MARIELLE’s POV
Naging maayos ang lahat pagkatapos ng nangyari, si Heliaria ay nagpapagamot pa rin sa Mental Hospital, si Kaszuescena, ay nakakasama ko palagi lalo na kapag weekends, si Brixienne naman after ng confession niya naging active na rin siya sa klase, maraming nagbago simula nang mangyari iyon. At sa tingin ko, hindi na muli mauulit iyon, unti-unti ng gumagaling si Heliaria ayon kay Kasz, si Elleana ay tinatapos na lang ang college rito dahil sa susunod na taon ay aalis na ito kaya naman dinadalaw namin siya ni Hich sa Cavite.
Malapit na rin ang graduation namin. Nakalipat na rin kami sa bagong bahay namin.
Simula noong lumipat kami rito ay hindi ko pa nalibot ang buong bahay kaya naman napagdesisyunan ko ngayon ako maglibot since wala naman akong gagawin dahil tinapos ko na lahat.
Maganda ang kwarto ko, may iilang paintings din dito sa loob katulad na lamang ng isang painting na nasa taas mismo ng kama ko, ang painting ng sunflower. Si mama binilhan ako ng pang-display na sunflower dito sa aking kwarto kaya nakalagay iyon mismo sa bedside table ko sa flower vase.
Plain ang kulay ng kwarto ko, beige ang pader habang ang nasa baba ay puti. Ang banyo ko naman ay may sariling walk-in closet kaya hindi na ako mamomroblema kapag kukuha ng damit.
Sa balkonahe naman ng aking kwarto ay may dalawang brown sofa at isang center table, puwede ko pagtambayan ito kapag nagawa ako ng mga school works ko o kapag gusto ko magliwaliw.
Nasa second floor ang kwarto ko, habang kay James naman ay sa tabi lang din ng kwarto ko. Puno iyon ng panglalaking gamit at laruan. Simple lang din ang higaan ni James dahil ang sabi ni mama hindi naman kailangan ibigay lahat ng gusto ni James at dahil kailangan pa rin namin mag-budget kahit na may pera na kami. Wais mag-isip si mama, pagdating sa mga kagamitan sa bahay may iilang mumurahin at mamahalin din naman pero bawi naman sa kalidad ng mga iyon.
Ang kwarto nina mama at papa ay nasa dulong bahagi ng second floor, iyon naman ay ang master’s bedroom. Ang kulay ng loob nito ay puti at gray naman. King size ang bed, sapat para sa kanilang dalawa. Sa kwarto lang nila ang may balkonahe rin, tanging ang kwarto lamang ni James ang wala.
Sa first floor naman ay ang guestroom at maids room, pero hindi na kumuha sina mama at papa ng maid at dahil sabi ni mama kay papa na hindi na kailangan dahil nasa bahay lang naman palagi si mama kaya na niya linisin ang ibang kalat.
Siyempre hindi ako papayag na si mama lang ang kumilos, kaya kapag wala akong pasok ay nagge-general cleaning kami.
Ang mga furnitures dito sa sala ay dalawang klase, may kahoy at may iilang sofa na upuan. May malaking tv screen din sa sala kung saan nakatapat ang mahabang sofa. Sa kusina naman ay pa-L unit ang kitchen island. Ang mga kabinet ay gawa sa kahoy at kulay brown ito.
Masasabi kong sobrang ganda ng disenyo, kaya hindi nagkamali si papa na si mama ang gawing designer ng bahay namin.
“Oh ’nak? Wala ka bang trabaho ngayon sa pinapasukan mo?” napaharap ako kay mama na ngayon ay nasa likuran ko bitbit ang pang-gardening tools.
“Wala po, ma, nag-leave muna ako para matapos ko lahat ng requirements ko sa school,” sagot ko at sinundan siya sa garden.
“Nga pala, after ng graduation mo gusto mo ba bumisita sa Cavite?” Tanong ni mama at napaisip ako bigla.
Ilang years na rin mula no’ng umalis ako sa Cavite for good. Bumibisita naman kami sa Cavite dahil kay Elleana at sa aking lola na naroon.
“Kakabisita lang namin ni El do’n, ma, pero siguro puwede rin. Habang naghahanap ako ng maaplyan for my job.” Sagot ko. Bigla namang nag-ring ang cellphone kaya nag-excuse na muna ako kay mama.
Elleana calling...
[’Te, ano balak mo after grad?] Hindi man lang nag-hello ang gaga.
“Baka riyan kami magbakasyon sa Cavite, hope you’re still there...” malungkot kong sabi.
[Hays... Malay ko ba kasing matatapat sa graduation mo ang pag-alis namin pa-america,] aniya at bakas naman ang lungkot sa boses nito.
“Ay hindi, ganiyan ka,” pabiro kong sagot sa kaniya at malungkot na tumawa. “Dami mo ng utang sa aking occasion, ’pag ikaw—”
[Ay, ito naman babawi naman ako sa iyo, e!] Natawa ako sa sinagot niya. Mahilig kong i-guilt trip ng pabiro si Elleana, ang patola kasi ng babaeng ito.
“Patola ka talaga! Nagbibiro lang ako!” Sagot ko at muling tumawa.
[Basta, Ayeh, babawi ako. Sa lahat,] seryoso niyang sabi at napabuntong hininga ako. [Ikaw lang ang naging kaibigan ko na ganitong kabait, so, bakit pa ako maghahanap ng ibang kaibigan? Magiging tita ka pa ng magiging anak ko, at magiging bridesmaid mo pa ako, kaya dapat lang na hindi tayo mag-f.o!]
Sa lahat ng naging kaibigan ko, si Elleana lang talaga ang nag-stay. Kung wala siguro siya sa buhay ko baka hindi ko mahanap ang soul sister ko. O ’di kaya’y maaaring iba ang maging kaibigan ko.
Simula Grade 7 pa lamang kami ay magkaibigan na kami ni Elleana, hindi kami masyadong close no’n, pero matatawag pa rin na kaibigan ang turing namin sa isa’t isa. I wondering if I didn’t met Elleana before? What will happen if the destiny made us bumped into each other to be here in our situation right now? And what if I’m not her Dorothea at all if we didn’t cross the same pathways before?
SOMEONE’s POV
“Paano nga ba kung hindi tayo nagkakilala noon? Anong mangyayari sa mga buhay natin ngayon?” tanong ko sa nakahiga kong kaibigan sa harapan ko.
“Walang ako na laging nasa likod mo sa tuwing inaapi ka nila, wala rin akong kaibigan katulad mo,” bumuntong hininga ako at pinakatitigan ang mukha niya.
“Wala kang kaibigan na gagawa ng lahat ng nasa panaginip mo ngayon, at hindi mo mararanasan ang perpektong buhay kung wala kang ako.” Isinara ko ang laptop at tinabi ito sa aking inuupuan at saka lumapit sa kaniya.
“Hindi pa tapos ang istorya mo, manatili kang maging matatag habang lahat kami ay hinihintay ang paggising mo.”
Itutuloy...
kailellesxcz | ella adriaticoA/N: What do you think guys? Any clue about this someone? Ano kaya mangyayari sa susunod na chapters?
Anyways, ROAD TO 200 READS na tayo! Keep reading, stay tuned and leave a vote & comment! I appreciate that, thank youu at patuloy pa rin kayo nasubaybay sa kwento ni Marielle! I love you all, my kaians!
BINABASA MO ANG
BOOK 02: DOROTHEA (ON-GOING)
Teen Fictiona fictitious one. A perfect life story of Marielle Francisco.