Minsan may mga experience tayo sa nakaraan ( it maybe painful or happy one ) na nakakapagpabago sa 'tin.
Sa story na ito, naranasan ng ating bida kung paano ma-bully at mapahiya.
Akala niya naka-recover na siya sa traumatic experience na yun at hanggang panaginip nalang ang pangit na nakaraan...........but what if magbalik ulit sa realidad ang lahat, maisip niya na hindi pa pala siya totally recovered sa painful experience niya nung bata pa siya.........
At paano kaya kung yung taong nanakit at nagdulot sa kanya ng nightmares at ang first love niya ay iisa?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sabi nila, " Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay,"
Hindi totoo yun!
" Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng MAS MALAKING BATO!"
Sabi din nila, " The more you hate, the more you love,"
Mali yun,
" The more you hate, the better you hate!"
Eto pa, " Love your enemy."
NO WAY!
Yes, may pagka bitter nga ako. Pero hindi naman sa lahat ng tao.
Bitter ako sa mga BULLIES! Ayoko sa mga nang-aapi ng kapwa.
Galit ako sa kanila!
At lalong galit ako sa isang partikular na tao. Siya ang dahilan kung bakit pansamantalang nawala ang confidence ko sa sarili. Siya na kahit kelan ay hindi ko mapapatawad..........
Tandang-tanda ko pa yung araw na yun, my worst nightmare........
-flashback-
11:10 a.m.
Lunch time
Sa school........
Kinakabahan si Sydney habang nakatayo sa may pintuan ng grade 4 classroom,
Hawak-hawak niya ang isang sulat,
Nang biglang dumating si DK, ang notorious sa pangbu-bully sa buong grade four,
Hinablot nito ang sulat na hawak niya,
" Ano 'to ha?!" nakangising sabi nito,
" A-akin na yan DK,"
" Ano?! Hindi ko madinig ang sinasabi mo!" pang-aasar nito,
" A-akin na yan kasi," pilit niyang inaagaw ang sulat mula dito,
Pero walang balak isauli ito ni Dk. Itinaas nito ang kamay at winagayway ang sulat. Sa laki ng agwat ng height nila, malabong maagaw ito ni Sydney,
Marami nang nanunuod sa kanila, pero walang ni isa man ang balak na tumulong kay Sydney sa pambubully ni DK,
Unti-unting binuksan ni DK ang nakatiklop na sulat niya habang nakangisi. Tila ini-slow mo pa yung pang-iinis sa kanya,
" Wag please.....please na DK..." pagmamakaawa niya dito,
Pero parang bingi lang si Dk......
Nang mabuklat nito ang sulat....
" Naks, love letter!..."
Nagsimula itong basahin ang sulat,
" Dear Marco, alam mo ba na matagal na kita crush...."
Bawat salitang lumalabas mula sa bibig nito, ganun din ang sakit at hiyang nararamdaman ni Sydney ng mga oras na yun.....pero wala siyang magawa,

BINABASA MO ANG
The Bully and The Bitter
RomanceWould you fall for the guy who made your past miserable and just forget about the past and move on or hurt him the way he had hurt you? And would you accept the other guy just to forget him? LOVE LOVE LOVE!!!