CHAPTER 13-Abbyngot

33 1 0
                                        

Sam's POV

After kong pahiyain si Lee, syempre hintay hintay din ng ilang weeks bago ulit ako sumugod. Mamaya magbigti yung bigla, edi di ko na siya napahirapan. Kaloka.

*Mall

Nagkayayaan ang tropapits. Sinabi ko kais kay AJ and ALice na nagwowork dito si Lee. Kaya ayun. Alam niyo na siguro kung bakit kami nandito. :3

Nandito akoi sa cr. Naiihi ako bakit ba. Sila Alice at AJ nauna na sa resto. Habang naglalabas ako ng liquid sa katawan ko, may narinig akong babaeng may kausap. Siguro sa cellphone. Di ko marinig kausap niya eh. Mukha tuloy siyang ewan na nagsasalita mag-isa. Monologue ba ang peg 'te?

"Oo nga. 3 months na. Hindi si Edward ang ama."

WTH?!

"Basta alam kong hindi si Edward..."

Crap. Si Abby ata to!!!

"Nagpunta nga ng Canada ang hayop! Tinakasan ako at ang baby ko!"

Owmygulayyy. Si Abby nga. Crap. Tong babaeng to. Sabi na may lahing pagkahitad to eh.

Lumabas ako sa cubicle and boom. Si Abby. Nagulat nung lumabas ako sa cubicle.

"Tsk tsk tsk." Dahan dahan kong sabi habang umiiling at dahan dahang lumalapit sa kaniya.

"Sabi na eh. I knew it! Na wala kang gagawing mabuti sa buhay. Haayyy. Maganda ka pa naman.(Haplos sa mukha niyang baku-bako.) Pero mas maganda ako. (Ngiti sa kaniya) Maganda ka sana, kaso slut ka. Akala ko ba matalino ka? Naiinggit nga ako sa;to eh. Kasi diba valedictorian ka nung high school? Bakit di mo ginamit utak mo nung.....Ay sorry. Baka kung anong term pa magamit ko. Nakakaawa ka naman. (Tingin sa mga chismosang nakikinig.) Marinig pa ng mga chismosang 'to yung kalandian mo. But don't worry. I won't tell Lee. Congrats sa baby ah? May naisip na kong pangalan. ABBYNGOT. Abby plus engot. Hahaha. Corny ko. Well, anywayyy. I have to go. Landiin ko muna boy friend mo ah?"

Lumabas ako sa cr ng may malapad na ngiti. Syempre, may good news akong nalaman. Bwahahahaha! Dumeretsi agad ako sa Shakey's. Pero this time, di ko siya pahihiyain. Diba nga, sabi ko kay Abby, lalandiin ko muna boy friend niya? Haha. Pero di ako slut eh. Pero I'll try my best. Harhar.

Nung umupo ako, kita ko agad si Lee. Syempre medyo pa-cute ako. Mehehehe. Umupo ako kung saan naka-upo sila Alice at Aj. Malamang.

"Ma'am may I take your orders?" Hala koya ayaw namin sa'yo. Gusto namen kay Lee. -___-

"Kuya, pwede po bang (turo kay Lee) siya nalang kumuha ng orders namin?(pout)"-Alice

Nice Alice ^__^

"Uhmm, sure ma'am." Exit na si kuya tapos lakad kay Lee sabay bulong. Agad namang sumugod sakin si Lee.

"Sammy please, not now." Bulong sakin ni Lee

Tumayo ako tapos hinila ko siya sa braso at pina-upo sa ibang vacant table na ikinagulat naman ng mga tao. Ngayon lang nakakita ng magandang nanghihila ng braso? Kaloka

"Sam, I'm working."-Lee

"I know. And don't worry, kaya kitang bayaran doble pa ng sinusweldo mo." -Ako

"Sam ano ba? I'm sorry okay? Ano pa bang gusto mong gawin ko?" -Lee

Ay nagdrama. Kainis kausap eh. -___-

Tinignan ko lang siya tapos tinaasan ng kilay.

"Alam kong nasaktan kita. Pero please. Tigilan mo na yang... whatever you're doing. Kase di mo na maibabalik lahat kahit pa anong gawin mo." -Lee

Tinignan ko lang siya. Sige Sam, hayaan mo siyang magsalita. Moment niya yan. Mehehe :3

Lee's POV

"Sam, let's be friends. Please? Tigilan mo na yan. At patawarin mo na ko."-Ako

Inabot ko yung kamay niya. Tinignan niya lang ito sabay irap. Hay! Tong babaeng to lakas ng saltik eh. Nakikipagbati na nga yung tao eh.

"Sorry Lee. Hindi pa ko handang magpatawad. At nagpunta ako dito hindi para pag-usapan yan. Gusto ko lang na tumingin ka sa paligid mo. Hindi lahat ng na sa'yo, totoo. Tingin tingin rin sa paligin mo Lee. Ngayon palang, itama mo na ang mali." -Sam

Ha? What does she mean by that? Itama ko ang mali?

Matapos niyang sabihin yun ay dumating si Abby. Crap, gulo 'to -_-

"Baby bakit ka nakikipag-usap diyan eh diba nagwowork ka? Yan na ba ang trabaho mo? Ang makipag-usap sa mga customer mong hindi naman kakain at lalandi lang?" -Abby

"Sige Lee, mauna na ko." Sabi ni Sam tapos alis. Sumunod naman sa kaniya sila Alice at yung si... sino nga ba yun? Basta!

"Sumosobra na talaga siya. Ano ba talagang gusto niyang mangyari?" -Abby

"Nag-usap lang kami Abby." Sabi ko habang naglalakad pabalik sa ginagawa ko

"Abby? Tinawag mo kong Abby?" -Abby

"Pagod ako." -Ako

"So na-brainwash ka na ng babaeng yon huh? Hoy....Edward...Talk to me!!!"-Abby

"Pwede ba, tigilan mo si Sam. Umuwi ka na.." -Ako

Tsss. Parang mga bata kung mag-away. Kakabadtrip na ah. Tsss.

FLYING IPISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon