CHAPTER 12-Iced Tea ba kamo

32 0 0
                                    

Lee’s POV

Takte. Ang init! Ang ineet!!!! More fan in the Philippines! (Nakita ko sa fan page sa facebook na shinare nung friend ko) Bakit kasi ang init sa Pilipinas.

Kamusta na kaya sila mom and dad sa China? Nakararamdam kaya sila ng init?

Oh well. Pake ko bas a kanila. Eh sila nga walang pake saken.

Nagtataka ba kayo kung bakit ako nagwowork eh mayaman naman kame? Congratulations! Pareha tayo! Nagtataka din ako. Pero joke lang.  Ang totoo niyan, ayoko ng masyadong tumatanggap ng pera from mom and dad. You knowww. Like every month, nagpapadala sila ng gadgets, pera, shirts, at marami pang iba!

Tapos by the end of the day, isusumbat nila sakin yun. Puro daw sila padala samantalang ako puro bulakbol. Di ko daw inaayos buhay ko dito sa Pilipinas. Yung grades ko daw lahat pasang awa.

Yes, alam nila nangyayari sakin dito sa Pinas. Nirereport lang naman ng magaling kong ate.

Kaya I decided to work ngayong vacation. Para mabawasan utang na loob ko sa parents kong sumbat ng sumbat.

Bakit, sinabi ko bang every month silang magpadala? Amo! Malakas na saltik nung dalawang yun.

Sa mga mata nila, wala na kong tamang ginawa. Puro mali ko nakikita. Hindi ko daw kayang mabuhay ng wala sila. Kasi hindi ko pa raw kayang tumayo sa sarili kong mga paa. Lagi raw akong nakaasa kay ate at sa kanila.

Nagbihis ako para pumunta sa mall at magwork.

Araw araw kong inaabangan si Sam kumain dito. Gusto ko na siyang kausapin ng maayos. Gusto kong itanong kung bakit niya ginagawa yun. Siya naman may sabi na kung san ako Masaya, dun ako. Eh bakit ngayon ganun siya? Tsk. Isa pa tong may saltik eh.

Ilang lingo akong naghihintay pero wala talaga. Baka sa ibang resto na nakain yun. Ngayong alam niyang nagtatrabaho ako dito. Tssss.

Nagpupunas ako ngayon ng table na pinagkainan ng customer na kaaalis lang.

“Excuse me, pakilinis nga rin nito.” Tawag sakin nung…… ni Sam???! Amp. Andito na si sungit.

“Wait lang po ma’am.” Tinatapos ko pa kasi eh. Di ba obyus?!

“Pinaghihintay mo customer mo? Para sa table na nililinis mo na wala namang pinagka-iba nung marumi at nung nalinis? Tsk tsk tsk.” –Sam

“Sorry po sa paghihintay ma’am.” Pumunta ako sa table niya at nilinis ito. Dami daming table dun pa umupo na marumi. Saltik lvl 99

“Yah you should be. You should be sorry for making me wait. Biruin mo, I waited for many months, pero naiwan parin ako. Stupid me. I shouldn’t have trusted you. But don’t worry, I won’t anymore.” –Sam

“Sam, wag dito. Mag-usap tayo ng maayos.” –Ako

“Woah woaahhh! Excuse me mr. Server, waiter, taga linis ng table or whatever animal you are, hindi tayo close. Hindi kita kilala. Taga kuha ka lang ng orders ko.” –Sam

Takte naman. Humanda sakin ‘to pagkatapos ng work ko. Sugurin ko to eh. XD

“Tsss. Okay. Your order ma’am?” Patay maliya nalang ako sa mga sinabi niya.

“I’m thirsty.” –Sam

Sam’s POV

“I’m thirsty.” Sabi ko sa kaniya. Pero siya walang kibo. Naka-tingin lang at hawak parin yung papel at ballpen. Naghihintay na sabihin ko yung order ko.

“Ano tatayo ka nalang diyan for life? Bingi ka ba? Sabi ko nauuhaw ako. Tagalog nay an para maintindihan mo. O gusto mo pa i-chinese ko pa?”-Ako

“Do you want me to get you drink ma’am?” –Lee

“Hindi. Ikuha mo ko ng upuan. Iinumin ko. Balita ko kasi nakakatanggal ng uhaw yun eh. Kung di ka ba naman stupid.” –Ako

“Okay ma’am. I’ll get you a drink. Water, iced tea, or what ma’am?” –Lee

“Basta naiinom. Bilisan mo. Kung hindi nakikita mo tong heels ko? Ipupukpok ko to sa mukha mo hanggang sa mapudpod.” –Ako

Agad naman siyang naglakad para ikuha ako ng maiinom.

Wow. Iced tea. Ayos yan. Ayos ibuhos.

Kinuha ko yung iced tea tapos tinignan. Ininom ko ng konte then I splashed it to him. Kaso nakalimutan kong naka-upo ako at nakatayo siya. Kaya yung damit niya lang yung naduraan ko. :( (Sorry sa term)

“Ano bay an! Ang sama ng lasa. Mas masama pa sa’yo!” Tumayo ako tapos binuhos ko sa kaniya yung iced tea.

“Oh yan lasahan mo. Pasalamat ka at nakalibre ka ng iced tea!” Kumuha ako ng 1k sa wallet ko tapos tinapon sa mukha niya.

“Oh! Baka isipin mong tatakbuhan ko yang iced tea na nasa mukha mo. Excuse me, mayamn ako. At di ko na kailangang magwork dito gaya ng ginagawa mo. Kalahi pa naman kita. Nakakahiya ka.” –Ako

At tuluyan na akong naglakad paalis. Actually, kakakain ko lang sa ibang restaurant. At sinadya kong puntahan siya dun para ipahiya siya. Harhar.

FLYING IPISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon