Thanks, No Thanks
Nakatingin parin ako sa ginagawa n'yang pag hand cuffed sa lalaki habang naka dapa ito sa sahig at walang kalaban-laban.
Hindi ko rin alam ang gagawin, gusto kong mag salita ngunit ramdam kong parang nanlambot ang mga buto ko dahil sa saya? sa gulat? sa kuryosidad? hindi alam kung ano ang dahilan
I ask myself.
What's happening? kamusta na sila Lily? Okay na ba ang sitwasyon nila?
Hindi ko na pinansin ang mga nasa paligid ko nang maisip kong puntahan sila Lily nang biglang pigilan ako ng isang lalaki. Mukhang kasamahan n'ya ito.
"Ma'am Amirah, dito lang po kayo, delikado pa pong pumunta sa pupuntahan n'yo. Ligtas po at secured ang mga kaibigan mo. Lahat po sa kanila ay hindi nasaktan" anito na para bang robot dahil sa seryoso itong mag salita at nanlilisik na tingin naman ang ginawa ko dahil sa sinabi n'ya.
"Lahat?! Na check nyo ba ang pambubogbog nga mga lalaking yan sa iba pa naming kasama sa Van?" sumbat ko sa lalaking iyon at napansin sa likod na dinala na ng ibang pulis ang lalaki at napatingin sa paligid.
Short sentence but it means a lot
Ngayon ko lang napansin na nag kukumpulan ang mga tao at ang mga camera ng selpon nila ay naka tutok sa direksyon namin.
Nawala ang inis ko sa mukha ko dahil tulad nga ng sinabi ko.Issue. Pagod na ako sa mga chismosang sumisira sa mga reputation ng tao, dahil dito nasisira at nagiging masama ang pag tingin ng lahat. Mas lumalala ang problema, ngunit hindi ko sila masisi, kahit naman papaano ay alam ko sa sarili ko na hindi sila ang problema dahil tao lang rin sila
I meant what I said to the guy. Wala akong pag sisisi sa pag sigaw ko dito dahil importante sa'kin ang mga sinabihan n'yang hindi nasaktan, ngunit kahit na alam kong pinapakalma lang ako nito ang kuryosidad ko ay hindi parin pwedeng isawalang bahala ang nangyari dahil mag bibigay trauma ito sa mga members ko at kapatid narin kung ituring ko sa kanila.
Napakawala kong kwenta.
Napa sabi ko sa sarili at inalis ang hawak ng pulis saakin.
Napansin kong may papuntang lalaki sa direksyon namin at binulungan ang kumausap na pulis sa'kin.
Sunod naman nitong ginawa ay ang pag anunsyo gamit ang Megaphone speaker upang maka pag bigay pansin ito sa lahat.
"Sa lahat po ng mga taong nasa mall na ito, pansensya na po sa kaguluhan at humihingi ng paumanhin dahil sa nangyare, wag po kayong mag alala dahil maayos na po ang lahat" anito at napa tingin naman ako sa mga taong naririto sa pinangyarihan ng pag huli sa lalaki at pansin ko rin na ang ibang tao ay may nag aalala, may naiinis, may walang pake, at syempre ang kuryosidad.
"Teka!" Isang babae ang sumigaw para marinig ito ng mga pulis.
"Ano ba ang nangyayari?" anito isa-isa namang nag tanong ang iba at pare-parehas lang rin ang tanong nito kung ano ang nangyari."Paumanhin po sa lahat nang naririto dahil sa nangyari, ngunit wala na po kayong dapat ipag-abala at maayos na po ang lahat" paumanhin ng police na nag anunsyo at ibinaba na ang megaphone speaker, ngunit panay parin ang pag tanong ng iba ngunit hindi na ito pinansin ng mga police.
Napatulala ako sa sahig sahil sa maraming iniisip nang bigla may nag tapik sa aking kaninang balikat.
"Amira, come with me" aniya at sumingit naman ang Papa ni Matt.
Si Tito Marlon ay Papa ni Matteo at isa itong Police Director. Pansin ko rin na na maraming Police ang nasa Mall ngayon at ang kaharap ko ngayon ay ang pinakai-inisan ko sa lahat...They call him 'Kuya Zack' which is nakakatandang kapatid ni Matteo.
Mas matanda ng apat na taon si Zeferino and isa rin s'ya sa dahilan kung bakit inis na inis si Matt dito. Dahil sa tuwing kakausapin or I-Interview-hin si Matt ay hindi mawawala na kamustahin ng iba ang nakakatandang kapatid.
Ngunit hindi ko naman iyon ginawang dahilan kung bakit ako inis na inis kay Zeferino.
