4th

96 5 0
                                    

Chapter 4

Maaga akong nagising dahil sa lakad namin ngayon ni Zette. Ayaw sumama ni Hail dahil mag-m-me time siya. Dami niya raw hahabulin na mga series. Akala ko pa naman output. Nagpaalam ako kay mama at tuwang-tuwa siya habang ang kapatid ko nakabusangot dahil sa nag bantay sa tindahan. Pero dahil linggo kasama naman niya si mama.

"Ma, una na ako."

"Sige na. Ingat kayo." Dahil sa negosyante ang kapatid ko kinuha niya ang mga inalis ni Zette sa damitan ko at ioonline ukay niya.

Hindi pa naman kasi iyon sira at mapapakinabangan pa. Dapat nga meron ako sa kikitain niya kaso binigyan ako ni mama ng 4k kaya sabi niya kaniya na lahat dahil binigyan ako ng pera ni mama.

Ayaw ko man tangggapin pero ipinilit ni mama. Hindi naman din kasi talaga ako palahingi. At sa ngayon ang gastos ko talaga ay pamasahe. Balak ko rin sana bumili ng secondhand na motor para kahit papano hindi hassle.

"Ma, palagay na lang sa ref iyong mga ginawa kong yelo." Tumango siya bago ao tuluyang umalis.

Dinadamihan ko talaga ang paggawa ng yelo para na rin sa pambayad namin ng tubig at kuryente maging internet namin buwan-buwan.

Sa ukayan kami pupunta dahil mas okay na iyon marami akong mabibili at kasama naman si Zette na maporma.

Nagkita na lang kami ni Zette. Kumain muna kami dahil nagugutom siya sa isang fastfood restaurant. Hindi naman na masama dahil libre niya. Matapos namin magpahinga ay pumunta kami sa kung saan maraming tindahan ng ukay.

Sa pants kami nagsimula. At manghang-mangha ako sa mga nakikita ng mga mata ko. Mga bago pa kasi iyon. Binilhan ako ng mga square pants, slocks, trouser, at cargo pants ni Zette. Hindi iyon ganoon kamahal dahil pumili kami ng mga mura at okay paisuot. Sa damit naman ay bumili siya ng mga polo short, plain loose shirts, at iilang long sleeves at short sleeves. Dahil may unifrom sa school sakto lang iyon kapag may lakad dahil ang badoy ko raw. Luma na ang taste ko pang jejemon pa. Basher na rin siya katulad ng kapatid ko.

Enjoy na enjoy si Zette samantalang ako hindi ko maipaliwanag ang pagod ko. Nakakapagod kaya pero ang energy ni Zette hindi ko kinakaya.

"Napagod ka?" tanong niya.

Tumango naman ako. Naupo muna kami sa isang park para makapagpahinga. Medyo gutom na rin kasi ako.

"Diyan ka lang. Bili ako pagkain. Ano gusto?"

"Ikaw na bahala. Wala naman kaso sa akin kahit ano basta pwede makain at hindi ako malalason." Natawa siya sa sagot ko.

Gala naman ako pero gutumin pero tamad.

Matapos noon ay pati si mama sobrang nagpapasalamat kay Zette. Binago raw nito ang style kong bulok. Ewan ko ba sa kaniya.

"Send ko mga todo list ko every chapter sayo mamaya." Nginitian ko si Hail saka tumango. "Para kang aso."

Okay lang na matawag ako sa recitation. Magagawan pa ng palusot pero iyong mga output na kailangan ipasa ay talagang hindi ko maatim. Si Hail ang parating naka-organize ang ginagawa. Sa aming dalawa siya ang tagabigay ng mga kailangan namin ipasa at maging ang due nito ay nakalagay na.

Mas nagwowork ang utak ko kahit hindi ko alam kung meron ako noon kapag pasahan na.

"Nga pala... nakita ko si Zette. Sinundo ng naka-car."

Nagtext si Zette kanina na nauna na siya dahil may emergency daw. Pero hindi na siya nakapagreply sa akin after noon.

"Baka kuya niya?"

Umiling si Hail bago kinuha ang mga notebook sa ibabaw ng desk saka inilagay sa bag.

"Nope! Mukhang kaedad lang natin. Hindi ko masyado nakita dahil nagnamadali sila eh. Ano uuwi ka na?" tanong niya dahil wala naman na kaming sunod na klase.

"Maya na. Tatambay muna ako."

"Huwag mo masyado binabalandra mukha mo dito. Wala ka namang agenda."

Habang tumatagal pasama nang pasama ugali ng babaeng ito.

"Mamaya-maya uuwi na rin ako. Dami mong ibas. Kakain lang ako."

Sabay kami lumabas ng room. Dumiretso ako sa canteen habang siya naman ay nauna ng umuwi. PE na naman namin bukas. Nakakawalang gana na nga nakakawala pa mg dignidad.

Nakita ko si sir kasama ang iilang kalalakihan na mga instructor at office staff ng school. Mukha silang F4. Hindi ko na lang pinansin pa sa takot at kahihiyan na baka magtagpo na naman ang mga mata naming dalawa.

"Oh Palm." Napaangat ako ng tingin kay sir Eddie. "May nakaupo na ba dito?" tanong niya at napalibot ako ng tingin.

Wala na palang bakante.

"Wala, sir. Feel free."

Ang kaninang paunti-unti kong pagsubo ay binilisan ko. Lalo na noong pati ang tatlo ay nakiupo na rin. Magkaharap tuloy kami ni sir Miah. Patingin-tingin ako sa paligid para kunwari busy ako at walang pakialam sa mga pinag-uusapan nila na hindi ko maintidihan.

Matapos ko kumain ay kaagad ko iniayos ang mga pinagkainan ko maging ang bote ng soft drinks para hindi na mahirapan pa ang mga tauhan sa canteen.

"Una na ako, sir." Pagpapaalam ko.

"Tapos ka na kaagad, Palm?" Tumango ako. "Kumusta naman ang pag-aaral mo? Sabi ng isang instructor napakapasaway mo daw."

Kaagad na nanlaki mata ko at hindi na nakatayo.

"Sino, sir?" tanong. "Baka jinojoke time mo lang ako."

Inayos ko ang upo para makaharap sila.

"Joke lang. Okay ka raw pagdating sa recitation pero sa pagpasa ng mga output medyo hindi okay. Iyon parati problema sa'yo. Ibalance mo, Palm! May potential ka."

Napatikhim ako habang seryoso na nakikinig si sir Miah.

"Diba hawak mo itong si Palm, sir Miah?" Napaangat si sir ng tingin saka tumango. "Ganoon din ba siya sa'yo?"

"Yes, sir. Matalinong tamad ata. Mas madali siyang madistract kapag papel at ballpen ang nasa harapan niya kaya more on recitation."

Napakurap ako na may napapansin pala siya. At napapansin niya pala ako.

"Ano, Palm?" tanong pa ulit ni sir.

"I'll try, sir. Promise."

Syempre try lang. B*bong-b*bo pa naman ako sa sarili ko. Dagdagan mo pa ang katamaran oo sa pagsusulat. Tigahiram lang nga ako ng notes kay Hail kapag may mga quizzes eh. Wala talaga akong sipag sa pagsusulat. Hindi ko alam kung bakit bumili pa ako ng iilang school supplies katulad ng highlighter eh nasasayangan din ako sa papel magprint kaya wala talaga.

"Bantayan mo iyan, sir Miah."

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay sir na busy na ulit sa pagkain. Nilunok niya muna ito saka tumingin sa akin.

"Well... narinig mo iyon, Palm? I hope na ipasa mo na bago umabot ng linggo ang mga output na hinihingi ko."

Ang seryoso ni sir Miah habang sinasabi iyon kaya napaubo ako ng peke saka tumayo na. Hindi ko na kayang magtagal. Nagpaalam na ako para makahinga na ng maayos.

Nang sa wakas makaalis na ako ay umuwi na ako diretso. Gumawa muna ako ng yelo bago ako tumambay na sa tindahan. Doon ko na binuksan ang notes na pinasa sa akin ni Hail. Doon na rin ako nagsimulang gawin ang bawat essay, at mga kung ano-ano pang kailangan ipasa. Inuna ko ang mga essay bago ko binuksan ang iba dahil mas madali iyon. Diretso ko na rin ipinapasa para hindi na ako magulohan pa.

"Anong demonyo sumapi sa'yo?" Napahawak ako sa mga dibdib ko sa biglang pagsulpot ng kapatid ko. "Gulat na gulat? Hindi ikaw iyan, kuya."

"Lumayas ka dito at nagfofocus ako!" Hasik ko. "Ano na naman ba kailangan mo?"

"Gutom."

Hinayaan ko na siya maghalungkat sa tindahan para makahanap ng pagkain.

"Bayaran mo iyan." Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at binato ng isang supot ng chichirya. "Ugaling kalye ka talaga!"

PE na naman pala bukas! Lagot ako kay sir Miah! Kailangan ko matapos ang output sa subject niya. Kawawa naman ako kapag bumagsak pa ako sa PE.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon