SOMEONE’s POV
Paano ko ba sisimulan ang lahat? Detalyado ang bawat salita na kinakailangan. Malinis at walang tapon. Gusto kong gawing perpekto ito, gusto ko makita ng madla na perpekto ang aking katha.
Naririto ako sa aking kwarto, suot ang salamin upang hindi masyadong mag-reflect ang ilaw na nagmumula sa aking laptop. Tahimik na sumisimsim ng mainit na kape habang nag-iisip kung ano ba ang susunod sa aking tinitipa.
Hindi puwedeng mauwi lang sa wala ang aking plano. Gusto ko magtila itong telang plantsado, walang lukot.
Hindi naging maganda ang buhay niya, kaya gagawin ko itong maganda at perpekto. May iilang detalye na kailangan may mga flaws, kung wala ang mga ito, hindi magiging kapukaw-pukaw ng atensyon.
Kontrolado ang bawat tao, ang bawat galaw, ang bawat eksena, at ang bawat salitang lalabas sa kanila. Siya pa rin ang bida sa kwentong ito. Pero ngayon? Ako muna.
-ˋˏ✄┈┈┈┈
MARIELLE’s POV
“ANO?! SINO ANG BUMANGGA SA IYO?” Galit kong tanong kay Elleana kaya naman agad niya akong binato ng crumpled tissue.
“Gaga ka, ang ingay mo naman! Ganiyan ka ba mag-hello sa pasyente?” Asar nitong sambit.
Eh kasi naman nakaka-intriga iyong IG story niya.
“Your IG story went viral, ang daming na-intriga ro’n. May pa—“Got your identity” ka pang nalalaman kasi! Alam mong marami kang followers. Trending ka rin sa Tweeter, girl! Sabihin mo na kasi, at nang maabangan ko sa kanto ’yan!” Umasta akong makikipag-away dahil iniangat ko pa ang damit ko sa parteng balikat.
“’Te kalma ka lang! Chill, ako nga chill lang, e,” nakangising sagot sa akin ni Elleana.
Ano kaya binabalak nito?
“Someone na malapit sa iyo.” Seryoso nitong sinabi.
Uumpog ko na ulo nito, e! Charot, kagigising lang pala ni gaga.
“Malapit sa akin?” I blinked twice, wondering who’s the person she’s talking about.
“Nanakit ulo ko sa iyo, Elsa, ah! Hay nako!” Irita kong sabi sa kaniya at natawa na lamang ito.
Inofferan naman ako ng kinakain nitong donut kaya naman kinuha ko na lang iyon at nakipag-chikahan.
Maingay kami sa kaniyang hospital room nang biglang umeksena ang doktor nito. Sinabi sa amin na another 1 week pa ang kailangan ni Elleana rito sa hospital para sa 1 week check-up niya para hindi na rin siya pabalik-balik dito sa hospital.
Mahaba-haba ang naging chikahan namin dito.
Lumabas muna kami ni Keige upang bumili sa convenient store near dito sa hospital. Binili niya ako ng Sting at pagkain para habang nasa hospital kami ay may nginangata raw ako.
Yehey! Sting!
“Sino kaya ’yong tinutukoy ni Elleana na malapit sa akin? ’Yong nagbalak sa kaniya na banggain siya ng kotse?” Tulala kong tanong kay Keige. Muli kong binuksan ang saradong bote ng Sting upang uminom.
Napa-isip din si Keige. Habang nag-iisip din ako.
“Sino ba ang malapit sa iyo bukod kay Elleana?” Tanong nito muli.
Tulala akong napatingin sa kalangitan iniisip kung sino ba talaga iyon.
Sino ba ang pwedeng magtangka sa buhay ni Elleana? Hindi naman siguro si Heliaria or iyong si Brixienne at dahil cinut-off ko na si Heliaria. Ang malapit lang naman sa akin ay si Elleana at si Kaszuescena...
![](https://img.wattpad.com/cover/371889213-288-k531795.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 02: DOROTHEA (ON-GOING)
Teen Fictiona fictitious one. A perfect life story of Marielle Francisco.