SiNo Ba toH ??

256 3 0
                                    

Jam’s POV

Papunta ng school. Yeaayy?!!! Lunes nanaman!!! Naglalakad ako papunta sa building namin. Napadaan ako sa quadrangle. Nakita ko yung four prince na nagbabasketball tapos katulad ng dati, maraming nagpipicture at nanunuod sa kanila. Bwiset! Naaalala ko nanaman yung kagabi.

“Bat di nila kasama si Angelo.???”

“hmm… palagi namang late yun eh.” napatingin ako dun sa nagsalita. Sino naman to??? “Hehe… sorry, FC ba? Pasensya na ha? Ako nga pala si Ruby.”

“Ahh… hello.” Smile tapos bow. Teka? Bat ba ako nagbow? Ehy… ito yung nakikita ko sa mga Korean na napapanuod ko eh. hehe… bat alam nya na laging late si Angelo? oh no!!! may kaagaw nanaman ako? hey? Kaagaw? Witititit!!! Kay Ian paren ako!

Tiningnan ko sya ng ‘why do you know that Angelo is always late’ look.

“Hey! Haha… hindi ko gusto si Angelo ha? Haha… I’m just a fan of five prince. Ang galing kasi nila sa basketball. Tsaka they look well… hehe… Jam right?”

“Yeah… hehe… kilala mo ko?”

“Ofcourse. Ikaw yung girlfriend ni Angelo di ba???”

“ahmm… hindi pa naman… nanliligaw pa lang naman sya…”

“What??? Bat di mo pa sya sinasagot???”

“Hindi pa… tsaka pagnabwiset na talaga ako, baka mapabugbog ko lang yun…”

“hey… why??? You two look very good kaya… bagay kayo… baguhin mo lang yung…”

“Fashion ko?”

“No… you silly… your simple… I love your fashion. Gusto ko lang na baguhin mo yung pagiging medyo… you know? Yung look mo kasi medyo boyish and nerd? But no! ok lang yan… simplicity is beauty right???”

Tumango lang ako.

“Hehe… nice meeting you Jam, bye…”  

Nagpababye na rin ako. Tapos nagstart nanamang maglakad ng may tumawag sakin. Nilingon ko naman kung sino.

Yeah… it’s the four prince.

“Jam… galit ka pa ba samin???” tanong ni Nikko.Hindi ko sila sinagot. Hey! Hindi ako maarte ah! Hoy! hindi ako maarte!!! Eh kayo ba naman gawan nun na halos atakihin kayo sa puso, hindi ba kayo magagalit ha???

“Bez Jam??” sabi naman ni Michael. Di parin ako sumasagot. Nakayuko lang ako.

“Pasensya na kahapon ah! Inutusan lang naman talaga kami eh…” sabi naman ni Ace.

“Jam… please, sorry na… bati na tayo?” sabi naman ni papa Ian. Tiningnan ko sya… yyiieee… nakasmile sya eh… edi nagsmile na din ako.

“Hey! Bat pag kay Ian, ok na.! bat pagsamin-”

“Hoy Jam!!! bat mo ako binabaan kagabi ha!!!” at ayun… papatawarin ko na sana yung apat kaya lang may alien na sumulpot. Napasimangot naman ako tapos nagwalk out. Narinig ko naman na tinatawag na nila ako pero di ko sila nililingon.

“Ok na sana tol eh… papatawarin na sana kami, dumating ka pa!!!” sabi ni Nikko. ok, ako na ang malakas ang pandinig. At dahil malakas ang pandinig ko… hindi nakaligtas sakin ang mga negative na naririnig ko.

School RambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon