CHAPTER 4-Adrian Joshua Hernandez

58 2 0
                                    

[ A/N: Mapapalambot kaya ng lalaking ito ang pusong bato ni Sam? ]

AJ's POV

Habang nagfefacebook......

"AJ! I-chat mo nga si Sam!" -Alice

Kung nagtataka kayo kung bakit ko kilala si Alice, well, classmate ko siya.

"Bakit?" -Ako

"Wala lang, lokohin mo lang. Dali!"-Alice

"Oo na, sige na! Pasalamat ka malakas ka sakin!" -Ako

"Ge out na ko, text mo sakin convo niyo ah!" -Alice

Nako, ganyan yan si Alice pag may nilalakad sakin. Sanay na ko diyan. Lagi ganyan yan, nagpapalakad ng babae. Di pa daw niya kasi ako nakikitang may kasamang babae bukod sa kaniya. Minsan nga sinasabi nan na bakla ako, kasi di daw ako nanliligaw o kahit magkagusto manlang sa babae.

Ang totoo nan, isa akong dakilang TORPE.

Makita ko palang yung babaeng gusto ko, naiihi na agad ako. Tumitiklop agad ako. Gusto kong tumakbo. Kaya hanggang ngayon, wala parin ako nagiging girlfriend.

Adrian Joshua Hernandez. 17 na ko. Studying in a private school near our house.

Dahil kay Alice kung bakit kami nagkakilala ni Sam. Matagal na kaming magkakilala ni Sam. Nakita ko kasi siya sa mga pictures nila ni Alice kaya ayun, in-add ko sa facebook. Tapos ayun, nagchachat kami minsan.

Pero hindi alam ni Alice. Hindi rin niya alam na matagal na kong may gusto kay Sam. Na dahilan kung bakit ayaw ko sa mga nilalakad niya sakin. And finally! Ang babaeng gusto ko ang nilalakad niya sakin ngayon.

[ A/N: Oh yan muna. Bukas na yung kasunod. Inaantok na yung daliri ko. HAHAHA. ]

FLYING IPISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon