MARIELLE’s POV
Ala-sais na ng gabi at nandito pa rin kami sa hospital kung saan naka-confine si Elleana. Hindi pa rin siya nagigising, si Hich ay nakatulog na sa upuan habang nakayuko sa higaan ni Elleana, hawak nito ang kamay ng girlfriend niya.
Pinakain na kami ng mga magulang ni Elleana, si Scena nakaupo na ngayon sa couch, si Keige naman ay nasa tabi ko’t sinusuklay ang buhok ko. Ang naiwan na lamang sa kwarto ni Elleana ay ang mama at papa niya. Si Tita Aleihs ay nakatulog sa isa pang couch na nandito. Si tito naman ay busy sa kaniya cellphone at bakas sa mukha nito ang stress at pag-aalala sa unica hija niya.
Hays, sana gumaling na ang best friend ko.
“Mga hijo, hija, puwede na kayo umuwi. Malayo-layo pa ang babyahiin niyo.” Napukol ang atensyon namin nina Keige at Scena kay tito nang magsalita ito.
Muli kong tinignan ang oras sa aking relo, mag-aalas-siyete na pala. Inaya ko na si Scena, nakakahiya kasi naabala ko pa siya pati siya ay umabsent pa sa klase niya.
Tumayo ako at tinapik ang balikat ni Hich.
“Hich, gising na. Uuwi na tayo. Ano? Stay ka ba rito?” Tanong ko sa kaniya. Minulat niya ang mata niya at kinusot ito. Tumingin siya kay Elleana na natutulog pa rin.
“Tinext ko na si mama na stay muna ako rito. Gusto ko ’pag nagising si Elleana ako ang una niyang makita.” Sagot niya sa akin na ikina-buntong hininga ko.
“Ikaw bahala, paano? Una na kaming tatlo, ah?” Paalam ko kay Hich gano’n din ginawa nina Keige at Scena.
“Tito, tita, una na po kami. Balitaan niyo na lang po kami kapag nagising na po si Elleana,” pagpapaalam ko sa mga magulang ni Elleana.
Ngumiti naman si tita sa amin. At nagpasalamat dahil dinalaw namin ang unica hija nila.
“Mag-iingat kayo, ah? Hija, mag-ingat sa pagd-drive, gabi na sa at madilim ang kalsada.” Paalala ni tito sa amin at tumango si Scena sa kaniya. Gano’n din ang ginawa namin ni Keige at ngumiti ako bago tumalikod.
Huminto ako at bumalik kay Elleana.
I kissed her temple and caresses her cheeks as I muttered, “gumising ka na, bakla! Pagaling ka, ah? I love you, Elsa ko.” Magaan na yakap ang binigay ko kay Elleana upang hindi madaganan ang mga sugat nito sa katawan. Tumindig ako at tumalikod na bago magpaalam ulit sa kanilang lahat.
Tuluyan na kaming nakalabas ng hospital room ni Elleana.
“Ang ganda ng best friend mo, Marielle. Kahit punong-puno siya ng bandage. Lumilitaw pa rin ang kagandahan niya.” Pangbabasag ng katahimikan ni Scena.
“Sobra. Kaya inlove na inlove ang pinsan ko ro’n, e.” Sagot ko.
Nasa elevator kami ngayon pababa ng ground floor.
“Pinsan mo pala ’yon? ’Kala ko kapatid mo.” Sambit ni Scena.
“Oo, pinsan ko siya. Dami ngang nag-aakala na kapatid ko siya, e. Minsan akala ni kuya ko siya,” pagchi-chika ko kay Scena.
“Love, pag-uwi natin magpahinga ka na ah?” Singit ni Keige sa usapan namin.
“Yes love, ikaw din.” Sagot ko at kumapit sa braso niya.
Narito na kaming tatlo sa parking lot, at sumakay ulit ako sa passenger seat habang si Keige ay naupo sa likuran. Magmumukha naman kasing driver lang namin si Scena kung pareho kaming uupo ni Keige sa likod.
“Scena, sorry ha? If naistorbo pa kita...” paghingi ko ng pasensya kay Scena habang nagmamaneho ito.
“Naku, wala ’yon. Ginusto ko rin namang tulungan ka. At saka emergency iyon at baka matagalan pa kayo if magco-commute lang kayo.” Aniya at patuloy pa rin sa pag-focus sa daan.
BINABASA MO ANG
BOOK 02: DOROTHEA (ON-GOING)
Teen Fictiona fictitious one. A perfect life story of Marielle Francisco.