Naiinis ako dahil lagi ako nitong trip... trip nitong maki pag away sa tuwing dina-dalaw ko si Matt sa bahay nila at kuhang-kuha nito ang pag ka pikon ko.
Hindi lang yan, napahiya rin ako nito sa social media but I know it's for a chaotic moment, but still I don't want to be a mess when he's the one making fun of me.
"Amira the situation is okay for now, and also your members and others are already secured by my members " Tito Marlon said and caught my attention when he tapped my left shoulder.
"This is Zeferino---" Tito said but Zeferino cut his words.
"We already know each other Dad" anito at napatahimik naman kaming tatlo."Oh really?" sabi naman ni Tito Marlon at isang lalaking kasamahan nito ang pumunta sa amin.
"Sir, 1 kidnapper is still missing, delikado parin po ang mga corner ng Mall na 'to at anytime pwede po s'yang kumuha ng hostage" anito at hindi na narinig ang ibang sinabi dahil bumulong na lamang ito.
Tumango naman si Tito at pansin ko ang mga taong umalis na.
"Amira, Kuya Zack will guide you home because he's the one who reports this to me" anito at napa kunot noo naman akong napatingin kay Zeferino at blangko parin ang mukha nito, as always. "And my members will also guide your friends and the others so don't worry" he said and gave me a paper. "Madam Kim might kill Zeferino. It's his Obligation" sunod-sunod nitong sabi at kunot noo naman akong napa tango kunware'y hindi ako naguguluhan sa mga sinabi nito.
"I'm going now, Be safe" Tito Marlon said and left us speechless.
Tatanungin ko pa sana ito kung para saan ang black paper ngunit nag mamadali na itong umalis.
Habang sinusundan ng tingin ang pag alis nito ay napansin ko namang aalis na rin ito ng walang sabi-sabi.
"Where are you going? Tito said you will guide me ah?" aniko at napaka cross-armed.
"Follow me" anito at napanganga naman ako sa inasal nito dahil nag simula na itong maglakad palayo.
"Uh, excuse me? It's dangerous at hindi pa secured ang Mall tapos susundan lang kita? F-follow you? Baka naman mamaya magulat ka nalang pag tingin mo sa likod mo ay na kidnapp na naman ako? Gano'n ba ang gusto mong mangyari?" sabi ko habang sinusundan parin ito.
Napatigil naman ako sa pag lalakad dahil tumigil ito sa harapan ko at muntik nang mauntog ang ulo ko sa likod n'ya.
Pansin ko naman ang pag buntong hininga nito na para bang malaki ang problema. Saakin?
"Little, I already told you to follow me. Look at your surroundings naka kalat ang Police" he said at binaba ng ka unti ang ulo n'ya para ma harap ang mukha n'ya sa mukha ko.
"Ano bang gusto mo? buhatin na naman kita?" anito at para bang nanganagsar ang mukha nito, ibinalik naman n'ya ulit ang pagka talikod nito saakin habang ako ay naiwan parin na naka tingin sa kanyaW-what the fudge?
"W-wait" tawag ko dito at dumeretso na ito sa pag lalakad n'ya papuntang Elevator.
Habang sinusundan ko ito ay napa tingin naman ako sa likod ko.
Totoo nga ang sinabi n'yang may mga police parin ang nag mamasid sa Mall.
Bakit ang daming police? Hindi ko na mabilang ang mga nakita kong Police dahil hindi lamang ito police may mga inspector rin at malalaman ito dahil sa uniporme nila. Pero ang ipinag tataka ko bakit ang iba ay walang uniporme? Police ba talaga ito?
Napa tingin ako sa paa ko habang nag lalakad. Natatakot at kutob kong hindi ito police. Hindi rin ako sigurado dahil hindi ko naman kilala ang mga ito. Mabuti pang hindi ko nalang iyon pansinin at isiping maayos na ang sitwasyon.
Few more steps at nasa Elevator na kami at laking gulat ko naman nang may humawak sa braso ko.
"Ang bagal mo mag lakad, bilis" anito at nag simula nang mag lakad.
Nagulat naman ako dahil binalikan pa ako nito para lang alalayan. Napatingin naman ako sa pag ka hawak nito sa braso ko. Ipinag tataka ko ang sinabi kanina ni Tito Marlon.
'Because he's the one who reports this to me.'

BINABASA MO ANG
Love Is A Parallax
RomanceSometimes the most unexpected person can become the one you need the most or the one you least expect. I'm Amira Thalia Sevillijah, who realized that love was not just a feeling but a choice, a choice to take a chance on someone who see me for who I...