AJ's POV
Good morning.
'Di ako nakatulog ng maayos kagabi.
Iniisip ko kung pa'no didiskarte.
Mahirap naman kasi talagang paamuhin ang toro.
At lalong mahirap palambuting ang bato.
Pero mas mahirap ipitan ang kalbo.
Ay may mas mahirap pala dun....
Ang patayin ang FLYING IPIS.
Iharap mo na ko sa lahat, 'wag lang sa flying ipis. Iba ang powers ng ipis, sa flying ipis. Huhuhuhu. :(
Okay, let's go back to the story. Epal kasi 'tong flying ipis na palipad-lipad dito eh.
Mahilig siya sa kwek kwek? Crap. Allergic ako sa itlog! Pero siya naman ang kakain eh, hindi ako.
Ang bilis naman kung yayayain ko siya agad ngayon. Makakahalata na yun.
*Bzzzzzt*
Text msg. from Sam :)
Good morning guys! :*
Good morning Sam.:) -I texted her.
Halata na ata ako. -_-
Good morning! You have lakad? -Sam
Wala po, why? -I replied
Punta kayo dito. Wala akong kasama.-Sam
Wiiiieeeeeeeeeee! Tae para akong baklang kinikilig. Pero mali ata pagkakabasa ko. "PUNTA KAYO." kayo, hindi KA. -___-
Agad agad kong tinext si Alice at pumunta kami kela Sam. Pero bagu yun, nagpasama muna ako kay Alice para bumili ng kwek kwek.
*door bell*
Sam's POV
Pinapunta ko dito yung dalawang magtropa. Kiikilig ako sa dalawang yun. Bakit kasi ayaw pang magligawan. Haha!
Masaya ako kapag kasama ko sila. Kahit ngayon ko lang naka-close si AJ. Feeling ko 'di na siya iba. Matagal na kaming nagkakachat pero this year lang nagmeet.
Gwapo yun at talented. Kasali sa banda. Hindi siya mahirap pakisamahan. Sobrang mabait. :)
*door bell*
Pagbukas ko ng gate, dalawang plastic ang bumungad sakin. OMG KWEK KWEK! :">
"OMG BOYFRIEND KO!"
AJ's POV
"Ako?" Pagbibiro ko.
"Tange, yung kwek kwek!"-Sam
"Ito naman, binibiro lang."-Ako
"Para sakin ba yan?"-Tanong ni Sam, ang lapad ng ngiti ah ^__^
"Oo 'te. At sabi ng kwek kwek mo kung pwede mo daw ba kami papasukin. Kasi hindi mainit eh."-Alice
"Ay sorry, pasok!"-Sam
Pagkapasok namin, syempre na-amaze ako sa bahay nila. Ngayon lang ako nakapasok eh. Hanggang gale lang naman ako lagi. </3
Punong-puno ng paintings.
"Hanga nga ka no? Paintings ni Sam lahat yan. Pag malungkot siya, diyan niya binubuhos." Bulong ni Alice habang si Sam nasa kitchen. Nilalagay sa plate yung kwek kwek niya.
"Ang dami naman. :O"-Ako
"Kasi lagi siyang malungkot."-Alice
"Eh pag masaya siya? Hindi siya nagpepaint?"-Ako
"Hindi na siya sumaya simula nung nawala si Edward."-Alice
Sam's POV
Pagkapasok nila, pinapili ko sila ng movie habang ako nasa kitchen at nilalagay sa plate ang kwek-kwek. Ito kasi ung unang-unang street food na nakain at nagustuhan ko when I got here in Pinas. Kaya na-inlove ako sa kwek-kwek. <3
Napansin ko namang nagbubulungan yung dalawa nung makabalik ako sa sala. Si AJ nililibot ung paningin sa buong bahay.
Habang nanonood ng movie at kumakain....
"Uy ayaw niyo ba?" -Ako
"Iyo na 'te. Mukhang kulang pa nga sa'yo."-Alice
"Good. Galawin niyo naman daw kasi yung popcorn 'diba."-Ako
Agad namang kinuha ni Alice yung popcorn na hinanda ko sa kanila. Si AJ ayaw kumuha, nahihiya pa si koya. :3
"Uy thank you ah, dinalhan niyo ko neto." -Ako
"Kay AJ ka mag-thank you. Siya nag-effort bumili nan."-Alice
"Woah, AJ. Thank you ah. Favorite ko 'to eh. ^__^"-Ako
"Alam ko."-AJ
"Ha? Bat mo alam?"
"K-kasi a-ano. Halata n-naman eh. Ang siba m-mo kaya kumain oh. Hahaha."-AJ
Anmeron at nauutal nanaman 'to.
"What is siba?"-Ako
"Masiba friend! It means, you're beautiful. HAHAHA."-Alice. Nagtawanan naman silang dalawa. Inaabuso nila pagka-chinese ko. >.<
Nung matapos yung movie...
"Sam, sinong marunong magpiano sa inyo?"-AJ. Malamang lang na napansin ni AJ yung piano.
"Si angkong. That was his gift to me on my 13th birthday. Tapos, he died when I was 14. Kaya pinilit akong magpiano lessons ni mama para daw magamit ko yan."-Ako
"Angkong?"-AJ
"Lolo, AJ."-Alice
"Ahh. Pwede ko tugtugin?" Tanong ni AJ.
"Sure."-Ako
Pumunta si AJ sa piano tapos he started playing it.
[ A/n: Habang tumutugtog si AJ, napapaluha si Sam. Bakit kaya?.......................... ]

BINABASA MO ANG
FLYING IPIS
De TodoTIPS kung pano makapapatay ng hindi lang basta basta ipis, kundi FLYING IPIS. Pagkatapos niyong basahin ito, hindi na kayo muling matatakot pa sa mga ipis lalo na sa mga lumilipad na ipis. Magiging confident kayo sa pagpatay nito at ang mga ipis na...