CHAPTER 14-3rd Attempt

32 0 1
                                    

Aj's POV

Ano ba yan AJ!Ilang beses mo nang pinaplanong umamin, pero laging palpak! Ito na yung pangatlo. Sana naman, masabi ko na.

*RINGGGGGGGG*

“Hello?” –Ako

“AJ! Punta ka sa bahay. Nandito mga classmates natin. Dali!” -Alice

“Bakit? May pupuntahan ka-“ –Ako

“Eh basta! Pumunta ka na! Magtatampo ako pag hindi!” –Alice

Toot toot toot

Alice naman! Ganda ng timing oh -____- Tsss. Sige na nga. Marami pa namang araw. Tska di ko pwedeng tanggihan tong si Alice. Siya kaya yung tumutulong sakin kay Sam. Tska grabe magtampo yan pag di napagbigyan. As in di ka talaga papansinin pag di sinuyo! HAHAHA. Minsan nga magpaparinig pa. Yung hindi nakakainis na pagpaparinig. Yung ang cute cute. Hahahaha. Ganyan yan si Alice.

Si Alice ang unang una kong nagging kaibigan sa buong buhay ko. Siya kasi yung tipo ng tao na kahit ayaw mong makipag-usap sa kaniya at ‘di kayo magkakilala, kukulitin at kukulitin ka niya. Hanggang ngayon nga, tandang tanda ko pa kung pano kami nagkakilala. 1st week of classes nung first yr college kami.

FLASHBACK

Papunta akong school ngayon. Maaga pa naman kaya naglalakad ako. Exercise narin. Hihi

“Hoy!”

Sino naman yun?

Lumingon ako sa likod ko para tignan yung sumigaw.

“Uy!!!”

Isang babae na nakadungaw sa bintana ng kotseng sinasakyan niya.

Tinuro ko ang sarili ko na parang nagtatanong kung ako ba yung tinatawag niya.

“Oo ikaw!” Umandar yung kotseng sinasakyan niya at tumapat sakin.

“Same school tayo diba? Halika sabay ka na sakin.”

Wow. Ang bait naman niya. Pero sabi kasi ng nanay ko don’t talk to strangers eh.Pero mukhang pamilyar siya sakin. Parang nakita ko na siya.

Tama! Siya si….Ano nga bang pangalan nito… Uhm… ALICE! Yung schoolmate ko nung high school.

Sam school pala kami. Ayos!

“Huy ano, sasabay ka ba? Tara na!”-Alice

Hindi ako umiimik. Oo na, ako na speechless -_- Lagi naman. T.T

Bumaba siya sa kotseng sinasakyan niya at umandar na ito palayo na dahilan ng pagtataka ko.

“Kung ayaw mo sumabay sakin, ako nalang sasabay sa’yo.” –Alice

Ang bait talaga niya.-___-

Inabot niya yung kamay niya sakin.

“Ako si Alice. Ikaw? Parang nakita na kasi kita dati eh.” –Alice

Nagsimula na kaming maglakad papuntang school.

“Pipi ka ba?” –Alice

“Ha?.. Hindi!” –Ako

“Ah buti naman. ‘Di ako marunong mag-sign language eh. So anon gang pangalan mo?” –Alice

“Aj” –Ako

“Ah.Hi Aj! Simula ngayon magkaibigan na tayo ha? Wala kasi akong masyadong kilala sa school natin.”-Alice

“Ahh. A-ako rin eh.” –Ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FLYING IPISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon