*Usapang yummy(oops! wag green!)*

337 5 0
                                    

Chapter

Jam'S POV

Oh my gosh!!! Late na ako! late na ako!!! 8:15 na! patay! Mag faflag akong magisa.!!!

Kung bakit ba naman kasi hindi kaagad gumana itong alarm clock ko!

"Sige brothers mauna na ako.!" ahai!!! Late na ako.!!! hindi naman kasi papasok yung dalawang kambal kasi nilalagnat. Oh di ba.? second day palang, umiral na katamaran ng little brothers ko.? ito namang tatlo kong kuya. Si kuya nat, tan, at Zeke, ito. Mamaya pa daw 9:00 pasok nila. Sabagay, mga collage na rin sila kuya. Si kuya Zeke naman, president ng SSG or Supreme Student Government kaya ayun! Feel free kung kelan niya lang gustong pumasok. Ahai. Walang kwentang leader.

Ahai, kinakabahan talaga ako ngayon. Leader pa naman ng isang gang si Gelo. Paano kung...

Bigla naman akong napatili ng buksan ko ng gate.

...

..

.

Nakita ko kasi si Angelo.

"Yam ko!!!" nakangiti nitong wika.

YUM??? Ano yun? Yummy? Ako na ang green... pero parang mali talaga eh...

Ang bastos pakinggan!

Binatukan ko siya.

"Aray! Yam! Bakit.?"

"bat alam mo yung bahay namin tsaka... Anong yum ang pinagsasabi mo dyan.? Hindi ako yummy!!!" hala! =_=* ang sagwa talaga!!!

Bigla siyang tumawa.

"Hindi ka yummy.? try nga naten.???" He said with a seducing voice. Anak ng Tokwa naman tong lalaking to!!! 3rd year palang ako!

Binatukan ko siya ulit!

"Anong subok ang pinagsasabi mo dyan!!!"

"Wala! Yung bahay mo? Tinanong ko kay... sino nga yun, kay Negumi! Tara na yam, alis na tayo! Late na tayo oh!!!" bakit ba yum ang tawag niya saken.!!! Ang sagwa talaga!!!

"Tigilan mo nga ako! bat yum ka ba ng yum?"

"YAM. You And Me. Y-U-M naman kasi ang iniisip mo eh." ganun.???

"Bakit yam???" tanong ko.

"Yun yung magiging tawagan naten. Ok YAM??"

"Alayana! Bat ba sigaw ka ng sigaw dyan?" Tanong sakin ni kuya Nick. Bigla naman akong napahawak sa kamay ni Angelo sabay labas ng gate.

"wala po kuya, sige alis na kami"

"Bat kami? May kasama ka ba?" tanong nya na akmang lalabas ng gate para tingnan kung may kasama talaga ako.

"Ah! Wala po Kuya aalis na ako.!!!" sabay takbo palayo ng bahay. Bwiset naman kasi na Angelo yun!!! Late na nga ako tapos- bigla kong naalala. Hawak-hawak ko nga pala si Angelo. Napatingin naman ako sa kanya at nakangiti lang naman sya.

"Ano ba naman kasi ang ginagawa mo dito?"

"Sabay na ako sayo yam!" tiningnan ko siya ng masama. Pero wa epek eh. parang may plinaplano talaga ang mokong na ito. Takte!!! Ano ba yan!?

May dala pala siyang kotse. Pinasakay niya ako. Habang nagdadrive, biglang tumawa si Angelo. Duh.? Whats funny.??

Tawa lang siya ng tawa! Sira ulo ata itong taong ito eh.

Maya-maya di na ako nakatiis pa.

"Ano bang nakakatawa huh.? Nakakairita ka na ah!" badtrip naman kasi eh.

"Ikaw. Haha! Nanalo ako! nanalo ako!" ano daw.?

"nanalo san.?"

"I'm so smart! Sa tingin mo ba hindi ka papayag sa mga pinapagawa ko kung hindi kita tatakutin na isusumbong kita sa mga kuya mo? Buti na lang talaga sinundo kita! haha! And look at your face, sobrang nakakatawa ka kanina. Ngayon ko lang nalabas" oo nga pala! Sh!t naman oh!

"at sa tingin mo, susundin kita kahit takutin mo ako na isusumbong sa kuya ko?"

"oo naman! Pero kung hindi naman yun magwork..." maya maya nilabas niya yung diary ko. "Pwede ko namang daanin sa santong paspasan. Ano kayang sasabihin ni Ian kung malaman niyang ang tangang Alyana Jamaeca Madrigal ay may gusto sa kanya? Sigurado ako iiwasan ka niya at-"

"Yan ang wag na wag mong gagawin Angelo Daniel!!! Papatayin kita!"

"Then, kung ganun? Susundin mo lahat ng utos ko. Suotin mo to." May binigay siya saking wrist band. May tatak na batman. My favorite hero. :)

"Mahilig ka pala sa batman..."

"Oo, paborito namin yan ni Naja." Ako ba yung Naja na sinasabi niya? haist, Naja nga pala ang tawag niya kay sam. :(

"oh, bakit hindi mo sa kanya ibigay??? Paborito pala niya to eh!!! magsama kayong mahilig sa batman!"

"So ok lang sayo na magsama tayo.?" Sira na tong taong to.

"At bakit mo naman yan nasabi?"

"favorite mo din si batman di ba? nakita ko kasi facebook mo eh, puro batman. Tsaka pwede ba? kung magseselos ka, wag mo masyadong ipaobvious. Tsaka wag kang magalala. Dahil suot mo na yang wrist band na yan... Girlfriend na kita." >:) oh my Gosh!!! Ano ba naman itong pinasok mo Jam!!! Kung di nga lang dahil kay Ian eh. :(

June 6, 2012>>Im officially leader of five prince girlfriend.

School RambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon