Sabunutan portion??

272 3 0
                                    

Jam's POv.

School, Wednesday. Haizz... kakapasok ko palang badtrip na ko. pano ba naman? Si Angelo nanaman! Vadtrep!

***************

Ang saya nga araw ko!!! Dumating kasi yung mga pasalubong ni ate. Haha!!! Papasok na ako sa room ng bigla kong nakita si Angelo. Naalala ko yung kagabi. Nainis ako pero natanggal yung inis ko ng bigla nya akong nginitian. Napangiti naman ako sa kanya.

"Hi Sam!" ^____^

Bigla akong napasimangot.

"Sam huh?" sabay walkout. Pero rinig ko parin yung tinatawag ako ni Gelo.

"Sam! Ahy! Este Jam! Sorry! Jam!"

***********

Oh di ba? sino ba naman ang hindi mababadtrip? Haist! Paglabas ko ng room Sam nanaman ang narinig ko. kesyo... ang ganda ng damit ni Sam. Fashionista si Sam. Mas bagay si Sam at si Daniel. Kung sabagay, maganda naman talaga suot nya ngayon. Actually araw-araw. Eh. bihira naman kasi syang mag uniform.

"Yuck! Ito nanaman si White girl!" sabi nung alagad ni Sam sakin. Dumadaan kasi kami sa room nila. Depende kung anong stairs ang gagamitin. Eh, ang daming dumadaan sa stairs na dinadaanan ko kaya ayan! Dito ako napadaan.

"ang baduy talaga sister! Look, white t-shirt, rubber shoes, pony tail na buhok, tapos nakasalamin pa...!"

"She looks so... nerd!"

"most like Betty la fea!"

Pss.. mga babae dito sa section 5, ang aarte! Mali-mali naman mga grammar!!! Sabagay, sanay na ko sa kanila. Mga 3 weeks and 2 days ago na! maya-maya, hinarang ako ni Sam.

"Oooh!!! Look who's here? Ang mga mang-aagaw!" napaarko naman ako ng kilay. Mang-aagaw??? Duh? At kelan pa ako ng agaw?

"Excuse me?"

"Pss... patay malisya pa to eh! Nililigawan ako ni Angelo, tapos nakikiextra ka?" huwwaatt?? O_O

"Anong ibig mong sabihin?"

"2 weeks nya na akong nililigawan, ano ka ba?" ok, isa pang huwwwaaatt??? Kaya pala... kaya pala nung magkita si Red at Angelo, sinabi ni Angelo na... hmp! kaya pala sila nagkikita.

"Akala ko ba kayo ni Red?"

"Ofcourse not! Matagal na kaming nagbreak, lumipat na nga sya ng school eh..." kaya pala hindi ko na napagkikikita dito si Red. Tapos ayun, hinarass ako ni Samantha at ng kanyang alagad. "Tigil-tigilan mo si Angelo! Mang-aagaw!" ang dami ng nagtitinginan samin. Ayoko ng away. Pero ito parin sila. Hanggang sa hindi na ako makapagpigil pa. nagsabunutan kami ni Sam.

Ang tagal. Tapos ayun, dumating si kuya Zeke. SSG president, remember? Kusa na akong tumigil. Nagsidatingan na din sila Negumi, Tania, Charlotte, Ian, Ace, Michael, at Nikko. Teka? San si Angelo? Pss... aasahan ko pa ba yun?

"Bhest, ok ka lang?" tanong ni Gumi. Tss... hindi dapat ako yung tinatanong ng ganyan. Dapat yang mongoloid na Samanthang yan eh. Badtrip eh. Tinulak ko kasi sya ng mahina. Mahina lang ha? As in hindi mo aasahan na matutumba sya! Tapos nung dumating si kuya Zeke, bigla syang umupo? Paarte effect si ate. Tapos kunwari masakit yung braso, hawak-hawak pa ng bruha. Asar! Sarap paluin ng Upuan.

"anong nangyari Alyana?" tanong ni kuya Zeke.

"Sya po kasi kuya Zeke! Bigla nya akong tinulak!" sabi ni Sam. what the? SH*T! nakakaasar! Kahit naman kasi sabihin ko na hindi totoo yun, hindi ako papaniwalaan ni kuya Zeke. Sa bahay nga hindi na nya ako pinapaniwalaan dito pa kaya sa school na dapat maging friendly sya sa mga students. Kaya badtrip na bad-

"Hindi yan magagawa ni Alyana..." bigla akong napatingin kay kuya Zeke. Totoo ba yung narinig ko? sinabi yun ni kuya Zeke?

