CHAPTER 04

16 6 6
                                    

MARIELLE's POV

"Ms. Carloza, pinapatawag ka ni Principal Garcia." Natigil ako sa pagbabasa ng notes ko nang tawagin ako ng isa sa mga student councils. Agad naman akong tumayo at sinundan siya.

Siguro dahil iyon sa dalawang bobita.

Nakarating na kami sa Principal's office at iniwan na ako ng student council sa tapat ng pinto kaya naman kumatok muna ako bago pumasok.

"Good morning, Principal and Prof. Coser," bigay galang ko nang tuluyan na ako makapasok sa loob.

"You may have a sit, Ms. Carloza." Utos ng Principal sa akin kaya umupo ako sa bakanteng upuan.

"I want to clarify everything, kung ano ang buong nangyari bago kumalat ang tweet post ni Ms. Tortilla at replied tweet ni Ms. Vegas." Aniya kaya naman prente akong naupo sa upuan bago magsalita.

"Ang nangyari po kasi, Mr. Garcia ay una sa restroom ng mga babae. Papasok pa lamang ako no'ng mga oras na 'yon sa restroom nang marinig ko po sila na nag-uusap patungkol sa akin. Ayon po sa sinabi ni Torilla, ay "Alam mo naiinis ako riyan kay Marielle, masyadong bida-bida. Pasipsip sa mga professor natin. Kung hindi ko lang siya kaibigan bin—" hindi ko na po pinatapos sa pagsasalita si Torilla that time at agad ko po silang hinarap." Saad ko at muli ko itong tinuloy.

"Nang maharap ko na po sila ay agad ko silang kinausap, regarding nga po ro'n sa sinasabi ni Torilla sa akin. I consider it as back stabbing," I locked my gaze to them especially to Heliaria. Ano kayo ngayon?

"And also, about the post, Mr. Principal, nakita ko iyon kaninang umaga." Dagdag ko pa.

"Is that true, Ms. Torilla and Ms. Vegas?" Mr. Garcia asked them.

Tumango ang mga ito bago sumagot.

"Y-yes po, Principal." I played with my fingers while waiting for the Principal decision.

"You both know that cyberbullying is against the law. At hindi rin puwede rito sa ating paaralan kahit sa ibang Universities pa, public man o private. Mga Psychology students pa naman kayo, Ms. Torilla at Ms. Vegas pero hindi niyo inisip ang mag-c-cause sa isang tao ang ginawa niyong paninira online. Wala namang ginawang masama sa inyo si Ms. Carloza, hindi rin naman masama ang maging aktibo sa klase," saad ni Mr. Garcia, ang Principal namin.

"Ms. Carloza, what do you want to do with them?" Principal asked me.

Mabait naman ako, kung hihingi sila ng sorry at hindi na nila gagawin ulit iyon, puwedeng-puwede ko sila patawarin. Kick-out? Suspension? I would rather to let them apologize to me, kasi gaya ko they're still humans, they'll still making a mistakes in their lives, everyone is not perfect. Nagawa lang nila iyon kasi they felt insecured to me. But backstabbing me? Sinayang ni Heliaria ang tiwala ko for her. Maybe I should cut her off, TOTALLY.

"I want them to apologize to me, and that's what I want to do with them. Punish? Suspend? Kick-out? Sorry but no, kasi gaya ko po ay tao rin sila at nagkakamali. But, ito ang sasabihin ko sa iyo, Heliaria; backstabbing me is not good idea, second chances? No, you don't deserve any chances from me. I'll accept your apologize to me, pero hindi na muli kita pagkakatiwalaan at kakaibiganin. Kasi there's a what if playing inside my precious and pretty head na baka sayangin mo ulit iyon," saad ko at muli akong nagsalita.

"Once I cutted you off, that's the final. No more hopes and second chances." Taas-noo kong sabi at ibinaling ang tingin sa Principal at kay Prof. Coser.

"If that's what you want, Ms. Carloza then I'll talk to them to apologize to you." Sagot ni Mr. Garcia.

Tumango na lamang ako at hinintay matapos ang usapan nina Principal, Heliaria at Brixienne.

BOOK 02: DOROTHEA (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon