Aso ba???

335 6 2
                                    

Jams POV.

Nasa school na kami.

My God! Buti na lang at hindi ako nahuli ng guard. Nakalimutan ko nga palang apo ng principal tong taong to. Haha! Kahit paano pala may silbi ang pagsama ko sa mokong na ito. :)

Pagdaan namin sa daanan. Pinagtitinginan na kami ng mga school mates namin.

"BAKIT MY SUOT SIYANG WRIST BAND NA BATMAN? DI BA GF LANG NI DANIEL ANG NAGSUSUOT NUN?"

"SO TOTOO PALA TALAGA.? MY GOD. MAS BAGAY SILA SAM AT DANIEL" oh sige edi sila na. badtrep!

"AHAI. AFTER 1 YEAR AND 11 MONTHS MAY NAGING GIRLFRIEND NA RIN SIYA."

"OK LANG DIN. MAGANDA DIN NAMAN PALA SI JAM, MUKHANG MAS MABAIT PA NGA SI JAM EH" talaga! Mabait talaga ako. :)

Pagpasok namin sa room.

Biglang natigilan yung mga clasmates namin samen.

Lahat sila nakatingin samen. Tapos yung iba nakatingin sa suot kong wrist band.

"Anong tinitingin tingin niyo dyan? Wag niyo nga kaming tingnan!" sigaw ni Gelo sa kanila. At pumunta na siya sa upuan namin. Ako naman sumunod lang sa kanya. ANG SUNGET!

"So, kayo na talaga." Usisa agad ni Tanya at Charlotte. Nagkibit balikat lang ako. di ko din naman kasi alam eh. siguro nga kami na, pero sa mata naman naming dalawa, isa lamang yung malaking pagpapanggap. Wow! Lalim na ah!

Dumating na yung teacher namin. Badtrep! 2nd day palang may test na.?

"Naja, pakopya..." bulong niya saken na halos nagmamakaawa.

"pwede ba? pinaghirapan ko tong pag-aralan tapos mangongopya ka lang...?" di na siya nagsalita pa. after ilang minutes, nilapitan niya ulit ako.

"Anak ng! pag di mo lang talaga ako pinakopya... lagot ka saken.!"

"Ikaw ang lagot saken pagnangopya ka" nagulat ako ng biglang hilahin ni Angelo yung test paper ko. ako naman ito ayaw ibigay. Ayoko nga! Pinaghirapan ko to.

"Akin na yan Angelo..." pabulong kong saad. Strikto na kasi masyado yung nagbabantay saming teacher.

"Sandali lang pakopya!"

"Ayoko..."

"Dali na!"

"Mr. Cruz! Ms. Madrigal! Can you please lower your voice? Nadidistract yung iba!!" said the teacher. Ahai! I hate you, Angelo Cruz!

Maya maya parang gumagalaw yung upuan ko. Napakapit ako sa sa hawakan. Lumilindol ba?

"Dali na kasi! Patay ka saken pag di mo ko pinakopya!" ahai, si Angelo lang pala. But still di ko parin siya pinakopya. MAGDUSA SIYA!

After nung subject na yun, nagklase na kami.

*blah*blah*blah*blah*

Ahai... mabilis namang natapos tong araw na toh. Wala namang nangyari. EXCEPT sa pinaguusapan kami ngayong araw.

Michael's Pov

Second day ng klase, ibig sabihin Tuesday ngayon. At tuwing Tuesday, nagpapraktis kaming lima ng basketball. Kami kasi palagi ang nilalaban sa mga basketball. Kilala niyo naman siguro kung sinong lima di ba.?

"ba'Gelo... totoo ba na kayo na ni ba'Jam? Bat parang ang biLis niyo ata.? 2 days palang kayo nagkakasama" tanong ni Nikko habang nagdidribol ng bola. Magkakampi kasi si Nikko, ako at Ian, si Ace naman at si Angelo. Bahala sila Angelo at Ace, silang dalawa naman ang pinakamagaling saming lima eh.

School RambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon