MINTY'S POV"Huyyy, Min tara na" agad naman akong tumayo sa pagkakaupo ko dito sa bench at sumunod na kay Morgana.
Andito kami sa bahay ni Precious. Well, birthday niya ngayon.
"Oh, andyan na pala kayo, pasok" pag welcome samin ni P. Wow, ah pag birthday talaga ang ganda ng mood, sana all na lang.
"Happy Birthday Boss" bati ni Morgana sabay abot ng regalo niya sakanya.
"Uyy thank you so mu-" at nag fist bump silang dalawa.
"Happy birthday p" bati ko at inabot ko na rin yung regalo ko sakanya.
"Thank you Min, mukhang mas mahal pa to kesa sa regalo ni Morg ahh" birong sabi niya at pinagdilatan naman siya ni Morgana.
"Biro lang haha, sige na punta muna kayong sala. May tatapusin pa ako sa kusina muna." Paalam niya at agad naman kami pumuntang sala.
Maganda ang interior design ng bahay ni P, infairness.
"Kenzie!? Hala siyaa! Kamusta, kelan ka pa nakauwi?" sabi ni Morgana. Napatingin naman ako sa kanila bigla.
She's here.
It's been 2 years since the last time I saw her. She's more prettier than before.
- FLASHBACK -
"Need mo ba talaga Kenzie umalis?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Precious. Kahit kelan iyakin.
"Well, I have no choice, my dad needs help sa business namin," rinig kong sabi niya.
"Huyy Kenzie, mag update ka parin samin ah" sabi ni Morg.
"Oo naman, juskoo uuwi lang ako sa UK. Makokontact niyo parin naman ako" sagot niya.
Andito ako sa kwarto, nakaupo sa edge ng kama ko. It's been 2 weeks past nung nag suicide ako. Hindi parin kami naguusap ng maayos ni Kenzie and yet she's saying goodbye to us now dahil pupunta siyang UK.
Di ko kayang lumabas. Ewan ko, kinakain ako ng lungkot.
Btw, andito sina P at Morg sa unit ko, naisipan nilang mag sleepover dito para may kasama daw ako dahil need ko daw yun.
Bilang my tumulo sa braso ko. Luha ko pala. Agad ko naman itong pinunasan. At niyakap ang tuhod ko.
Bigla naman may kumatok sa pintuan."Min" Di ako sumagot. Bigla naman bumukas ang pintuan at niluwa nito si Kenzie at lumapit sakin.
"Min" tawag niya ulit. Di ako kumimik at inayos ko na lang yung upo ko sa kama. Agad naman siyang tumabi sakin.
Ilang minuto kami nabalot ng katahimikan.
"Min-" I cut her words.
"Kelan flight mo?" Tanong ko sa kanya.
"Bukas" tipid niyang sagot, ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Babalik ka pa ba?" Tanong ko ulit. Hindi siya nag salita.
"Magiging okay pa ba tayo?" Tanong ko ulit at tumingin sakanya.
"Okay tayo Minty, we just need to be healed first." Sabay patak ng luha niya.
"You're right" Pagpipigil ko ng luha ko. Bigla niya naman hinawakan ang kamay ko.
"Min please do me a favor" Tumingin ako sakanya at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi.
"Heal yourself and move on from the past" Napatingin ako sa sahig. Tama siya, I need to move on from Marina. I need to pull myself together.
YOU ARE READING
Remdemptive Love | Larina And MinMyx AU Story 2
FanfictionBook 2 of MIDNIGHT RAIN what if all the pain and agony is only on her head and all the scenarios aren't real. Marina awake up from coma with the unknown situation ahead of her, will she take this chance to make everything right?