Sam's POV
I may have run out of songs to sing
I may have run out of words to say
Hindi ko na kaya..... Hindi ko na kayang pigilan....
"Ssshhh, okay lang yan. Wag mo na isipin." Sabi ni Alice habang hinahaplos yung likod ko.
But all that I want you to know is what I feel for you
I love you
As endless as forever
Aj itigil mo yan :( -Sabi ko sa utak ko
You're all I need to be here with forevermore
That's it. I can't take it!
Naglakad ako ng mabilis papunta sa C.R. Hindi takbo. Ang pangit tignan. Ma-wiweirduhan sila.
Alice's POV
Habang tumutugtog si AJ, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Sam. Parang any minute now ay pwede ng bumagsak ung luha niya. Halata ring nagpipigil siya.
Shunga kasi ni AJ eh. Forevermore pa. Aruy.
"Ssshhh, okay lang yan. Wag mo na isipin."Sabi ko sa kaniya habang hinahaplos yung likod niya.
Ngumiti lang siya na arang pilit at nagpahid ng luha tapos pumunta sa C.R.
"Uy, try mo ibahin kanta mo." Sabi ko kay AJ
"Baket? Anong meron? Bakit umalis si Sam? Bakit mukha siyang malungkot?"-AJ
"Kasi hindi nila theme song yang tinutugtog mo. Kaya itigil mo yan kung ayaw mong ipasubo ko yang piano sa'yo."-Ako
Tinigil naman agad ni AJ ung pagtugtog niya. Kaso topo late na. Naapektuhan na si Sam. Gung gong tong si AJ eh. -_-
AJ's POV
"Sorry sorry. 'Di ko naman alam eh."-AJ
At kung alam ko, edi sana hindi ko nalang tinugtog. Tsss. Kaya pala mangiyak-ngiyak si Sam. -___-
Sam's POV
Dapat sa kwarto ako pupunta eh. Pero sa C.R. nalang para malapit. Baka magtaka si AJ kung bakit ako nagwalk-out agad.
Why of all the songs naman kasi, Forevermore pa? Bakit kailangan ko pa ulit marinig yung kantang yun? Dinelete ko na nga sa MP ko tapos tutugtugin lang sa harap ko ng live?! Oo na, ako na sobrang apektado.
Pero mararamdaman niyo din 'to kapag kayo na ang naiwan. Kapag nagmahal ka ng sobra tapos gagaguhin ka lang. Kapag binigay mo lahat (hindi naman ung lahat ni iniisip mo. :P) pero iniwan ka parin. At ang pinakamasakit, yung palagi mong naaalala yung mga masasayang alaala na alam mong hindi na ulit mauulit. Madrama na kung madrama, pero ang sakit sakit parin talaga.
Nagpunas ako ng luha. Hindi ako masyadong umiyak, mahahalata nila. Mamaya magtanong pa si AJ. Edi lalo akong naiyak. Ganun ako eh. Pag kinomfort, lalong naiiyak.
AJ's POV
Pagkabalik ni Sam galing C.R.......
"Uhmm, Sam. A-ano gusto mong k-kanta?" Utal utal nanaman. Amp.
"Woah. Kaya mo kahit ano? Hehe. Galing ah." -Sam
"Hindi. Malay mo lang kaya ko yung irerequest mo."-Ako
"Bakit hindi ikaw ang tumugtog Sam? 'Diba pag may events naman, ikaw lagi ang tumutugtog. Dali, pakitaan mo 'tong si AJ."-Alice
"Oo nga Sam." Sabi ko sabay tayo sa upuan ng piano.
"Pasmado ako. Tara manuod nalang ulit ng movie." Yaya samin ni Sam
Naglakad siya papuntang sala tapos may sinalpak na CD. Mukhang malungkot parin siya.
Naalala niya parin si Edward. Nalungkot siya gawa ko. -___- Feeling ko rin na nasasaktan parin siya hanggang ngayon. Kinwento kasi sakin ni Alice yung nangyari sa kanila kaya alam ko lahat.
BINABASA MO ANG
FLYING IPIS
AcakTIPS kung pano makapapatay ng hindi lang basta basta ipis, kundi FLYING IPIS. Pagkatapos niyong basahin ito, hindi na kayo muling matatakot pa sa mga ipis lalo na sa mga lumilipad na ipis. Magiging confident kayo sa pagpatay nito at ang mga ipis na...