/4/ The Missing Patient

1K 60 16
                                    

Jael's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jael's POV

BIRUIN mo na ang lasing huwag lang ang taong bagong gising, sabi nga nila, pero huwag mong biruin ang nagising dahil sa tunog ng lato lato. Bukod sa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi ay nagising ako sa pesteng takatakatak na tunog ng mga anak ng kapitbahay ko.

"Doc, ang aga-aga nakasimangot ka na naman, mababawasan lalo beauty mo niyan."

"Close ba tayo?" banat ko pabalik sa nagbirong nurse sa'kin.

"Sorry, Doc." Nagsikuhan lang sila ng mga kasama niya. Sanay naman na sila sa'kin at sanay na rin naman ako na palagi nila akong pagtsismisan, nahuhuli ko na nga sa akto umaamin naman din sila.

At kung talagang pinagtitripan nga naman ako ng pagkakataon ay saka siya sumulpot dito sa area namin.

"Good morning, Doc Adam!" abot-tenga ang ngiti ng mga loka.

"Good morning, ladies. Have you seen Doktora Fariñas—oh there she is." Sa malas ko'y nakita niya pa rin ako.

"Yes, Doc Santibañez?" tinaasan ko siya ng kilay kahit na gwapong-gwapo siya sa sarili niya.

"Here, naiwan mo kagabi." Nanlaki ang mga mata ko nang iabot niya ang isang pamilyar na panyo.

"Thank you." Napasinghap ang mga tsismoso sa paligid nang tanggapin ko 'yon. "Ikaw pala ang nakapulot." Akala mo ha. Saka ko sila nilayasan, taking out again my red notepad and pen. Check.

Papalapit ako sa ward three nang matigilan ako't 'di ko mapigilang mapataas ng kilay. Paano ba naman ay may dalawang nurse ang nakadungaw sa loob ng silid, mga nakangiti at ang isa'y nakalabas pa ang phone at may bini-video-han yata sa loob.

"What are you doing? Oras ng trabaho nakahambalang kayo riyan." Bago makasagot ang dalawa'y narinig kong himig na nagmumula sa loob ng ward.

"Eh, kasi doktora—" hindi ko na naintindihan ang sagot nito nang mangibabaw ang tunog ng gitara at pag-awit ng mga bata.

"Mahal na mahal kitang Panginoon. Kailanma'y 'di kita ipagpapalit, 'pagkat sa piling mo'y langit. Mahal na mahal kita Panginoon. . . "

Pagdungaw ko sa maliit na bintana sa pinto'y ako naman ang natulala roon. May lalaking naggi-gitara na umaawit habang nakapalibot ang apat na bata na sumasabay din sa pagkanta.

"Tara na, baka maulan pa tayo ng sermon." Dinig kong sabi ng isa saka sila lumayas.

"Habambuhay, papupurihan ka. . . Habambuhay, maglilingkod sa'yo. . . 🎶"

I glanced at my wristwatch and clicked my tongue before abruptly sliding the door open. The children continued to sing cheerfully while the man stopped strumming his guitar. Paglingon niya sa'kin ay pumanewang ako.

"Ikaw na naman? Bakit ba pakalat-kalat ka rito sa ospital?" naniningkit kong tanong sa kanya.

"Good morning, Miss—"

A Numinous Affair (Salvation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon