MARIELLE’s POV
“’Nak, nakausap ko na tatay mo,” my mother and I was preparing for the breakfast. I was busy preparing James’ milk when she calls me.
“Anong sabi po, ma?” Natapos ko na ang tinitimpla kong gatas at inayos ang mga plato at kubyertos sa hapag-kainan.
“Pumayag na ang tatay mo na mag-working student ka,” nakangiti niyang sagot sa akin kaya naman nagtatalon ako sa saya at yumakap sa kaniya.
“Yehey! Salamat, mama!”
Masaya kaming kumakain ng almusal nang magsalita si papa. Nandito na pala kanina pa, maaga ito umalis ayon kay mama kaya kakauwi niya lang halos.
Linggo ngayon at wala akong pasok, ngunit may kailangan akong tapusin na mga asignatura.
“May sasabihin ako sa inyo,” napuno ng katahimikan ang buong hapag nang sabihin iyon ni papa.
“Hindi na tayo titira rito—”
“Ano?” sabay naming tanong ni mama.
“Kasi—”
“Hindi puwede! Kawawa ang mga bata wala tayong matitir—”
“Ma! Patapusin mo muna kasi si papa,” sabat ko. Napuputol lagi eh, para tuloy internet si papa, choppy magsalita.
“Ay, sorry hehehe...” hingi ng pasensya ni mama kaya natawa na lang kami ni James.
“Ito na nga, kaya hindi na tayo titira rito kasi matagal ko ng nilihim sa inyo na may ipinatayo akong bahay dito lang din sa tondo. Mas malaki at magara. Hindi na natin kailangan—” naputol na naman si papa nang tumakbo sa kaniya si mama upang yakapin.
Si mama talaga, oh.
“Teka Hon! Hindi pa ako tapos,” matawa-tawang sabi ni papa sa kaniya.
Napangiti ako sa senaryo, ang sweet nila.
“—mangupahan dahil sa atin na talaga ang bahay na iyon. Ang lupain na pinagtayuan ng bago nating bahay ay minana ko kay Itay,” pareho kaming ngumiti ni James habang magkatinginan.
“Kaya ko napatayo ang bahay na ’yon kasi...” Umismid si papa para bitinin kami.
“Pa naman!” humagalpak ang kaniyang tawa nang sabihin ko iyon.
“Na-promote ako sa trabaho last year pa. Kaya sorry, ngayon ko lang nasabi sa inyo, surprise kasi.” Nakatikim ng hampas si papa sa kaniyang balikat nang hampasin ni mama ito.
As Dad shared the news of our new home and his promotion, tears welled up in my eyes and in Mom’s too. James, my younger brother, couldn’t escape the infectious emotion that filled the room. It wasn’t sorrow that brought tears; it was the overwhelming realization that our family was rising above the hardships we had faced.
For so long, we had struggled, but now the path ahead seemed brighter. James could finally have the toys he had always longed for, and we wouldn’t have to worry about scrimping on meals. Yet, despite our newfound success, I knew my role as the eldest daughter wasn’t over. I still felt the weight of responsibility to continue lifting us out of poverty.
I understood that my parents wouldn’t be able to work forever, and time was ticking. Graduating from college wasn’t just my dream; it was my ticket to helping my family further. Becoming a Psychiatrist wasn’t just about personal ambition; it was about giving back and ensuring our future stability.
As tears of joy mixed with determination, I vowed to do whatever it took to see us through to even better days ahead.
Sa susunod na weekend ay lilipat na raw kami sa bago naming bahay. Dadalhin na lamang namin ang pagma-may-ari namin dito sa inuupahan naming bahay. Ang ilang kagamitan kasi rito ay sa mismong may-ari, kaya hindi na kami mahihirapan magdala ng mga gamit.
BINABASA MO ANG
BOOK 02: DOROTHEA (ON-GOING)
Teen Fictiona fictitious one. A perfect life story of Marielle Francisco.