KENZIE'S POV
"Huyyy Min,okay ka lang?" Tanong sakanya ni P. Nasa bar kami ngayon. Nag-aya kasi itong si Morgana, alak na alak na daw kasi sila ni Precious.
"Oo, okay lang ako. Don't mind me", sagot niya at uminom na lang ng beer. He lied. Alam kong hindi siya okay. Simula nung aksidenteng nagkabanggaan sila ni Txa. Di ko magets yung sitwasyon niya kasi never pa naman ako humantong doon pero sana wag naman.
- FLASHBACK-
Andito kami sa loob ng cafe ni Minty. Nasa harap namin ngayon si Arantxa with her new partner, si Gothy. Super ackward ng atmosphere, tinitingnan ko si Min at Txa parehas silang naka tingin sa isa't isa. Staring competition peg nilang dalawa, adik, buti na lang nag salita si Gothy.
" Anong gusto niyong drinks? Ako na mag o-order. "Pagprisinta niya.
"Akin White Cappuccino Chips frappe,thank you" ngiting Sabi ko sa kanya. "Iced Spanish Latte sakin" cold na Sabi ni Min. Tangina ramdam na ramdam ko yung lamig teh. "Matcha Latte Frappe sakin babe" ,agad naman siyang pumunta sa counter.
"Ahmm punta lang ako restroom-" paalam ko sana kaso bigla akong hinila ni Min pabalik sa pagkakaupo.
"Maya kana magrestroom", utos niya kaya eto napa ayos ako ng upo sa tabi niya.
"Oo nga sabi ko nga mamaya na ako pupuntang restroom". Hinawakan ko na lng yung kamay ni Minty na sana hita ko nakapantong, he just give me a small smile, I smile him back. Shet nakakatunaw ngiti niya. Oo na aamin na ,may gusto ako kay Minty okay, I admire Min nung una kaming nag meet, kasi dear ang pogi niya aminin nyo? Pero habang tumatagal na fall na ako sa kanya. Kahit pigilan ko sarili ko wala eh nahulig na ako kay Min kahit may iba siyang mahal.
"Okay, I won't go anywhere further", paninimula ni Arantxa. "I'm sorry for everything, but not in one thing". Napakunot ako ng nuo pati si Min.
"I'm not sorry for falling inlove with you before," ramdam ko yung sincerity ni Txa. Naging close din kasi kami nung sila pa ni Minty. Parati siyang nag rarant sakin o kaya naman nagiging human messenger ako ng dalawa pag nag aaway sila. Apaka moody ni Minty eh. Parati ko din silang kasama, ako ang pambansang third wheel nila.
"I hope you're sorry, can bring Marina back to me", aray hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur. Bumuntong hininga na lang siya.
"Well, I can't really bring Marina back too you, kasi sila na ni-" napulot bigla si Arantxa nung dumating si Gothy dala yung mga drinks namin.
"Sorry guys, natagalan eto na yung drinks natin. Btw, ano pinag uusapan niyo?"
"Sino na jowabels ni Marina? Kilala mo?" Tanong ko sabay higop ng frappe ko, sarapp.
"Ah oo kaibigan ko siya sila ng jowa niya" chill niyang sabi habang humihigop ng kape niya.
" SO, SINO NGA?" In union namin na sabi ni Min. Ang tagal nilang sabihin jusko.
"Char lng, nililigawan oo" pepektusan ko tong tao na to.
"Kala ko sinagot na ni Marina? Ligawan stage parin sila?" Tanong ni Arantxa sa jowa niya.
"Oo yun alam namin, pero masyadong sweet ng dalawa eh" Sagot niya na kinatahimik ni Min.
"Si La Grande Dame ba ang nanliligaw kay Marina?", seryosong tanong niya habang natingin sa kape niya.
"Oo, pano mo alam?" Curious na tanong ni Gothy.
Di na sumagot si Min at nag walk out na lang.
Nag babye naman ako sa dalawa at sinundan si Minty.
YOU ARE READING
Remdemptive Love | Larina And MinMyx AU Story 2
FanfictionBook 2 of MIDNIGHT RAIN what if all the pain and agony is only on her head and all the scenarios aren't real. Marina awake up from coma with the unknown situation ahead of her, will she take this chance to make everything right?