Still becky pov.Nakabihis na nang pantulog si becky nang buksan niya ang cellphone niya.
Napapangiti siya pero nag uumpisa nang tumulo ang luha niya.
Mahal na mahal parin kita freen.
Kailanman hindi nagbago ang nararamdaman ko sa iyo. Im so sorry kung nasaktan kita.
Tinitignan niya ang mga larawan mula sa kanyang cellphone. Maslalo siyang napaiyak nang nagplay ang video nung nasa beach sila ni freen.
Ngumiti siya habang tumutulo parin ang luha niya. Eto yung nasa dagat tayo freen. Ang pinamasayang araw na kasama kita. Mahal ko.
Kahit 5years na ang nakalipas ay hindi parin niya binubura ang mga larawan sa kanyang cellphone.
Im sorry freen....yung lang sinasambit niya habang humihikbi sa pag iyak.5years flashback.......
Kasalukuyan nasa apartment sila ni irin sa araw na iyon dahil examweek nila kaya ngpasiya silang dalawa na mgtulungan sa pag aaral. Kahit si freen ay busy din ito dahil patapos narin sa intership niya.
Biglang naninikip ang dibdib niya nahihirapan huminga. Naramdaman naman ni irin na may hindi maganda ang pakiramdam ni becky.
Bec are you ok.. rinig niya ang kaibigan ngunit hindi siya sumagot.
Unti unti siyang tumayo para pumunta sa kitchen at kukuha nang tubig nang biglang nagblanko ang paningin at di niya namalayan natumba na siya..
Bec... Tawag pa sa knya ni irin ngunit nawalan na siya nang malay..
Pagmulat niya nang mata ay puting kisame ang namulatan niya, inilibot niya ang paningin nang mapagtanto niyang wala siya sa apartment niya. Nasa tabi niya lang si irin na nakayuko ito sa kama.
Bec.. aniya ni irin agad sa knya.
Where Iam?
Nandito ka sa hospital bec, nawalan ka nang malay kanina.
Wala pang sinasabi ang doktor kaya wait natin bec.
Bakit bec anu nararamdaman mo. Tanong ni irin sa kanya.Kahit siya hindi niya din alam, ngunit meron na siyang idea ngunit ayaw niyang isipin na iyon ang dahilan.
Dumating ang doktor, tinanong niya ito kung may history ito sa sakit sa puso.
Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Pero ang alam niya ay nagamot na ito, dahil sa matagal naman na. Ayon sa doktor nagkaroon nang butas ang puso niya at kailangan maoperahan niya sa madaling panahon kundi pwede niya itong ikamatay. At saka kung ooperahan din ay maliit ang chance na magtagumpay, at isa pa once na maoperahan at magtagumpay ay malaki ang posibilidad na magbago ang mga nararamdaman sa isang tao kasi gagalawin ang kanyang puso,kaya shock na shock siya sa nalaman pati si irin.
Naisip niya agad si freen...
Paiyak siya sa mga rebelasyon sa kalusugan niya..
Bec... Niyakap siya nang kaibigan..
Alam nang kaibigan ang kanyang iniisip dahil narin sa pagbanggit sa pangalan ni freen at pag iyak nito.
Bec kailangan din malaman nang mga magulang mo ito.
Nang marinig ang mga magulang nito ay umiling siya kasi alam niyang mag aalala ang mga ito at agad na ihahanap siya nang mga magagaling na doktor ang ipapagamot ang sakit.
Pero sa ngayon iniisip parin niya ang huling sinabi nang doktor.
Irin natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko ok naku.. akala ko wala itong sakit ko na ito.
Paano kung totoo nga nang once na magamot nga ako pero mawawala na ang pagmamahal ko kay freen, irin.
Hindi ko kaya...iyak na sambit ni becky sa kaibigan..
Bec about that siguro kailangan mo din sabihin kau freen, deserve din niya malaman. Alam kong hindi ka niya iiwan, anu man ang mangyari bec.
Umiiyak si becky habang yakap yakap siya nang kaibigan.
Shhhhhhh enough sa pag iyak bec, dont stress yourself.. hindi makakatulong sa kalagayan mo sa ngayon ang pag iyak iyak. Lumaban ka bec, please...ani ni irin na umiiyak..
Alam niyang nag aalala ang kaibigan.
Nagpapasalamat siya dahil sa mga ganitong sitwasyon ay nandiyan siya kasama niya..
YOU ARE READING
Ikaw
RomanceBecky Amstrong- isang mayaman at kumukuha nang Law sa isang sikat na skwelahan sa amerika. 20 taong gulang. Freen Sarocha Chankimha- lumaki sa probinsya, galing sa kilalang pamilya sa kanilang probinsya. Pangarap niyang maging doktor. Boy si freen p...