- The Next Morning -
MINTY'S POV
"Huy Min, okay ka lang?" Kalabit sakin ni Precious na kumakain ngayon ng Indian Mango. Umagang umaga iba din trip nito.
"Saan si Kenzie?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman to ng nakaloko. Kung upakan ko kaya to?
"Bat mo hinahanap?"
"Bakit masama ba?"
"Umuwi na"
"ANO!?"
"Umuwi na"
"The fuck!? Anong oras siya umalis?"
"Huh?"
"Anong oras siya umalis!?"
"Ano yun?"
"Sasampalin na kita!"
"Nagbibiro lang naman, nasa pool area, nagrerelapse ata. Ang lungkot ng mukha", aga naman akong pumunta sa pool area.
Pagkalabas ko nakita ko agad si Kenzie at nilapitan.
"Bat ka naka busangot dyan" lumingon naman agad siya at tipid na ngumiti. At tumingin na lang ulit sa pool kung saan nakalubog ang mga paa niya.
"Wala, don't mind me", tumabi naman ako sa kanya. Lie. Alam kong hindi siya okay.
"Liar" bumangon naman ako at hinila siya sa pagkakaupo niya.
"Huyy Min, bat moko hinila" pagtataka niya.
"Pupunta tayong dagat, alam kong gusto mong pumunta doon ngayon." Sagot ko sa kanya.
"Pwede naman sa pool na lang." Humarap naman ako agad at nilapit ang mukha ko sakanya.
"Ayaw o Gusto?" Kitang kita ko naman pano mamula mga pisngi niya, cute.
"Gusto" sabay iwas ng tingin pagka sabi niya sakin.
"Gusto mo naman pala eh, edi tara na. Magpapalit ka pa ba?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumakbo papuntang kwarto para magpalit ng hindi sinasagot yung tanong ko, nice.
Umupo na lang ako sa sofa habang hinihintay siya.
"Saan kayo punta?" Tanong ni Morgana na bagong gising lang.
"Dagat" tipid kong sagot habang nakatutok sa phone ko.
"Sama"
"Bawal"
"Min, sama mo kami ni P"
"Bawal"
"Ano yan kayo lang dalawa isama mo na kasi kamii" pangkukulit ni Morgana na parang bata, jusko di pa nga siya nagbreakfast.
"Magbreakfast kana dyan para isama ko kayo" sagot ko sa kanya at agad naman pumunta sa kusina para maghanap ng pagkain.
After 30 minutes of waiting finally. Di pa lumalabas si P at Morg, nagpalit din sila kasi ng damit. Si Kenzie nag aayos dito sa gilid kung asaan yung full body mirror nakalagay. Oo nga pala di ko pa siya nasabihan.
"Kenzietot" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sakin. "Bkit?" Lumapit naman ako at inaayos yung sunscreen na hindi na blend sa pisngi niya.
"Sama daw satin sina P and Morg" sabi ko, sabay pat sa ulo niya. Cute niya.
"Ahh-, o-okay cge-, t-teka hanapin ko lang salamin ko" agad naman siyang bumalik sa kwarto.
- Fast Forward -
"Ang kalmado ng dagat ngayon noh, di masyadong maalon" sabi ni Morgana habang naglalakad kami dito sa shoreline.
"Ang ganda rin ng panahon, di masyado mainit" sagot ni Kenzie habang nakatingin sa langit.
YOU ARE READING
Remdemptive Love | Larina And MinMyx AU Story 2
FanfictionBook 2 of MIDNIGHT RAIN what if all the pain and agony is only on her head and all the scenarios aren't real. Marina awake up from coma with the unknown situation ahead of her, will she take this chance to make everything right?