"Oo nga! Hindi yan magagawa ng bestfriend ko!" sigaw naman ni Negumi.

"Naman! Mabait na tao ang sisteretz ko!" sabi naman ni Tania.

"Kung meron mang mangaganun dito, ikaw yun Samantha!" sabi ni Cha. Natouch naman ako dito sa mga bestfriend ko. supportive! Isama na natin sila Ian, Ace, Nikko at Michael na sumigaw ng 'tama'

"Pero totoo yun-"

"Sorry Samantha... kapatid ko sya, kaya alam ko kung ano ang ugali nya... hindi ko sya kinakampihan dahil kapatid ko sya. Kinakampihan ko sya kasi alam ko kung ano yung tama" para naman akong natouch sa sinabi ni kuya Zeke. "Kahit shunga yan. Kahit brutal yan minsan, alam kong nananakit lang yan kapag may ginagawa sa kanya yung isang tao" napatingin ako kay Sam. Ha! Natahimik naman sya. Tapos tinayo sya ng mga kasama nya.

"ano ba kayo! Si Jam talaga ang nag simula! Tanong nyo pa dito sa mga kasama ko!" napatingin naman kami doon sa tatlo nyang kasama. Napabuntong hininga silang tatlo.

"Ang totoo po, si Sam naman po talaga"

"Ano ba kayo? Ilalaglag nyo pa ako?"

"Opo, si Sam po talaga!" sabi naman nung isa.

"Inosente po si Jam" napatingin si Kuya Zeke kay Sam.

"I'm very disappointed for what you have done Samantha. Muse ka pa naman ng SSG! You should be the role model! Naku!!! Irereport ko to sa adviser!"

"sows! Dapat si Negumi naman talaga ang muse eh. nandaya lang yan! Pero ok lang, kahit probers muse lang si Negumi, mas sikat at kilala naman sya bilang muse" sabi ni Charlotte. Oo nga. Si Gumi, naman talaga yung muse eh.

"Hmp!" inis naman na saad ni Sam. At umalis na sya. Sinundan naman sya ng mga alagad nya. Tumingin sakin si kuya Zeke. Nginitian ko sya.

Tapos sya?

...

...

...

...

...

Alam nyo ba kung ano yung ginawa sakin ng magaling kong kuya???

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Binatukan lang naman niya ako.

Aray! =______________=

"Ikaw talaga Alyana! Hindi ka talaga marunong mag-kontrol ng pasensya! Pati ako nadadamay sayo!!! Lagot ka mamaya sa bahay! Paghuhugasin kita ng pinggan dahil sa ginawa mo! Susumbong pati kita kay kuya Nick!" tapos yun umalis na sya.

"Ibang klase talaga si Samantha. Ang laki ng pinagbago nya ah! Bat pala kayo nag-away Jam." sabi ni Nikko. Ngumiti lang ako tapos, umiling lang. ayokong pag-usapan na dahil kay Angelo yun.

"Oo nga brad noh? Teka san na ba si Master Angelo?" takang tanong ni Ace. Nasa room na kami.

"Eh si Master Charlotte? Hindi mo ba hahanapin?" nakangiting sabi ni Charlotte kay Ace. Tapos yumakap nanaman sa likod ni Ace. Ano ba yan? =_________= tapos yun, katulad ng dati. Si Charlotte parang linta. Si Ace diring diri sa kanya. Napatingin naman ako kay Negumi at Michael. Hindi parin sila nagpapansinan.

Tapos ayun, pumasok si Angelo. Tumabi sya sakin. Pero hindi ko sya pinansin. Tapos tumayo sya pumunta kela Ace. May binulong naman si Ace sa kanya, then nagulat na lang ako ng bigla syang tumingin sakin. Tapos umalis na sya kasama si Ace. Dumating yung teacher namin. Wala sila. After ng ilang minutes, wala na rin yung tatlo. Pss! Bahala sila! Galit ako kay Angelo. Dahil doon sa nalaman ko. kami nung time na yun eh! kami na! atsaka, akala ko ba, manliligaw na siya saken, tapos mababalitaan ko na lang nililigawan nya si Sam. Nak ng tokwa talaga!

School RambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon