JoKe laNg!!

241 5 4
                                    

@KarenApacible haha... nakakadalawa na ah! haha.. ok lang nuh?? love love love tayo. ^_____________^

-------------------------

[Sa lahat ng readers, pasensya na kung may mamamatay dito sa chapter na to… v_________v

pero basahin nyo na din... basta!… haha... keep reading na lang. ^_________^]

Jam’s POV

One hour vacant!!! Oh di ba? astig na school.? After ng lunch break, 1 hour class then vacant nanaman kc ang sisipag ng mga teachers ng school na toh !!! xD

Hindi paren pumapasok yung lima? Ay naku! Baka hindi naman talaga si Angelo nagbigay nun. Pero sulat kamay nya eh. Ano ba Jam! madaling kopyahin sulat kamay ngayon!

Grabe ang gulo sa room. Parang di section 1 eh. Naglalaro yung mga classsmates ko ng cupsong. Yung iba nasa labas. Sila bhest, Cha, tsaka Tania, nasa audio visual, kasali kasi sila sa mga dancers ng cultural group. Eh wala naman akong hilig dun. Kanta ang gusto ko eh. hehe..

Bat kaya wala sila Angelo ngayon? San na kaya sila? Hala! Baka may nangyari ng masama sa-

“Oh Jam! bat ang tahimik mo?”  sabi ni Al. Classmate  ko.

“HA? Ahh.. Wala. Inaantok ako eh.”

“Sus! Antok daw, ang sabihin mo! Namimiss mo si Daniel!” sabi naman ni Hannah.

“Miss ka jan! Eh sipain ko pa yun eh!”

“Weeiii!! If I know nagaalala ka sa kanya kasi hindi sya pumasok!!!” sabi ulit ni Al.

Alala your face.!! PWEDE BA! HINDING HINDI AKO MAGAALALA KAY ANGELO DANIEL CRUZ!!!”

Ooopps!! Napalakas ata? Napatingin ako sa paligid. Lahat sila nakatingin sakin.

Magsasalita na sana ako kaya lang biglang pumasok si Jedidia, classmate ko.

“Guyz!!! Nasusunog yung Kitchen!!! Natrap daw si Angelo!!!”

“What???” dali dali akong lumabas pero nung nasa pinto na ako bigla silang nagsalita;

“Hindi daw mag aalala haa…”

“Pero sya naman unang lumabas”  sabi naman ni Al.

Kyaaahh!!!

“Hmp! Ano! Magpanic naman kayo!” yun na lang nasabi ko. Tapos nagsitakbuhan narin sila. Ako talaga una-una eh.

Nakita ko yung kitchen. Hala! Nasusunog nga! Nakita ko sila Nikko at Ace. Sinisipa yung pinto. Pero ayaw mabuksan. Tinulungan na rin sila ni Michael at Ian.

“Shit!!!” inis na sabi ni Nikko habang tinutulak yung pinto.

Lintek na pinto! Bumukas ka!!!” sabi naman ni Ace.

“Sister!” patakbong lumapit sakin si Tania kasama si bhest at chang. Tapos di ko na namalayan na umiiyak na ko.Mga classmates ko lang yung andun tsaka yung ibang nakikiusyoso. Nasa likod kasi ng building yung kitchen. Kaya hindi agad mapapansin.

Si Angelo! Nasa loob!”

“Ha?” sabay nilang sabi. Tapos tumakbo si Tania. Dun sa pinto at tinulungan si Ian. Pati yung mga classmates kong lalaki tumutulong narin. Yung mga babaeng classmates ko naman sumisigaw lang.

School RambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon