Goodbyes

981 37 1
                                    

Freen

Mama huwag kanang umiyak. Promise pagbalik ko magiging mahusay akong doctor. Ayaw mo nun mama. DR. FREEN SAROCHA CHANKIMHA diba ang gandang pakinggan, sabay yakap sa kanyang ina. Ok ma limang taon lang naman ako doon at saka tatawag naman ako lagi sayo, may internet naman. Alam ko maraming magaganda doon, pangjojoke niya sa ina. Pero dapat yung kasing ganda at kasing bait mo mama. Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan, siya mag iingat ka doon. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Maluhaluhang sabi ni Mrs Chankimha sa anak. Yes mama promise. Flight 507 ready for take off please all pasengers etc..Bye mama i love you..

Umiiyak na nagpaalam ang mag ina. Mag isa niyang pinalaki ang kanyang anak dahil maagang namatay ang kanyang asawa. Dahil maykaya naman sila at may mga malalaking lupain sila kaya nung namatay ang kanyang asawa ay hindi sila nahirapan sa buhay. Isa sila sa kilalang pangalan sa kanilang probinsya dahil na din sa mga mabubuting nagawa nila sa mga tao doon. Mamimisa kita anak parang kailan lang. Daddy gabayan mo ang anak natin hah. Ikaw na muna tumingin sa kanya jan mula sa heaven. 10 taon nang wala ang asawa niya. Huminga muna siya nang malalim at umuwi na sa kanilang probinsya.

Promise mama magiging doktor ako. Huminga nang malalim si freen at nilagay na ang headphone sa kanyang ulo. Nakaupo na siya sa eroplano, pupunta siya sa amerika para mag aral. Nakakuha siya nang schoraship sa pinakamagandang universidad sa amerika sa tulong nang kanyang profesor. This is it...











#❤️❤️Thank you readers..  sana tuloy lang po sa pagbabasa. Pasenya na if purong tagalog, mas naiexpress ko  kasi ang gusto kong kwento. ❤️❤️

IkawWhere stories live. Discover now