Chapter 3
First love?
"Do you have one, Palm?" Zette asked.
Nandito kami ngayon sa ilalim ng isang puno. Hinihintay namin si Hail na masyadong paspoil nang paspoil sa amin. Well okay naman ako kay Hail. Napapagkamalan na nga na jowa ko but unfortunately wala na rin siyang pakialam sa amin simula noong malaman niya na I can both like men and women while Zette was same with me.
Parang si Hail na rin ngayon ang babaeng kapatid namin dahil wala raw kapatid na babae si Zette. Bunso siya at tanging kuya lang ang meron. Well Zette and I we're been dating for a weeks already.
Pero may something.
Pareho naman ata kaming hindi seryoso. Like kinikilala lang namin talaga ang isa't-isa.
I think it was just an attraction.
"I don't have one. I don't know... I don't consider them as my first love. Hindi naman ako ganoon kaseryoso in my past relationships. Saksi kapatid ko."
Si Pauline na ata ang unang taong kinaiinisan ako ng sobra. Malamang dahil magkapatid kami. At hindi naman ako iyong tipong crushable noon dahil wala namang maganda sa ugali ko.
Hindi rin ako palasabay sa uso. Basta wala lang akong pakialam. Ganoon ba.
"Ikaw meron ano?" tanong ko na lang para naman wala na sa akin ang topic.
Bigla nagbago ang mukha niya. Kumunot noo niya saka ako hinarap.
Mukhang ayaw niya pag-usapan.
Well... same. Wala naman kasing special.
"Pero ayoko na. Gusto ko na siyang mawala sa sistema ko. Baka nasanay lang din ako dahil simula noon magkasama kami diba?" Bahagya ko siyang nginitian. "Baka ganoon."
Well hindi ko naman siya masisisi. At suntok sa buwan din ang kung ano kami ngayon.
Magulong usapan? Mutual? Ewan.
"Papayag ka ba pagjinowa kita ngayon?" tanong niya na ikinatawa ko.
He's weird.
Hindi na rin iyon pumapasok sa isip ko.
Pero kung iisipin hindi naman na bago ang ganitong setup. Hindi naman na minsan mahalaga ang ang panliligaw. If you want someone then go, kung hindi e di wag. Kapag mahal mo ang isang tao, araw-araw kang liligawan kayo man na o hindi. In our case, pwede naman. Sa ibang bansa, dating someone means they are already in a relationship.
Iyon ang nakikita ko sa mga kdrama at kung ano-anong series na pinapanood ng kapatid ko. Minsan sabay kami kasi nakikisabay na lang din ako. Wala naman kasi talaga akong magawa kaya minsan nanonood na lang kapag nanonood sina mama at ang kapatid ko.
"Pogi ko naman para gamitin, Zette."
Bumusangot siya saka inayos ang upo at sasandal sana sa puno pero kaagad ko siyang hinila para makasandal mismo sa braso ko.
Wala naman sigurong masama.
"Let's try then. Be my boyfriend hanggang matapos ang sem. After ng 1st sem, let's talk again. If pagpapatuloy natin. Ano game?" tanong ko.
I mean crush ko naman siya. Wala namang masama na magtry.
Kinuha niya ang isang kamay ko saka hinawakan ito.
"Then we're boyfriend now?" He asked then I nodded. "Okay, we're boyfriends."
Nang dumating si Hail ay gulat na gulat siya na magkahawak kamay kami ni Zette noong nadatnan niya kami. Pero imbis na matuwa ay nakabusangot si Hail kaya sinuyo ni Zette.

BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomanceBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand