni kuya Zeke.

"ahh... okay... Geessshh!!! Naiihi na ko. pabanyo muna!" sabi ni kuya Nick. Napatayo naman ako sa pagkakahiga ko.

"Wag!!!" sabay naming sabi ni kuya Zeke.

"HAa??? Bakit??"

"AHhh... ano... ahmm.. sira! Sira yung basin dyan..."

"Sira ba kamo Zeke? Beh... tingnan ko nga..."

"Wag na kuya... bukas na lang... naglilinis pa ko sa banyo eh... sa baba ka na lang..." -kuya Zeke.

"Ahh... sige. Sige. Oy! Zeke! Alagaan mo yang si Alyana ah!!! Bababa na ko." at ayun na nga... pyew!

-__________- buti na lang.

Maya-maya gumugulo na yung banyo... haha... oo nga pala. May mga kuya nga pala kaming kinulong sa banyo. Pasensya nakalimutan.

"Papakawalan lang namin kayo kung mangangako kayong hindi nyo kami isusumbong kay kuya Nick..." sabi ko. tumango lang naman sila.

"promise???" -kua Zeke.

Tumango nanaman sila. Haha...

At ayun pinakawalan namin. Naawa naman kami sa mga kuya ko.

"Kuya nat! kuya tan!!!" nilingon nila ako. "Sorry ah!!! Eh... ano kasi eh... basta sorry..."

"Hindi, okay lang yun..." -Nat

"Di namin kayo isusumbong..." -tan. Notouch naman ako.

"Ngayon..." sabay nilang sabi. "Pero sa susunod... hahaha!!! Lagot kayo. :P bleh" sabay takbo. Di na namin naabutan ni kuya Zeke. Nakuu naman!!!

Nagkatinginan na lang kami ni kuya Zeke. Tapos nagkatawanan. Haha... eh, wla eh... natatawa lang kami sa mga nangyari ngayong araw.

School RambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon