5th

96 3 0
                                    

Chapter 5

Maaga ako nagising. Nagsuot ako ng PE uniform namin at kinuha ko na ang isang t-shirt para sa NSTP namin. After PE ay didiretso na kami sa isang barangay kung saan ay gagawin namin ang outreach program. Malapit na rin magmidterm kaya ganoon.

Matapos ko kumuha ng sapatos at maisuot ay pinunasan ko ang buhok ko bago sinuklay. Kanina pa ako pabalik-balik sa harapan ng salamin at alam ko na may demonyo na naman na nakamasid at masama ang tingin.

"Bakit ba?" takang tanong ko.

"Hind na magbabago itsura mo. Kung ayaw mo malate umalis ka na."

Sinamaan ko siya ng tingin saka dali-dali ko na kinuha ang bag ko. Wala na akong pakialam sa kaniya. Baka lalong masira pa ang araw ko.

Ayaw ko sa PE namin ngayon. Hindi naman katigasan katawan ko pero talagang minsan umuuwi ako na nagsasalonpas na after PE dahil sa gymnastic. Ngayon ay ganoon pa rin ang mangyayari.

Seryosong-seryoso si sir kapag nagtuturo. Iyong tipong hindi mo talaga siya mabibiro. Kapag naman nasa labas medyo light lang mood niya. Sakto lang masungit pa rin kung tignan at nakakatakot.

After namin magbali-balian ng katawan ay pinagpahinga niya kami. Si Hail ay kaagad na naglagay ng salonpas sa may balakang at balikat niya. May iilan din akong nakita na may katinko at kung ano-ano pang panghaplas.

Sa college mas aalalahin mo pa kung may dala ka katulad nito kaysa sa pulbo, tint, at kung ano-ano pa.

"Buti hindi inubos na sir, makakapagpahinga tayo saglit."

Malapit lang ang pupuntahan namin na barangay. May mga napili na doon na mga bata na kasali sa program namin. Nakatuka ako sa magbibigay ng mga pagkain sa mga bata during story telling.

Kasama namin sina Zette at sila namin ang nakatuka sa play at story. May iilan pang major ang meron din na nakaassign na gagawin. Isang jeep kami sa major namin at halos 30 minutes ay nakarating na kami.

Nagulat ako na nakaangkas sa motor si ma'am kasama sina Sir Miah dahil tatlo sila.

"Sir, doon muna tayo." Pag-aanyaya ng instructress namin kay sir Miah na nagbukas ng payong para sa kanila.

"Aw bagay sila." Nagulata ako sa pagsulpot ni Hail sa tabi ko. "Parati sila magkasama. Pati ibang instructor ay mukhang siniship sila sa isa't-isa.

Well maganda si ma'am. Medyo singkit ang mata. Hindi ganoon kapayat at hindi rin mataba. Sakto lang sa tangkad ni sir. Palangiti at mukhang siya ang tagahila kay sir para gumalaw ito. Pareho silang single. Hindi naman na nakapagtataka kung ganoon nga.

Kapag may program parati ko rin silang nakikita na magkasama. May mga pitik kasi mula sa mga student na kasali sa mga org na nagpopost din ng pictures at hindi nawawala nag dalawa.

"Alam mo... crush ko si sir." Nilingon ko si Hail na seryosong nakatingin sa dalawa habang paalis na itong naglalakad at tumatawa si ma'am. "Pero ang pagkacrush ko kay sir... alam mo iyong nabubuhay lang kapag nakikita ko siya. Kapag hindi na... hindi na. Ni hindi nga siya sumasagi sa isip ko kapag hindi ko siya nakikita. Mga ganoon."

Hindi ko na sineryoso si Hail sa biglang pagdating ni Zette. Tinulungan namin siya a bitbit niyang materials para sa story telling bago kami tumutulong sa kamajor namin para sa mga food packs.

Halos hindi maalis ang tingin ko kay Zette noon isa siya sa nagkikwento sa taas ng stage. Nakakamangha. Bagay na bagay talaga sa kaniya na maging teacher. He's accent, the way he reads, everything about the way he moves was so smooth and gentle.

Hindi siya iyong tipong sobrang tikas at sobrang hinhin. Sakto lang at talagang minsan ka lang makakita ng ganoon. Poganda kung baga pero hindi naghihiwalay. Pogi siya habang maganda. Hindi iyong tipong minsan maganda, minsan pogi.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon